Seventeenth Convo

465 5 0
                                    

12th of November <3
Happy birthday Bem! Bahala ka na kung lalaklakin mo 'to mag-isa mamaya o yayayain mo kami. HAHAHA!
~ Choi

Isang maliit na card ang nakasabit dito sa isang bote nang Grey Goose vodka na nakapatong sa arm chair ko.
Pagkadating ko kasi rito sa loob nang classroom wala man lang katao-tao at tanging itong vodka lang ang nakaagaw saakin nang pansin. May malaking pink bow kasing nakabigkis sa boteng ito kasabay nang maliit na card.

Ilang minuto pa akong naghintay sa loob nang aming silid pero ni isang kaklase wala pang dumarating. Aba nasaan na kaya yung mga 'yon. Ilang minuto na rin naman kasi parating na ang prof. namin.

Naisipan ko nang kunin ang phone ko para i-text o i-chat sila Choi. Pagkabukas ko naman neto, maraming notifs agad sumalubong saakin na galing namang facebook.

Sabog nga notifs ko eh, kung hindi greetings, likes and comments ang natatanggap ko. Pero sigurado naman akong tungkol lang naman yan sa birthday ko.

Alam niyo naman sa facebook, kapag birthday mo, isang araw kang sikat. Paano ba naman talagang magnonotif ang birthday mo sa lahat nang friends mo sa fb.

In-end all ko na muna lahat nang notifications ko. Mamaya ko na lang din sasagutin lahat nang greetings. Pumunta na muna ako sa messenger.

Dami nga ring nagpersonal message, ngunit isa lang nakaagaw nang pansin ko. Yung lalaking ilang buwang hindi nagparamdam saakin, na pinipilit ko na ngang kalimutan nang tuluyan eh bumati rin saakin.

Ano ba, bakit ba parang may kung ano sa tiyan ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam nararamdaman ko. Ano, seenzoned o irereply ko at magpapasalamat?

Like duhh, binati ka lang niya Bea. Hindi ibig sabihin nun, magiging okay na kayo at type ka rin niya. Problema sa'yo assume ka nang assume. Pwe.

Nakakaasar din minsan yung conscience noh?

Binuksan ko na lang din yung message niya.

R: Happy Birthday Bea!

B: Salamat.

R: Namimiss na kita.

Ay anak ng! Kamuntik ko nang mabitawan phone ko. Ano 'tong chat na 'to? Jusme.

Ayan ka na naman sa mga pakilig kilig mo. Namimiss ka lang niyang kasex sa chat. Tandaan mo yung mga payo sa'yo ni Choi. Huwag kang tanga.

Nakakaasar na talaga 'tong konsensya ko. Pero oo nga eh, pagkatapos nang pagopen-up ko kay Choi. Sinabihan niya akong kalimutan ko na lang si Ruben. Promise nga rin niyang hindi na makakalabas pa yung pinag-usapan namin. Kaming dalawa lang makakaalam.

Tsaka mapagkakatiwalaan naman talaga si Choi. 'Yon nga lang, sa ngayon, hindi ko talaga maturuan puso ko na mahalin rin siya pabalik. Pero hindi naman natin masasabi ang takbo nang buhay, diba?

Sabi nga niya, baka raw balang araw mapagtanto kong mahal ko na rin siya. Kapal talaga nang mukha noh?

Pero nagustuhan ko yung sinabi niyang okay lang na hindi ko siya mahalin pabalik, basta huwag lang raw ako mawala sa tabi niya. 'Yon na lang daw hiling niya.

Ang selfish ko nga kasi 'yon rin gusto kong mangyari, yung hindi niya ko iiwan. Kasi simula talaga nang magkaboyfriend yung bestfriend kong si Fevi, malimit na lang kaming mag-usap.

Nakakalungkot nga rin minsan eh, kasi mas gusto na niyang kasama parati si Philip. Eh hindi ko naman siya madidiktahan nang gusto niya, diba? Hindi naman ko ganoong kaibigan.

Pero okay lang kasi andiyan naman si Choi. Parang si Choi na nga rin yung bestfriend ko sa mga panahong ito. Minsan napapagkamalan na ring kami. Kasi wala eh, kami talaga magkasama parati.

Chat Room [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon