Lunch Date...
Hayts.
"Goodmorning Doraemon." Staka ko hinalikan at niyakap yung lifesize na Doraemon na bigay saken ni Papa nung last year bday ko.
Bumangon nako para makapag almusal na.
Nakatira lang ako sa Condo. Mag isa. Sila mama and papa kasi hiwalay na kaya ayun. May kapatid din ako. Minsan si Papa at yung kapatid ko dumadalaw rin dito. Working student ako. Schoolar nga lang ako dun sa Genesis Academy eh. Information Technology (IT) kinukuha ko. Pag nakapag tapos ako ng pag aaral, mangingibang bansa ako upang doon magtrabaho.Susurpurtahan ko ren si Papa and Mama.
Btw. I'm Casey Raine Cortez.You can also call me as Cara. 17 years old. Maganda. Hahaha charot lang. Doraemoners. Cute ni Doraemon eh. Papa's Girl.
.
Tapos nako lahat lahat. Papasok na lang. Papunta na ako ng elevator para sana bumaba na ng may dimonyo akong nakita. Ay di pala. Unggoy na bakulaw. Tch! Di pwede to. Magsasabay kami sa elevator.
Inunahan ko na syang pumasok sa elevator. Sumunod naman sya. Nakangiti pa ang bakulaw. Bwesit! Panira ng araw. Nako kung si Troy lang to ang saya saya ko na siguro."Kung siniwerte ka nga naman." Sabi nung ni Marvin ang dakilang Unggoy na bakulaw sabay ngumiti ng nakakaloko.
Diko na lang pinansin. Baka mas lalo lang masira ang araw ko. Inantay ko na lang na matapos yung Pag baba ng elevator. Tinignan ko ang relo ko.
"Shet! Late nako." Sambit ko ng mahina. Siguro naman di narinig netong bakulaw na to.
Ting....
Dali dali akong lumabas sa elevator at dumiretso sa antayan ng jeep para makasakay na ng may biglang humila sa kamay ko.
Tinignan ko iyon at nakita ko si unggoy na bakulaw. Seryoso ang mukha. Ts. Kaya palang isiryoso ang mukha nito.
"San ka pupunta?" Marahan nyang tanong pero seryoso paren mukha nya.
"School." Tipid Kong sagot. "Bitawan mo nga ako!" Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa kamay ko. Pero wala eh. Mas malakas sya kesa saken.
"Come with me." Seryoso pa ren yung tono ng pananalita nya.
"At bakit naman aber?" Tinaas ko pa yung kilay ko para magmukhang masungit. Charot. Haha
"You're my slave, right?"
"Ok fine!" Hinila nya ako papuntang parking lot.
Isinakay nya ako sa sasakyan niya. Nakaupo ako sa unahan. Hinagis nya saken yung isang notebook at isang libro. Sa sobrang katangahan at pagkabigla ko. Diko nasalo ang bilis eh. Yaan tuloy tumama sa mukha ko.
"Aray ko! Shit! Mata ko!" Kinuskoskos ko gamit kamay ko yung mata ko. Sakit eh. Nyetaa kase tong unggoy na bakulaw na to.
"Stupid." Sabi nya sabay hawak ng kamay Kong pinagkukuskos ko sa mata ko. Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Inihipan nya mata ko. Pinunasan ang mga tubig tubig sa gilid ng mata ko.
Tinulak ko sya."Ok na." Staka umupo ng maayos.
Nagsimula na ren syang magdrive. Diretso ang tingin nya at nakatingin naman ako sa bintana.
Genesis University...
Nang bumaba ako sa sasakyan. Lahat ng babaeng studyante nakatingin saken. Di lang ordinaryong tingin. Masamang tingin ang itinatapon nila saken. Nako mga babaeng ibinudbod sa harina naman oh. Kung nakakaMatay lang yang mga tingin nyo, kanina pako pinaglalamayan. Shutang iners.
![](https://img.wattpad.com/cover/84139907-288-k460449.jpg)
YOU ARE READING
100 DAYS SLAVE
Novela Juvenil"Di mo talaga aakalain na isang araw, magiging isang alalay ka na lang. Kumbaga gagawin mo lahat para sa kanya." @dyosa_aruam