Chapter 9

2.9K 101 14
                                    

WAY TOO COMPLICATED IS MY BRAND NEW STORY, check it on my works sana magustuhan niyo may chapter 1 na rin siya and i think dun ako magfofocus ng update sorry po!!! LALO NA SA MATAGAL KONG PAGKAWALA PATAWAD PATAWAD 😭 sana eto na nga talaga yun, Yung palagi na akong maguud 😍 love you all guys sana magustuhan niyo po itong chapter na ito 💕
___

Third Person's POV

"Seb?" Tawag ng dalaga kay Seb na nakatulala lamang sa sofa

"A-Ayos ka lang ba?" Nahihiya niyang tanong dito dahil di niya alam kung paano ito kakausapin dahil sa nangyari kanina

Malalim ang naging sukling titig sa kanya ng binata at bigla din naman nitong iniwas ang tingin saka tumayo ito at nilagpasan siya.

"S-Seb--" Pigil niya sana sa binatang balak umakyat na sa silid nito

"Not now Ingrid, I know that you are still thinking of leaving and I'm so tired on making you stay." Mabilis itong umakyat ng hagdan ng hindi man lang siya nililingon

Biglang napahawak ang dalaga sa kanyang dibdib dahil sa sakit na dulot ng pagiwas sa kanya ni Seb.

Nanghihinang napaupo na lamang ang dalaga at napayuko

"Hi" Nakaagaw ng atensyon ang binatang nasa harapan niya ngayon

Malungkot itong nakangiti sa kanya

"Tanda mo pako?" Ngumiti ito sa kanya

"Ah oo, Tristan diba?" Pilit niyang ngiti rito

Tumango ito at umupo sa harap niya

"Alam mo ba, Si Seb? G*go yan"

"Akala ko pa naman seryoso yung sasabihin mo!" Napatawang wika ng dalaga

"Bakit, gusto mo ba yung seryoso? Okay... Si Seb--"

"Sobrang magmahal?" Duktong niya sa binata halata sa gwapong mukha nito ang gulat

"Oo. Hindi man niya napapakita sa pamilya niya pero sayo oo, sobra sobra pa. Alam mo bang ayaw niya dito sa Canada?" Nakangiseng tumayo ito at naglakad lakad sa harap niya saka tumigil sa harap niya

"Dahil sa isip niya kapag nandito siya, Mahina siya. Ayaw niyang isipin ng iba na mahina siya, kaya sila umalis ng Canada para mapamuan niya ang pack niya. Para mapatunayan niya kay Tito na malakas siya na hindi niya kailangan ng iba para protektahan ang iba, ang mga mahal niya, at ang mga pack niya"

Umupo muli ang binata at tumingin sa silid ng binata sa itaas at saka muling tumingin sa kanya

"Pero nasaan siya ngayon? Nandito sa Canada, Para sayo, dahil mahal ka niya, Ayos lang sabihin ng iba na wala mahina na yan naghahanap ng kakampi o kaya wala duwag na yan, wala na siyang pakialam dahil ginagawa niya ito para protektahan ka at para makasama ka"

Unti unting naramdaman ng dalaga ang mabilis na tibok ng puso niya

"Sorry" Naputol ang mga iniisip ng dalaga ng biglang nanghingi ng patawad si Tristan

"Bakit ka nagsosorry?"

"Kung nagalit man si Seb sayo kanina, kahit hindi mo sabihin alam kong nasaktan ka, Pero may problema kasi, Maraming sugatan ang natagpuan sa maliit na park malapit dito, Ayon sa mga source namin eh galing yun sa pack ng papa mo hindi alam ni Seb ang gagawin kasi nakalapit na sila sa amin tapos gusto mo pang umalis pakiramdam niya pinaglalaban niya ang hangin, sorry ha? Hindi ko na kasi kayang makita siyang umiyak ulit, Dahil hindi ka niya mapapayag na makasama siya."

Napayuko ang dalaga at mahigpit na kinuyom ang palad

"Mahal mo ba siya?" Tanong ni Tristan

"O-Oo" pagsagot ng dalaga, ano pa nga bang saysay ng pagtatago? dapat naman talagang aminin niya na ang totoo para matanggap na din niya ang katotohanan sa sarili niya.

"Kung mahal mo siya ipaglaban mo din siya sa papa mo. Alam mo kasi, Si Seb mahal na mahal ka niya, Wala namang mali sa pagsasama niyo kaya lang hindi nga sangayon ang magulang mo kaya hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang saktan ang papa mo sa totoo lang pero ayaw ka din naman niyang mawala."

"Tulungan mo siya kung mahal mo siya, wag mo namang hayaan na siya lang ang lumalaban. Gusto mo din naman siyang makasama diba? Para lang magawa mo yun ay kailangan mong kalabanin ang ama mo, Wag mo na siya pahirapan kung ayaw mo at kung gusto mo na talagang bumalik sa inyo, i can bring you home now, ako ng bahala kay Seb kahit patayin niya pa ako. Pero alam ko na mahal mo siya kaya mananatili ka naman diba?" Ngumiti ito sa kanya kaya napangiti na rin siya

"Oo kaya wag ka na magalala" Napahawak ang dalaga sa puso niya

Puno ng kaba sa ama niya pero puno din ng kasiguraduhan

"Dito ka magiging masaya kaya ipaglaban mo ito." wika sa isip ng dalaga

Alpha Mate (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon