Watch.
Nagbibihis na ako patungo sa aking trabaho bilang waitress sa isang sikat na bar. Minsan nakikita ko si Troy at Marvin doon at iba pang member ng kanilang grupo sa basketball pero ni minsan di pako nakakapag serve sa table nila. Pero dafaq diko naman pinangarap na magserve sa table nila kakahiya kaya. Ang ikli ikli pa ng pinapasuot namin sa uniform dito kaya di maiwasan na may nambabastos saken. Yah! Under age ako pero tinulungan ako ng tito ko na syang manager dito sa bar na ito.
Nakita kong may humila kay Troy na babae. Sexy sya, kutis artista, maganda pak na pak wala ako sa kalingkingan nya. Nag iwas na lang ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagkukuha ng mga order ng mga tao dito. Nakakainis kaseng tignan eh. Mapakla ang mukha at mukhang may tama na rin sya nung hinila sya nung babaeng yun! Nakow! Kaburaot e!
Tinaas ng isang lalaki ang kanyang kamay at hudyat ito na may oorderin ito. Lumapit ako sa kanila. Mga limang lalaki rin ata sila. Halos lahat sa kanila lasing na rin.
"Miss 5 beers pa and pwede bang maitable ka." Nagtawanan ang mga kasama nito pati na rin sya at hinawakan ang braso ko at hinaplos pababa sa akong mga kamay. Kinilabutan ako sa ginawa ng lalaki kaya mabilis akong umalis doon.
Dali dali akong pumunta sa counter para sabihin at ibigay dun sa table na yun ang mga orders nila.
"Mag ingat ka sa mga yun! Mga malilibog yun." Paalala ni Marisol na syang isa reng waitress dito at sa pagkakaalam ko magkasing edad lang kami.
"Uh-hu. Ako pa." Ngumisi ako sa kanya. Pero kinakabahan pa din ako!
Ng ibigay na ng nagseserve dun sa counter yung mga beer dali dali ko itong kinuha at ipinunta dun sa mga lalaking lasing na lasing na. Nagtatawanan , kwentuhan at iba pa. -,-
"Ito na po yung order nyo Sir." Sabi ko. Tumingin yung lalaking humaplos kanina sa kamay ko. At ngumisi. Ngising nakakakilabot. Ngising parang may masamang binabalak.
Agad kong inilapag sa mesa ang kanilang beer. Papaalis na sana ako ng hinigit ng isang lalaki ang kamay ko at itinulak dun sa lalaki kanina.
Kinabahan ako sa nangyari. Dali dali akong lumayo sa pagkakadilit namin ng bahagya.
Tumawa yung mga kasamahan nila.
"Can i take you home miss." Sabay ngisi. Nagtawanan muli ang kanyang mga kasama. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya ng nagsalita sya.
"I.. I can't Sir." Ani ko. Sa kaba ko nagkanda bulol bulol ako sa mga salitang ibinigkas ko.
Agad nyang kinuha ang aking braso at hinawakan ng mahigpit. Nakangisi sya ng tignan ko sya.
Bigla nyang nilapit yung mukha nya sa leeg ko. Bago dumapi yung labi nha sa leeg ko nakita ko na syang nakabulagta sa sahig. Iniinda ang sakit sa kanyang labi na dumudugo. Nilagay ako ni Marvin sa likod nya. Parang itinago ba.
"Don't you even dare touch this girl!" Mariing aniya. Kinuha ulit nya ang kwelyo nung lalaking malapit ng humalik sa aken. Sinuntok nya ulit ito.
Napaatras si Marvin sa isang suntok ng lalaking kasama nung nambastos. Dumugo unti ang gilid ng kanyang labi. Pinunasan nya ito gamit ng kanyang daliri. Sinuntok nya rin yung nanuntok sa kanya.
"Sino ka ba para dungisan ang napakagwapo kung mukha!" Yah! Feeling ko umaapoy na yung mata nya sa galit. Sa tatlong taon ko syang nakikita sa school ni minsan wala pa kong nakitang pasa o dungis sa mukha nya. Sa napakagwapong mukha nya. Teka! Teka! Ano ba yung simabi ko. Eww! Yak kadiri naman nun. Sensya na nadala lang ako. Ehhh.
May mga umawat ng mga bouncer at pinalabas na yung mga nambastos. Pinaupo ko rin si Marvin sa table nila.
"Marvin, ok ka lang?" Nag aalangan ma tanong ko. Tumingin sya saken at ngumisi. Ngising nakakaloko.

YOU ARE READING
100 DAYS SLAVE
Teen Fiction"Di mo talaga aakalain na isang araw, magiging isang alalay ka na lang. Kumbaga gagawin mo lahat para sa kanya." @dyosa_aruam