Hi there!! I hope you enjoy this story :) inspired akong gumawa ng story dahil Kay ate aly!!! :) hope you guys like it!!
CHAPTER 1Takbo ako ng takbo sa mga taong Hindi ko naman kilala. Nakaka takot ang mga itsura nila. Pero ang pakiramdam ko talagang may balak silang masama saken at iyon ang kinakatakot ko!! Hangang sa nagulat akong nakasakay nalang ako sa isang truck at katabi ang isang lalaking matanda.
Ano ba yon !??? Teleport ?? What the the ?!
Hindi ko alam, hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam ko habang nakaupo ako sa sasakyan . may mga pulis na humahabol sa amin !! Hanggang sa pinag babaril nila ang sasakyan namen . Pero hindi ko mapaliwanag bakit hindi ako tinataman ng mga balang galing sa baril ng mga pulis . hanggang sa nagsalita ako sa mga pulis na -
"umuusok po ang aming sasakyan kaya hindi namin maihinto ang sasakyan."
At laking gulat ko na lang ng ihinto nila ang pag putok ng baril. At naisip ko kung San ako naka kuha ng lakas ng loob sabihin sa knla yun. At naramdaman ko naman na inihinto ng driver ang sasakyan habang umuusok ito.
Huminto kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Ngunit nagtataka ako bakit ang daming taong umiiyak at kumpol kumpol sa isang gilid biglang kinabahan ako ... Parang may male?
Dahil curious ako?? ( O talagang chismosa lang talaga ako haha ;D ) ..
Lumapit ako ng dahan dahan at laking gulat ko dahil mga patay na tao ang nakita ko . hindi ako mapalagay , hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko parang may pumipigil ng aking emosyon na ilabas ito . at sa dahan dahan kong paglalakad may isang pamilyar na tao akong nakita at nilapitan ko ito . tinatawag ko ang lalake ngunit hindi niya ako nililingon . ang payapa ng kanyang mga mukha at ang amo amo nito . ngunit parang hindi niya ko naririnig at nakita Kong tumulo sa kanyang mata ang isang luha sabay hawak sa mukha ng isang babae na naka higa .
Umiiyak ako hanggang sa humagulgol na lang ako!! Hindi pwede! Hindi pwede to !! dahil ang babaeng naka himlay at iniiyakan ng lalake ay AKO . Hindi ko na talaga Alam ang mga nanyayare sinubukan Kong hawakan ang katawan ng lalaking na sa harapan ko ngunit daplis lang ng daplis ang kamay ko sa katawan niya. Sabay sabing......
"Buhay pa ko diba ??, pansinin mo ako !!! Buhay pa ko!!!"
Iyak ako ng iyak !!!
Hanggang sa may naramdaman akong yumuyugyog sa katawan ko at nakita ko ang mukha ni Amy ang bunso Kong kapatid . at umupo ako sa kama ng tulala pa rin.
Hindi ko alam kung babatiin ko ng "Good morning " ang kapatid ko dahil sa pagkaka panaginip ko ng masama kagabe .Oo !! Isang panaginip nga na ayaw ko ng balikan pa!! At pinapasalamat Kong nagising pa ako sa masamang bangungot na iyon... Isang panaginip na weird..
Niyakap ako ni Amy at sabing "Good morning " ate !! Sabay halik sa pisngi ko. Na ikinatuwa ko .
Naisip ko lang napaka swerte Kong magkaroon ng kaptid na kasing sweet ni Amy .
Dahil kung wala siya wala rin silbi ang buhay ko ngayon.TAKUMI !!!! anak bumaba ka na rito at mag almusal na!
Oo TAKUMI nga ang pangalan ko at tatlo kaming magkakapatid AKO si MIKOTO na gusto niyang itawag nalang sa kanya ay Amy . Para raw hindi na siya asarin ng mga kaklasi nya na "MAY KUTO" :) sa bagay may point siya. At ang panganay na si AKI ..
Medyo masungit si aki sa mga babae pwera lang saken syempre kapatid niya ko . dahil masyado raw maarte ang mga ito.
At napaka assuming ! Yung tipong tumingin lang siya akala nila may gusto na ito sa kanila.
Hindi ko naman siya masisi dahil talagang gwapo siya at ma appeal kung hindi ko lang nga lang kapatid ang mokong na to kanina ko pa niligawan hahahaha!! Peace !!Bumaba na nga kame para mag breakfast !!
Bacon, pinirito na itlog , maling at tucino ang inihain ni nanay huvien .
Si nanay huvien nga pala ay isa sa mga paborito Kong kasambahay sa aming mansion ilang taon din siyang nanilbihan sa pamilya namen kaya naman nanay na ang Turing naming magka kapatid sa kanya. Si mama at si papa naman ay laging busy because of their business. Kaya naman hindi sila masyadong close samen mag kakapatid. At kaya galit din ako sa kanila.
MAYAMAN nga ang SANTILLAN FAMILY pero aanhin ko ang yaman kung sarili Kong magulang hindi kami kayang bigyan ng oras o sana naman maramdaman ko naman na andyan sila kaso hindi ko talaga sila ma feel! Sorry may pag ka bitter!
" Yumm yumm immn !! Ang sarap tlaga ng bacon kua aki!! Dba !! Hihi :)" sabi ni mikoto.
At dun ko lang na alala na nasa hapag kainan pala kami .
Sinagot naman ni aki so mikoto..
"Ou bunso :) kumaen kang madame para maging malusog ka ha !! " sabay gulo nito sa buhok ni mikoto, Na ikina tuwa naman nito...
AT tsaka ko lang naalala ang lalaking na sa panaginip ko ? Sino kaya siya ?? Bakit kaya lagi siyang laman ng panaginip ko ?? At bakit siya umiiyak habang hinahawakan ang mga mukha ko.
Bigla akong Napa hawak sa mukha ko na ipinag taka naman ng dalawa ko kapatid??
Eh????
Bigla naman akong nahiya : ^
Sabay sabing "b-bkit???"Aki " bakit mo hinahawakan yang mukha mo?" Seryoso nitong tanong habang naka taas ang isang kilay .
"Ah eh eh k-kasi kinakapa ko lang kung may tigyawat na ko " medyo na utal utal pa kong sabihin sa kanya. ( Hihi :^ panira ng emote Sabay pout )
Lagi na lang siyang ganyan makatingin sakin !! Sa susunod sasapakin ko na talaga to!!! Hihi pero dahil siya ang nakatandang kapatid sige mag papaka baba ako haha :D drama te.
At dahil na distract ako sa pag iisip tungkol sa isang stranger !! Gusto Kong kumaen na lang. Kumuha ako ng nutela sa refrigerator at tinapay at humiwa ng saging at ipinalaman sa tinapay kasama ang nutela .. Eto lagi ang kinakaen ko kapag stress ako . Ewan ko pero masaya ko kapag nakakain ako ng ganito . hihi : }
PERO sino nga ba siya?? Lagi siyang nag papakita sakin sa panaginip? Ko parang napaka hiwaga ? Napaka misteryoso niya !
Pa follow po kung itutuloy ko pa ung story ;)