Pepper's Point Of View
" Focus pepper focus " sambit ko.
Hindi ko matapos yung ginagawa ko dahil sa kakaisip kay sir Clark.
Mahal ko yata siya paanong di ako maiinlove sa kanya eh ang gwapo niya kahit medyo bastos siya.
Tumingin ako sa relo ko it's been 10 am ngunit wala pa si sir clark nagaalala na ako sa kanya.
Nagtanong tanong ako sa mga ka opisina ko ngunit di pa daw nila ito nakikita kanina pang umaga.
Bumalik ako sa pagaayos ng mga files nang biglang tumunog yung phone ko kinuha ko ito at sinagot.
" Hello "
" P-pepper..... "
" Sir clark bakit ganyan yung boses mo parang may sakit ka ata? "
" P-pumunta ka sa condo ko asap "
" O-ok sir clark "Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko yung boses ni sir Clark.
Nagmadali akong nagayos ng mga gamit ko at lumabas sa opisina hindi ko na nagawang mag time out sa sobrang pagaalala ko kay sir Clark.
Sumakay na ako ng taxi.
" Manong Polariod Condo building po pakibilis emergency lang po "
" Ok miss "Mabilis naman kaming nakarating ng polaroid condo building dahil di gaanong traffic ngayon.
" M-manong bayad po "
" Salamat miss "Bumaba na ako ng sinakyan kong taxi at nagmadaling nagtungo sa unit ni sir clark.
Pagpasok ko sa loob nagkalat ang mga canned beer sa kusina.
Dumirecho ako ng kwarto ni sir clark naabutan ko siyang nanginginig.
" Clark..... "
" P-pepper nandito ka na pala "
" Anong nangyari? " tanong ko kay sir clark.
" Nilalamig ako " malungkot na sagot niya sa akin.Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang noo ang taas ng lagnat niya.
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng basin na may tubig tapos bumalik na ako sa kwarto ni Sir clark.
Pinunasan ko ng towel yung katawan niya para kahit papaano bumaba ang kanyang lagnat.
Iniabot ko sa kanya yung paracetamol at isang basong tubig.
" Inumin mo ng mabilis kang gumaling " utos ko sa kanya.
Kinuha niya yung paracetamol at ininom niya ito.
" Kumain ka na ba sir clark? "
" Hindi pa pepper "
" Ipagluluto kita ng pagkain diyan ka lang muna sa kwarto mo at magpahinga "
" O-ok "Nagtungo ako sa kusina niya at binuksan yung ref kaso walang laman kung di puro canned beer.
Binuksan ko yung cabinet walang laman kung di puro noodles.
Kinuha ko yung noodles af niluto ito.
Nang maluto na ang noodles ay nagbalik ako sa kwarto ni sir clark.
" Clark bangon na nagluto ako ng noodles kainin mo na bago pa ito lumamig "
" O-ok "Inilapag ko yung noodles sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama niya.
" A-ako na lang ang magsusubo sa iyo medyo naghihina ka "
Sinubuan ko siya ng noodles ngunit apat na subo pa lang ayaw na niya.
" Ayoko na busog na ako pepper "
" Kunti na lang ito ubusin mo na para lumakas ka "
" Ok fine! uubusin ko na yung noodles "
" Magpalit ka ng damit mo para di ka mainitan "
" Lumabas ka muna ng kwarto pepper magpapalit lang ako "
" Ok clark "Lumabas ako saglit ng kwarto.
Clark's Point Of View
Medyo bumaba na yung lagnat ko thanks to pepper dahil inalagaan niya ako kahit may trabaho siya ngayon.
" Pepper im done "
" Ok "Pumasok na si pepper sa kwarto ko.
" Yan medyo ok ka na "
" S-salamat pepper sa pagaalaga sa akin ngayon kahit marami kang ginagawa sa opisina "
" Wala yun Sir clark "
" I told you clark na lang itawag mo pag wala tayo sa opisina "
" O-ok clark "
" It's been 6pm di ka pa ba uuwi sa inyo? "
" Babantayan ko po kayo magdamag "
" Pepper medyo ok na ako kaya ko na ang sarili ko ngayon "
" B-but Clark "
" Sige na umuwi ka na gabi na baka mapahamak ka pa sa daan "
" O-ok clark basta inumin mo yung gamot every six hours at huwag kang magpapagutom "
" Ok nurse pepper "
" Bye po Clark see you sa opisina bukas "
" Paalam pepper sa opisina lang tayo magkita bukas i love you "
" Ano yun Clark? "
" Sabi ko ingat ka "
" Salamat sa paala clark "Umalis na si pepper sa condo unit ko at ako naman nagpahinga para lumakas at makapasok na sa opisina ang dami pa kasing gagawin atsaka baka bukas ko narin sabihin yung real feelings ko for pepper.