Jessa's POV
Naglalakad ako ngayon papasok ng school with matching pa kembot-kembot pa. Eh bakit ba? Maganda gising ko ngayon eh. Naka headset din ako at kumakanta habang naka smile :) Maganda talaga gising ko ngayon swear! Di ko alam kung bakit XD
*Boooogsh*
Ay tokwa! Bilang may bumangga sa kin at lumanding sa sahig yung mga books ko. OWMAYGAWD! My pretty books! T_____T Yumuko ako para pulutin yung mga libro ko. GRRRRR! Hindi man lang ako tinutulungan nung nakabunggo sakin. Nakatayo lang siya sa harap ko. ABA! gusto yata nitong masampolan ahh!
Matapos kung pulutin lahat ng libro ko, Tatayo na ko at handang handa ng sermonan yung walang manners na nakabangga sakin. Kahit pa principal yan sasampolan ko yan! HAHA.
"ABA WALA KANG MANNERS AHH. GUSTO MONG LUMIPAD SA-- sa Puso ko?" Shet! Si Hertz ba to? HALA si Hertz nga!! Yung crush ko. Dugdug Dugdug. Kinakabahan ako SHET! >___< Bahala siya susungitan ko siya!
"Ano?! Pinagsasabe mo dyan?" Sagot niya sakin. AY tanga! Naka headset din pala siya. buti nalang hindi niya narinig yung sinabi ko wooshoo. Hinila ko yung headset niya at tinapon kung saan. Hindi porket crush ko siya magiging mabait na ko sa kanya noh! HAHA.
"Hoy! Bakit mo ginawa yun?"
"Ehh gusto ko ehh. Magagawa mo?" Sabay belat sa kanya. ABA! Siya pa may ganang magalit ah!? Kotongan ko na ba? pero Ang gwapo niya sheeeez. *O*
"Pagbabayaran mo yun! Tara sumama ka sa kin!" Sabi niya sakin tapos hinila ako. Teka! San ako dadalin nito? Waaaah! Baka halayin ako neto tapos patayin tapos kunin yung mga lamang loob ko! O_____O GULP.
"Oy kuya. Bata pa ko" Kunwari di ko alam name niya. HELLOOO! Baka mamaya sabihin stalker ako noh. Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.
"HAHAHAHA! Sinong magkakainteres sayo? Saka maka Kuya ka ahh! Hertz po name ko"
DUGDUGDUGDUG. Ansabe ng puso ko? ang lakas ng tibok! Dinala niya ko sa rooftop ng school.
"Jessa, May sasabihin ako sayo" Seryosong sabi niya sa 'kin. Dugdug. Dugdug. Ang hot niya tokwaaaaa! ^____^ Wait. Pano niya nalaman name ko?
"A-ano yun?" Kinakabahan ako sa kanya.
"Ano.. Uhmmm.. Ang panget mo pala!" Ano daw? ABA! Ang kapal ng Fes nito ahhh!
"ANO?! EH ANO KUNG PANGET AKO? GWAPO KA BA HA? ANG SAMA MO! ANG PANGET NG UGALI MO!!" Grrrr. Naiiyak na ko. Ewan ko kung bakit. Naasar ba ko o nasasaktan.
Matagal ko ng crush si Hertz. Since Grade four palang kami. Never kaming naging mag classmates kaya walang chance na maging close ako sa kanya.
Ang sakit ng sinabi niya. Hindi ko alam na yung crush ko or should i say mahal ko na pala ay ginaganito lang ako.
"S-sorry. Joke lang naman yun" Sabi niya sa kin.
"Muka ba kong nag jo-joke? Ikaw kasi---" Naputol yung sinasabi ko kasi bigla niya kong niyakap. Tokwaaaa! Dugdug. Dugdug.
"Jessa makinig ka. Mahal kita dati pa. Ang lungkot ko nga kasi feeling ko kahit kailan hindi mo ko napansin. Pero okay lang kasi dati masaya na kong nakikita kita araw araw. Wala akong pakialam kung wala kang pagtingin sa kin. Basta malaman mo lang na mahal kita"
Natulala ako sa sinabi niya. Totoo ba yun? Yung mahal ko, Mahal din ako?
"H-ha? Sigurado ka? Walang joke?" Sabi ko. ABA! Mahirap na. Baka nag jo-joke na naman to.
"Syempre! Mahal kita walang joke" Dugdug. Dugdug.
"Oo nga pala. Plinano ko yung kanina. Sinadya ko talagang bungguin ka. At success! Nakaamin din ako sayo sa wakas!" Dagdag niya pa.
"Ahhh" Speechless ako. Nakayakap pa rin siya sa kin.
"Okay lang kung hindi mo ko gusto. Promise ko sayo matapos lang tong araw na to mag mo-move on na ko sa yo. Gusto ko lang ipagtapat sa yo yung nararamdaman ko"
Bigla namang naging malungkot yung boses niya. Awww.
"Wag Hertz. Wag kang mag mo-move on sa kin" Sabi ko sa kanya at humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Pagtatakang tanong niya.
"Uhmmm Mahal din kita. HEHE"
"TALAGA?!"
"Ayaw mo sige iba nalang"
"Yesssss! So can i court you na?"
"HAHAHA. Wag na. Sawa na kong maghintay"
"H-ha? Anong sawa ka ng maghintay?"
"Ayokong manligaw ka!"
"Pero kala ko ba mahal mo din ako?"
"Oo nga! Gusto ko tayo na agad wala ng ligaw ligaw! Kilala na kita at alam ko na lahat ng bagay tungkol sayo no hehe!"
"Hala? Stalker pala kita?"
"HAHA. Medyo. Ikaw din eh! Alam mo nga name ko ehh!"
"HIHIHI. Syempre mahal kita ehh!"
"Ikaw talaga, Mas mahal po kaya kita!"
We both laugh. Haaaay. Ang sarap ng feeling na mahal ka din ng mahal mo. Sana lahat ng story ganito din. Pero kahit gaano pa kasaya ang simula ng story namin alam kong maraming problema pa ang dadating sa 'min. At alam kong malalagpasan namin yun lahat basta kami ang magkasama. <3
THE END ~
(A/N: Thanks for reading! :)) Dedicated po pala ang story na ito sa aking dearest friend na si Jessa Calim at sa kanyang crush na si Hertz Tiu ^____^v)
BINABASA MO ANG
Mahal ko si Kuyang Walang Manners.
TeenfikceKilala mo ba si Kuyang walang manners? Mahal ko yun eh!! Paano nangyari? Basahin mo to! :D