Summer Plan

5.6K 115 27
                                    

15 Years Later ...

Labinlimang taon ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng nailuto ng buhay sa malaking kawa ang babaeng may-ari ng isla na kung tawagin ay Kawa Island ay hindi pinatatahamik ang mga bayang nakapalibot dito.

Gabi-gabi noon ay may pamilyang nawawala. Hindi alam kung paano,sino, at ano ang dahilan ng kanilang pagkawa.
Gabi-gabi din noon ay may pamilyang nagigising na lamang na nasa Isla Kawa na sila at hindi na alam kung paano pa sila makababalok sa kanilang tirahan.
Gabi-gabi dom noon ay may naririnig silang hiyaw ng pagmamakaawa at boses ng isang babaeng patuloy sa pagsumpa sa kanila. Ang mga salitang binibitiwan nito ay tila punyal na tumatarak sa kanilang mga isipan dahilan upang ang iba ay mabalik.at kinalaunan ay namamatay.

"Hindi ko kayo patatawarin sa ginawa ninyong pagluto sa akin nang buhay!"

"Magbabayad kayo!'"

"Walang araw at gabing iiyak kayo, mababaliw hanggang sa kayong lahat ay mamatay!"

Gabi-gabi din noon ay parang hinihigop ang bawat kaluluwa ng mga taong naroon sa Karlez papunta sa Isla Kawa.

At sa loob ng labinlimang taon ngang iyon ay tila naglaho ang lahat ng mga bangungot at naging tahimik ang Isla Kawa.

Ngunit ang mga naninirahan doon ay mistulang mga langgam na lamang na lumilikas at hindi na bumalik pa. Mula sa pamayanang mayroong isang libong pamilya ay unti-unti na itong nababawasan hanggang sa isang pamilya na lamang nga ang natira.

Ang pinakahuling pamilyang ito ay ang pamilyang kinabibilangan ni Kring-Kring. Walang alam si Kring-Kring sa puno at dulo ng kababalaghang mayroon sa Isla Kawa. Ang tanging naikuwento lamang sa kaniya ng kaniyang magulang ay ang kagandahang taglay ng islang ito tuwing umaga. Musmos pa lamang siya nang lisanin ng kaniyang magulang ang islang iyon. Kaya kung babalikan man niya ang alaala sa isipan ay hindi rin ito malinaw at mas lalong hindi niya ito maintindihan.

Tanging magagandang alaala lamang ang naibahagi sa kaniya ng kaniyang ama at ina tungkol sa islang iyon. Pero mahigpit siyang pinagbabawalan na huwag na huwag kailanman itatanong sa kanila kung ano ang tunay na nangyari sa islang kanilang nilisan.

Sinunod na lamang ni Kring-Kring ang bilin ng kaniyang ama at ina dahil alam niyang para sa kapakanan niya rin ito.  Hindi na rin siya nagtatanong nang nagtatanong pa ukol sa mga kuwentong barberong kaniyang naririnig.

Lumaki si Kring-Kring sa bayan ng Sigarilyo na isang isla lamang ang layo mula sa Kawa Island. Sigarilyo Island naman ang tawag sa pook na kinamulatan ni Kring-Kring dahil sa hugis sigarilyo ito kung titingnan sa mapa ng Kabisayaan. Kahit na sigarilyo ang pangalan ng isla ay wala namang mahilig manigarilyong nanirahan doon.

Namuhay nang payapa at tahimik ang pamilya ni Kring-Kring sa bayan ng Sigarilyo. Doon na rin siya nakapagtapos ng elementarya at segundarya. Sa City of Love na kung tawagin ay Iloilo ay doon naman nag-aral at nakapagrapos ng kolehiyo si Kring-Kring. Tuwing summer lamang siya umuuwi sa kanilang probinsiya upang bisitahin ang kaniyang magulang. May pagkakataon kasing sobrang nananabik siyang makita ang mga ito kahit pa napakalayo ang pagitan ng kaniyang tirahan sa kaniyang unibersidad. Sa West Visayas State University siya nag-aarala bilang iskolar at inilalaan din ang spare time sa pagiging student assistant ng campus.

At dumaan nga ang bakasyon sa tag-araw, kinulit si Kring-Kring ng siyam sa kaniyang malalapit na kaibigan na sumama sa kaniya upang makita ang lugar nila. Gusto nilang tuklasin ang misteryosong pangalan ng lugar nito. Weird daw kasi ang pangalan ng kanilang bayan at gustong-gusto ng siyam na kaibigan niya na pumunta roon upang tingnan kung totoo ngang hugis sigarilyo ito.

"Puwede niyo namang tingnan ang mapa ng Iloilo para makita niyo ang eksaktong hugis," minsan na rin niyang biniro ang mga kaibigan tungkol dito.

Pero sadyang mapilit talaga sila dahil mas mainam daw kung personal nilang masilayan ang nakatagong ganda ng islang kinalakihan niya. Wala daw makapipigil sa kanilang kagustuhang pumunta roon. Kaya naman, wala ding pagpipilian si Kring-Kring kundi ang tawagan ang magulang at humingi ng pahintulot sa kanila na kasama niya ang siyam na kaibigang bibisita sa kanilang lugar.

Mabuti na lamang at pumayag naman ang kaniyang ama at ina na sumama ang kaniyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa naman ang mga ito dahil sa wakas ay may lugar na rin silang papasyalan.

At nang dumating ang araw ng kanilang paglisan sa siyudad ng pag-ibig patungong Isla Sigarilyo ay masayang-masaya at handang-handa na si Kring-Kring kasama ang mga kaibigang sina Gumamela, Hello, Beauty, Rampadora, Sampagita, Molave, Kawayan, Nara, at Kundiman.

"Exciting ito!"

"Larga na!"

"Malakat na kita (Aalis na tayo!)"

"Sigarilyo Island, here we come!"

Ilang beses pang narinig ni Kring-Kring mula sa mga kaibigan ang mga katagang iyon. Hindi nga halatang mas excited pa sila sa kaniyang umuwi sa kanilang bayan. Pansin na pansin ang mga malalapad na mga ngiti ng mga ito maliban sa isa nilang kaibigan na hindi pa yata niya muling nakitang ngumiti ito.

Magkagayunpaman, masaya pa rin si Kring-Kring dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may kasama siyang uuwi sa kanilang bayan. Naipanalangin na lamang niyang ligtas silang makarating doon dahil hindi nila hawak ang panahon. Tiniyak naman ng magkakaibigan na maganda ang panahon at hindi uulan sa araw nga ng kanilang paglisan. Mainit at matingkad ang araw nang bumiyahe na sila sakay ng jeep patungo sa terminal ng van hanggang sa pantalan.

...

Sa Isla Sigarilyo naman ay abala na rin ang mga magulang ni Kring-Kring sa paghahanda dahil bihirang-bihira lang ang pagkakataon na masisilayan nilang dalawa ang anak na may kasamang mga kaibigan. Magiging masaya ang araw ng pagdating ng kanilang anak at sisiguraduhin nilang pareho na magugustuhan ng mga ito ang kanilang pamamalagi sa isla.

"Handa ka ba sa pagdating ng iyong anak?" nasa pag-aayos ng higaan ang mag-asawa nang mga sandaling iyon.

"Sinong hindi nananabik na masilayan si Kring-Kring aber?" dinaan na lamang nila pareho sa tawa ang mga sagot sa kani-kanilang mga katanungan dahil hindi maipagkakailang sabik silang pareho sa pagdating ni Kring-Kring.

"Sana lang ay huwag silang masyadong mapalayo sa Isla Sigarilyo at mapadpad sa islang matagal na nating kinalimutan."

"Ako ay umaasa at nananalangin ding hindi nila matutuklasan ang islang iyon at ang lihim na bumabalot dito. Hindi ko gugustuhing mapahamak sila dahil sa ating kapabayaan."

Napapabuntong-hininga na lamang ang mag-asawa matapos pag-usapan ang tungkol sa isla. Ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang ginagawa upang kaaya-aya naman sa paningin ng mga bata ang kanilang maliit na tirahan.

ISLA KAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon