Kapit bahay

2.4K 59 4
                                    

Ako si Arlene 33 anyos,my dalawang anak at syempre my masipag at mapag mahal na asawa.
Nakatira kami d2 sa batangas. Kakalipat lang namin mag anak dito sa lugar ng asawa ko. Nadistino kasi ang asawa ko isa dito sa malaking pabrika sa batangas.

Masaya naman kami dito may mga bagong kaibigan at syempre ang mga anak ko masaya narin sa mga bago nilang kaklase.

Pero meron akong napansin isa sa kapitbahay ko yung matandang masukit. Bale yung pader nila at pader namin ay iisa kunbaga isa lng naghahati sa aming mga bakuran. Medyo mababa lang sya kaya kita ko sya kpag nag wawalis ng bakuran nila.

Minsan kapag magwawalis na ako  ng bakuran namin naaabutan ko sya na nag wawalis din.

Kapag binabati ko sa ng magandang umaga,titignan nya lng ako at sabay ipag papatuloy ang pag wawalis nya.

Laging ganun ang nangyayari kada umaga sa pagwawalis ko binabati ko sya pero di nya ko pinapansin kahit na,gusto ko sanang makipag kwentuhan sa kanya..naaalala ko lola ko sa kanya.

Biyernes ng umaga nag luluto ako ng almusal para sa mag ama ko. Nagulat ako may tumatawag sakin sa kabilang bakod.

Pagbukas ko ng pinto,bale my screen syang pinto kaya kita ko na agad kung sino natawag sakin.

Nagtataka ako,napaisip na himala ano kaya nakain ng matandang to at naisipan akong tawagin.

Nilabas ko yung matanda, kahit nagtataka dali dali akong lumabas. Pagkakataon narin to kasi makakausap ko nadin sya.

Paglapit ko, nagtanong agad sya

"Ano ba yang niluluto mo ineng?

Adobo po inang pambaon ng mag ama ko na papasok. Bakit ho?

"Nako bat ganun ang baho naman!!

Ha?? Eh wala naman ho akong naamoy tsaka ho yung manok bago naman ho.

"Ahh basta ang baho baho! Pwde bang isara mo yang pinto nyo ng di ko maamoy!! Dali pakibilisan!

Nagtataka man sumunod nalang ako. Napakasungit talaga ng matandang yun.

Pagpasok ko at nang maisara ko ang pinto n my screen nagulat ako ang bilis namang nawala ng matanda eh mdyo malayo ang pinto ng kusina nila pra makapasok agad sya. Nung ilolock ko na ang pinto,

Nagulat ako may tumatakbong lalaki na papalapit sa akin..may dalang bag at sa kabilang kamay merong kutsilyo.

Nanlaki ang mata ko nung tinalon nya yung bakod papunta sakin. Natanta ako kasi nagsisigaw sya n buksan ko raw ang pinto.

nagsisigaw na ko ,dali daling lumapit ang asawa ko. Nagulat din sya. Habang akoy nagsisigaw my kasunod na mga pulis na papatakbo sa bakod namin

Di ko na namalayan ang lahat sa sobrang taranta ko at kakasigaw ko lumapit ang asawa ko at niyakap ako,sabi nya ok na raw ang lahat nahuli na ang mag nanakaw.

Dali dali akong lumapit sa police tinanong ko kung ano ba talaga nangyari,naisip ko din yung matandang kausap ko lang kanina baka napahamak nung pumasok sya ng bahay nila.

Ayon sa mga police, may nakawan daw na nangyari 2oras na ang nakakalipas. Dahil daw dalawa lang sila sa bahay madaling nakapag nakaw yung lalaki,nasaksak yung apo sa tagiliran pero nakatakbo sa kwarto ng lola nya kya nkatawag pa sa police. Yung matandang babae nakita nya duguan narin halos maraming saksak.

Ayon din sa mga police isang oras mahigit ng patay ang matanda.

Sa mga nanirig ko sa police di ako makapaniwala,halos kakausap ko palang sa matanda.
Umiyak ako ng umiyak.
Nagpapasalamat ako kasi kahit ganun, napakabait ng matandang yun iniligtas nya kami sa kapahamakan.

Salamat sa matandang babaeng laging masungit sa umaga.







Thanks guyz..nkapag UD dn ako sa tagal na panahon.
Salamat kc nakita ko dami naring nag read ng story ko kahit na 1st time ko sa ganito.

Pasensya na kc nagkaproblem ung account q kya now q lng naopen ulit.

Sa ngaun mga story mga kathang isip nalang..ung mga nauna true story un.

Salamat ulit..sa susunod na UD ulit..mwuahh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon