Ang Nayon ni Kring-Kring

5.4K 127 23
                                    

Sakay ng isang pampasaherong jeep ay dumiretso ang magkakaibigan papunta sa Tagbak Terminal upang sumakay ng isang van.

Mula naman sa Tagbak Terminal sakay ng isang van ay bibiyahe sila Kring-Kring ng halos lima hanggang anim na oras bago marating ang daungan papuntang Karlez. Pagbaba naman nila sa pantalan ay sasakay na naman sila ng ferry boat at kahalating oras din silang bibiyahe bago marating ang Sigarilyo Island, ang lugar na kinamulatan ni Kring-Kring.

"Welcome to Sigarilyo Island, mga mahal kong kaibigan," pagbati ni Kring-Kring sa mga kaibigan. Masayang-masaya itong ipinakita ang lugar nang makababa sila sa ferry boat.

"In fairness, ang ganda ng lugar," segunda ni Gumamela na may gumamelang bulaklak pa na nakakabit sa kaniyang kaliwang tainga. Alam na kung saan kinuha ang pangalan niya at ang hilig nito sa gumamela.

"Ang ganda nga ng lugar ninyo, Kring-Kring. Ang puti din ng buhangin dito. Nakamamangha," pagsang-ayon naman ni Hello na halatang bumabati palagi sa lugae na kaniyang pinupuntahan.

"Gusto kong rumampa ng nakapaa dito patungo sa bahay ninyo, Kring. I wanted to let my feet walk in this stunning white sand," tugon naman ni Rampadora na inihahanda na ang sarili sa pagrampa. Hinuhubad na rin nito ang suot na sapatos.

"Hay buhay! Nakarating din tayo sa wakas. Ayaw kong mainitan kaya kayo na lamang ang rumampa. Sayang ang mapuputi kong legs kapag nabilad sa araw. Baka mangitim ako," naiinitang sabi naman ni Beauty. Todo payong pa ito sa mukha. Kulang na lamang ay balutin niya ng kumot ang buong katawan. Palibhasa kasi ay kutis porselana ang balat.

"Kering-keri mo iyan, Beauty. Minsan lang naman 'tong outing na ito. E-enjoy natin ang summer vacation natin ditey. Pak ganern!" papalo-palo sa p'wet na sabi naman ng baklang kaibigan nilang si Sampagita. Mas nauna pa nga itong maghubad ng sapin sa paa at rumampa na parang nasa entablado lang at kunwaring kumakaway-kaway pa sa tagahangang tubig-alat at puting buhanginan.

"Ang iingay ninyo! Marami bang chicks dito, Kring?" ngingisi-ngising tanong naman ni Molave kay Kring-Kring. Puro babae naman ang nasa isip nito at panay ang ikot ng mga mata upang tingnan kung may mapapadaang mga dalaga. Napailing at napapangiti na lamang si Kring sa kaibigang si Molave.

"Maraming chikababes dito, pare. Kasing kulay mong molave," pang-aalaska naman ni Nara kay Molave. Nagkunwariang suntukan pa ang dalawa at naghabulan sa buhanginan. Hindi na bago kay Kring ang pagiging alaskador ni Nara sa kanila. Siya lang naman ang number one bully sa kanilang magkakaibigan.

"Pareho lang naman kayong anak ng araw a!" sabat naman ni Kawayan. Tinawanan pa ang dalawang sina Molave at Nara dahil sa parehong kape na mga balat. Si Kawayan kasi ay makinis ang balat at maputi kung ikukumpara sa balat ng mga moreno niyang kaibigan na sina Molave at Nara. Kaya hindi rin puwedeng hindi niya i-ibully ang dalawa. Pinagmamasdan lang ni Kring ang tatlong nagsusuntukan. Kung hindi lang niya kaibigan ang mga ito, mapagkakamalan talaga silang palaging nakikipagbasag-ulo.

"Hoy, Kundiman na pogi! May sarili ka na namang mundo. Halika na baka maiwan ka rito," tawag ni Sampagita sa kaibigang si Kundiman. Si Kundiman ang pinakatahimik sa lahat. Siya rin ang napakamisteryoso sa kanilang siyam. Si Sampagita lang ang may tapang na sigaw-sigawan ito. Halos lahat naman kasi sa kanila, ang tingin sa kaniya ay nasa ibang planeta o hindi kaya ay nasa ibang dimensiyon at kinakausap ang ibang mga elemento.

Habang naglalakad ang magkakaibigan sa puting buhanging iyon ay kapansin-pansin ang mga tinging ipinupukol ng mga tagaroon sa kanila. Ngayon lamang kasi sila nakakita ng mga dayo mula sa siyudad. Kaya marahil, nanlilisik ang mga mata at kunot ang mga noo ng mga itong nakikipagtitigan sa kanila.

"Huwag ninyong pansinin ang mga tagarito ha? Ngayon lang kasi sila nakakita ng mga magaganda at guwapong katulad ninyo," natatawang sabi ni Kring-Kring sa mga kaibigan. Ayaw niyang masira ang mood ng mga ito dahil lamang sa kakaibang mga titig na ipinupukol sa kanila habang sila ay naglalakad patungo sa bahay ni Kring-Kring.

Ilang minuto ang nakalipas ay narating nila ang bahay nila Kring-Kring. Agad na sumigaw na may kasamang tili pa si Kring-Kring sa mga pangalan ng kaniyang magulang. Ikinagulat naman ng kaniyang magulang ang maagang pagdating nila kaya hindi nila inaasahang makita silang abala pa sa lulutuin para sa mga bisita ng anak. Tumigil ang mag-asawa sa kani-kanilang mga ginagawa at sinalubong ang anak at mga kaibigan nito.

Niyakap naman nang mahigpit ni Kring-Kring ang kaniyang amang si Mang Clemente at ang ina nitong si Aling Krisanta na parehong nasa edad kuwarenta y anyos na at kitang-kita na sa hulma ng kanilang mga mukha ang unti-unti nilang pagtanda.

Kahit ganoon na ang kanilang hitsura ay kakikitaan mo pa rin sila ng maamo at nakangiting mga mukha. Ngiting walang bahid ng anumang pagkadisgusto sa dumating na mga kaibihan ng anak. Ipinakilala naman ni Kring-Kring ang mga kaibigan niya sa kaniyang mga magulang. Ginantihan naman mga ito ng pagmamano sa kanilang mga kamay. Tuwang-tuwa naman silang tinanggap ng mag-asawa.

"Kaawaan kayo ng Diyos mga anak. Nawa ay maging masaya ang bakasyon at pananatili ninyo rito sa aming isla."

Pagkatapos ipakilala ni Kring-Kring ang mga kaibigan ay pinapasok na sila sa kanilang munting tahanang napapalibutan ng mga kagamitang gawa sa kawayang poste. Ang loob ng tahan nila Kring-Kring ay gawa naman sa semento ang sahig at kawayan naman ang itaas nito.

Mayroon itong tatlong kuwarto dahil nag-iisang anak lamang siya nina Mang Clemente at Aling Krisanta. At dahil tatlo ang kuwarto roon ay hinati rin ito sa tatlo ng mga magulang ni Kring-Kring. Ang kuwarto ng mag-asawa ay nasa dulo habang ang nasa gitna naman ay ang magiging silid ng mga babae at sa kabilang dulo naman ang magiging kuwarto para sa mga lalaki.

Kahit magkakaiba ang mga ugali ng siyam na kaibigan ni Kring-Kring, magalang pa rin ang mga ito sa matatanda lalo na sa mga magulang niya. Hindi man nagkakasundo ang mga ito sa ilang bagay, pagdating naman sa pagiging magalang, maaasahan silang lahat. Hindi nga lang halata sa mga ugali nila.

Ito na ba ang simula ng adventure ng siyam na magkakaibigan sa nayon nina Kring-Kring? Paano nila matutuklasan ang Isla Kawa at ano ang magiging papel ni Kring-Kring sa islang matagal na panahon nang kinalimutan ng kaniyang magulang?

●●●

AUTHOR'S NOTE:

The continuation of this novel can be read on Dreame. Please follow me, MeasMrNiceGuy and read my story there. Thank you!

-MeasMrNiceGuy

ISLA KAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon