Miracle's POV
Iniwan na namin si Trisha dun sa clinic, may nurse namang nakabantay sa kanya.
Pagkalabas ko ay agad akong huminto saka hinarap ang Hunter na'to. "Pwede ba kahit isang beses lang, maghiwalay tayo?"
"Huh? Bakit naging tayo ba?"
ˋ︿ˊ
Ginagago talaga ako ng lalakeng 'to. "Ang ibig kong sabihin, ano..argh..paano ba'to? Ganito nalang, dun ka dumaan tapos dito ako dadaan okay?"
"Bakit?"
"Ughh!" Sigaw ko sa inis saka napatapak ng malakas sa sahig. "Wala lang. Ah basta, lumayo ka sakin!"
"Bakit nga?" Ngumiti siya ng nakakaloko saka lumapit sakin kaya napaatras ako.
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa buhay mo!" Tinulak ko siya saka tumakbo palayo.
Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero bakit di ako komportable sa tuwing kasama ko siya? Napayukom ko ang isang kamay ko. Nasuntok ko pa nga siya kanina tapos..argh, ba't ganito?! Bullying yun! Siguro sa susunod try ko nang maging mabait sa kanya kasi wala naman atang mali sa mga kinikilos niya, mabait parin naman siya sakin. Pinanghihinalaan ko na kasi siya simula pa nung una e. Pero di ako papakasigurado. Wala akong pagkakatiwalaan. Kahit nino wala, bukod sa sarili ko.
*boogsh!*
Agad akong nahigit nung lalakeng nakabangga sakin nang muntik akong matumba.
"Sorry ayos ka lang ba?" Pag-ayos niya ng tayo.
"Oo--" Natigilan ako nang maalala kong siya yung lalakeng nakatama sakin ng bola. Si Hiro.
"Umm, ah..may dumi ba sa mukha ko?" Nag-aalalang tanong niya.
"Hindi mo ba ako naaalala?"
"H-ha?"
"Yung natamaan mo ng bola kanina sa classroom."
"Ah, sorry talaga dun ah. Akihiro nga pala. Mira, right?"
"Miracle nalang."
"Okay, nice name. Miracle."
Ngumiti ako, "Sa--
"Miracle? Ba't ayaw mo akong tawagin ka sa real name mo ha, Mira?" Napaiwas ako nang may narinig akong boses sa gilid ng tenga ko.
Nang lingunin ko ay si Hunter. "Diba sabi ko--
"End of conversation." Pagtaas niya ng kamay niya.
-_-!
Nilingon niya si Akihiro. "Bro, 'san ka galing?" Tanong nito sa kanya.
"Sa clinic. Hinatid namin si Trisha dun."
"Trisha? How's she?" Nabalot ang pag-aalala na may halong takot sa mukha niya.
"Maayos na naman. Ikaw, ba't nawala ka sa classroom? Saan ka nagtago?"
"Tss. I informed the school teachers pati na yung councilors at ang principal."
BINABASA MO ANG
Demon Resurrection
HorrorYears ago, 3 places were weirdly humored about deaths and terrors until it's whole lot was been abandoned and abolished and turned into a huge academy were section St. Augustine is popular. Is it were the demon's deadly come back occur? Would they b...