June 16, 2016

3 0 0
                                    

“Saffron, nandito yung macho
mong boyfriend! kaya bumaba
ka na dito,” sigaw ng magaling kong tatay. Ang galing talagang mangasar ng tatay ko, pero kahit ganyan yan sobrang supportive yan samin ni Dylan kaya naman ng nalaman niyang mayboyfriend ako ang saya saya nya pa, kakaiba sa mga ibang tatay at proud na proud ako don. Agad akong tumayo sa pagkakahiga ko at nag-ayos.
Narinig ko na naman ang malambing na tunog ng kanyang gitara nang mapalapit ako sa aking bintana. Simula pa lang nang nililigawan niya ako ay hinaharana na niya ako. Hanggang sa maging kami, ‘di pa rin siya tumitigil sa pagpapakilig sakin.

“Tulad ng mundong hindiTumitigil sa pag-ikotPag ibig di mapapagod,

Yung boses niyang napaka-kalmado, napaka-lamig pero napaka-ganda. Yung boses niyang nagpapagaan ng loob ko. At yung boses niyang dahilan ng pagkakahulog ko sa kanya nang paulit-ulit.

“Tulad ng ilog na hindiTumitigil sa pag agosPag ibig di matatapos,

Tumigil siya sa pagtugtog ng gitara at inanyayahan nya akong bumaba.

“Saff, happy 2nd anniversary! Baba ka na diyan,” Dali-dali akong bumaba galing sa kwarto at muntikan ng mahulog sa hagdan. Kung mahuhulog ba ko, sasaluhin niya ako? Aba syempre mahal ata ko nan.
Nagpaalam ako sa tatay ko at ipinaalala sa kanya na matagal ng kami ni Dylan dahil madalas niyang nakakalimutan.

“Happy 2nd to us, babe!” sabi ko at nagmadaling pumasok sa kotse niya. Pagkabukas ko ng pintuan ay may isang dosenang puting rosas at isang malaking kahon ng tsokolate. Tinignan ko siyang mabuti at mahigpit na yumakap kay Dylan.

“Saff ipapakilala na kita sa mommy ko.”

Sabi nya at ngumiti. Sumang-ayon ako sa kanya. Habang nasa biyahe, kinakabahan na ako. Baka hindi ako magustuhan ng mommy nya kaya’t nagprapractice na ko kung paano ko babatiin ang mommy nya. Unang beses pa lang nya ako ipapakilala, sa tagal na naming nagsasasama. Hindi talagang open si Dylan lalo na kapag pamilya nya ang pinaguusapan. Hindi naman ako makapagtanong dahil alam kong ayaw nya, pero kahit ganon maytiwala naman ako sa kanya at alam kong ganoon rin sya sakin . Maya-maya ay nasa isang sementeryo na kami. Nagtataka ako kung bakit dito kaming nagpunta, naiisip ko tuloy kung ano bang trabaho ng mommy nya. Huminto kami sa tapat ng puntod at doon nakita ko ang isang pangalan ng babae na kaipilyido nya.

“Ma,gusto kong ipapakilala sainyo yung soon-to-be wife ko, si Saffron,”
Nagulat ako ng malaman na ang nakaburol ay ang mommy nya. Sabi ko nga hindi nagoopen sakin si Dylan lalo na kapag pamilya nya ang pinaguusapan.
“Ma, boto ka naman ‘di ba? Napagkakamalan na siyang diyosa sa sobrang ganda niya, parang ikaw, Ma,”
“Ma, matalino yan! Simula grade 7 naging kaklase ko na yan, daig pa titser kung magturo,” 
“Maalaga rin yan ma, di n’ya ko hinahayaang magpalipas ng gutom kahit maubusan na s’ya ng pera,”
“Tapos kung magmahal yan, Ma, wagas,”
“Sobra niya po kong pinapasaya. Nalulunod na ako sa saya sa tuwing nasa tabi ko siya,”
“Ang lakas, ma, ng tibok ng puso ko sa tuwing nginingitian niya ko,”
“Gustong- gusto nang kumawala ng puso ko sa tuwing tinititigan niya ko,”
“Ma, siya na talaga,”
Napaluha ako sa mga sinasabi  niya. Kahit papaano, may magmamahal pa pala sakin nang ganito.
Lumapit ako lalo kay Dylan at sa puntod ng kanyang ina.
“Hello po tita, ako po si Saffron Sy. Mukhang naipaliwanag na po ni Dylan kung ano ako eh. Sana tanggap n’yo po talaga ko para sa anak ninyo. Aalagaan ko po siya kahit napaka-kulit minsan pero titiisin ko po! Ako po bahala kay Dylan.”
Napatahimik kami parehas ni Dylan. Ipinagdasal din namin ang kanyang ina bago kami umalis.
Bago kami tuluyang umalis, inabutan ako ni Dylan ng isang sulat. Sulat na katulad ng mga ginagawa niya noon.
“Basahin mo pag kauwi mo mamaya ha.”
Sa loob ng limang taong pagkakakilala ko sakanya, masasabi kong wala nang tatalo pa sa mga ginagawa niya para sa’kin at yun ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko sya.

InamoratoWhere stories live. Discover now