Aswang

8.3K 150 41
                                    


Nangyari to nung ako'y 11 years old plang..

Tita ko nakapag aswa ng taga probinsya. Umuwi sila dito sa cavite para dito muna manirahan sa lugar namin.
Bale ung lugar namin isang compund lang yun tapos nakatira malapit sa tubig.

Mga ilang buwan lang naman masaya pa tita ko non lalo na napag alaman nyang bumtus sya.

Lumupas ang ilang buwan, mga 5months n syang buntis. Bale asawa nya nagwowork non sa paktory.

Pang gabi asawa ng tita ko. Bale nung una wala syang kasama sa bahay. Naalala ko nag kkwento tita ko sa mama ko nung gabi daw na nag iisa sya ng bahay nakakarinug sya ng ingay mula sa ilalim ng bahay nila.. Dahil nga malapit sa tubigan mga bahay naririnig daw ng tita ko parang may pumapalo daw sa tubig na maririnig nya. Kung pakikinggan daw maigi parang may hawak na kahoy.

Simula non nagpapasama na tita ko sa pinsan ko. Dahil nga duwag ako di nla ako mapapayag na mapatulog sa bahay ng tita ko lalo pa't nasa dulo sila.

Mga ilang linggo dn mukang naduduwag nadin pinsan ko kasi naririnig nya rin daw ung ingay sa ilalim ng bahay ng tita ko.
Kung minsan daw maririnig nila may napalo sa sahig ng bahay galing sa ilalim.

Simula non takot na pinsan ko ayaw ng matulog dun. Dahil pang gabi padin tito namin

No choice pinsan ko, pero papayag lang daw sya kung kasama ako.

Nung una ayaw ko talaga pero napapayag nadin ako.

Dumating ang gabi kinakabahan ako...

Pumunta na kami sa bahay ng tita ko 7pm non.
Maya mya sabi ng pinsan ko uuwi daw muna sya may kukunin n lang daw sya. Ayaw ko pumayag sabi ko sasamahan ko sya..

Sabi nya wag na daw samahan ko daw tita namin.

Sabi ko "sige saglit kalang ha"!

Dumating ang 9pm wala padin pinsan ko kaya naisip ko sunduin na. Nagpaalam ako sa tita ko na susunduin ko pinsan ko.
Una ayaw nyang pumayag pero bandang huli napapayag ko din.

Paguwi ko ng bahay nakita ko pinsan ko natutulog na pala ana loko!! Dahil takot na kong bumalik nakihiga nadin ako.

1am nkakarinig ako ng ingay.. Papa ko nagmamadaling lumabas.

Napatayo ako nagtanong ako sa mama ko bakit aalis si papa.
Sabi nya pupuntahan nya raw tita ko may nangyari daw.

Nag antay kmi ng paumaga.. Hinihintay namin papa ko para makibalita.

Dumating si papa..
Naikwento nya naisigod si tita sa hospital kasi natagpuan dinudugo tapos wala ng malay. Narinig daw kasi ng kapit bahay sumisigaw.

Isang lingo bago namin nkausap si tita.
Umiiyak sya. Naguguilty ako! Sana d nalang ako umuwi. Pero takot naman ako. Duwag talaga sa mga kababalaghan oh multo.

Naikwento nya mga 11pm dahil nag hahantay sya samin naghugas muna sya pinggan. Naririnig na naman daw nya ung ingay sa ilalim ng silong. Pinabayaan nlang daw nya. Tapus naririnig nya may nagiingay sa CR kya gnawa nya tinakpan nya ng timba ung butas kung san pwdeng magbawas ang tao pag tinatawag ng kalikasan.

Mga 12:20 naririnig nya raw my kumakaluskos sa CR kya sinilip nya. Nakikita nya ung timba nagalaw..

Mayamaya dw umuusog! Tapus my nkita daw sa prang matabang lahoy na biglang umangat sa butas tapos

Mayamya nakikita nya my kamay ng lumalabas tapus unti unting lumalabas ung ulo!!

Nkikita nya matandang lalaki hanggang sa makapasok katawan dun daw sya npasigaw tapus hinimatay......

Yun.. Dahil sa nangyari nawala si baby nya. Tapus balita sabi ng mga kapit bahay aswang daw un!

D2 na po nag tatapus kwento ko salamat ng marami. .

Dami pa ko sana ikikwento try ko lang namang magsulat at maikwento ito...
Salamat..

KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon