Chapter 4 - The Pierce

2 0 0
                                    

3rd Person's POV

"Pakilagay nalang ho diyan." Utos nung isang madre sa delivery boy na pasan ang isang gallon ng mantika.

Nilagay niya ito sa gilid ng hagdan, nasa gilid lang kasi ng hagdang 'to yung faculty niya.

Nagpadala siya nito kasi gagamitin nila 'to, para sa mga cookery students. Gagamitin nila bilang stock kung makulangan man sila ng mantika.

"Salamat." Kuha nung delivery boy sa bayad saka na ito bumaba.

Pero may isang estudyante ang nakatayo sa di kalayuan, nakatitig lamang siya sa gallon ng mantika at ilang segundo pa ay bigla itong nabutas at kumalat sa hagdan.

Napatingin siya kina Dwayne at Melanie sa 3rd floor na mukhang nag-aaway pa ata. Sinampal niya ang binata tsaka mga ilang minuto ay tumakbo ito pababa, at nang makarinig siya ng kalabog ay abot-langit ang pagngisi niya saka nagtago sa lugar na malabong may makakita sa kanya.


Melanie Velasco's POV (The 1st Victim)

"What is it to talk about babe?" Tanong ko kay Dwayne na kaklase ko lang din.

"Babe, when I tell you about this, please don't be angry of me.."

"What?!" Tinaasan ko siya ng kilay, kung ano man 'yang sa tingin niya ay magagalit ako, magagalit talaga ako.

Lumapit siya ng kaunti sakin saka hinawakan ang magkabilang braso ko.

"I think we should break-up."

"Ano?!" Tinulak ko siya sa inis. "Ilang days pa nga lang tayo, tapos makikipaghiwalay ka na agad? Niloloko mo ba ako ha?!" Tinulak-tulak ko pa siya niyan.

"I was in a relationship but I'm afraid to say this..g-ginawa lang kitang rebound..pero to tell you the truth I really loved you babe, maniwala ka!"

*slap!*

"How dare you make fun of me?! How dare you make fun of my feelings? Sa tingin mo ba di masakit?! Ha?" Nagsibagsakan na yung mga luha ko dahil sa bigat na nararamdaman ko.

"Please believe me.."

*slap!*

"Pagkatapos mo akong lokohin, sasabin mong pagkakatiwalaan pa kita? Ano bang ginawa ko sa'yo para lokohin mo ako ng ganito?! Di ka man lang naawa sa girlfriend mo..di ka man lang mas naawa sakin na nagmukhang tanga na yung boyfriend kong minahal ko...noon pa pala may iba. At ako, ginawa lang rebound, kabit, sabit, 3rd party--

"Melanie, hindi--

*slap!*

Naiyak ako ng todo saka pinagsasampal-sampal siya. Walangya siya. Akala ko pa naman magtatagal kami, e yun naman pala naging rebound niya lang ako.

Ang mas malala pa, siya yung una kong naging nobyo, pero niloko niya lang ako. Ang tanga ko pala! Pot@ngina nya!

"Hinding-hindi kita mapapatawad, tandaan mo 'yan." Sabi ko nang tumahan na ako. Pero umaagos parin ang mga peste kong luha at ni hindi ko kayang pigilan.

Tumakbo na ako papalayo sa kanya, narinig ko pa yung pagtawag niya nung pangalan ko pero di ko siya nilingon.

"Melanie!" Sigaw niyang muli, pero wala akong nagawa. Nilingon ko parin siya mula sa likod ko..

*gasp*

Nadulas ako mula sa hagdan at nang nasa may ere ako, nakita ko nalang na papunta ako sa isang matulis na bakal hanggang sa...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demon Resurrection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon