Chapter 13

982 27 1
                                    

Minadali muli, walang edit edit, sorry sa wrong grammar and spellings. Kung may nagbabasa pa, maraming salamat Loves! See you sa next update ❤️

--

Ingrid's POV

Matapos kong basahin ang sulat ng aking ina ay tiniklop ko ito at itinabi sa cabinet malapit sa kama

Agad na akong bumaba gaya ng sabi ni Seb

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Masaya ako kasi nagawang makapag-isip isip ni Mom. Nagawa niyang makahinga kahit saglit. Masaya ako kasi maayos siya. At masaya ako kasi alam kong magiging masaya siya kapag masaya ako. Pero mas hihigit pa sana to kung kasama ko siya, yung katabi ko siya saka mayayakap

Ewan koba, kahinaan ko yata talaga si Mom... Mahal na mahal ko siya, higit sa buhay ko.

Agad akong bumaba ng hagdan at natagpuan si Seb na nagaabang lang sa dulo ng hagdan

"Let's eat?" Tipid itong ngumite saka ako inalalayang bumaba ng hagdan

"I have another surprise for you" Nanlaki ang mata ko

"Sobra sobra naman yata Seb? Ano naman yan?" Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko

"Here, Give it to her now." Malalim na pagutos nito

Pumasok ang tatlong miyembro ng pack ni Seb sa Dining area at isa isa nila akong binigyan ng sunflower.

"Wow ang gaganda naman nito Seb!" Ngumiti ito ng matamis sakin

"I'm happy that you like it" Umiling ako dito kaya mababakas ang sobrang pagtataka sa mga mata niya

"I freaking love it! Ang gaganda Seb! Nakakaganda ng umaga ang mga kulay nila" Ngumiti ako rito saka hinigpitan ang hawak sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko mula pa kanina.

Dahilan para mamula ang mga pisnge niya saka lumingon siya sa kanan niya. Akala naman niya matatago niya sakin yung pulang pulang mga pisnge niya

"I gave you sunflowers because it represents the sun or the sunshine. Do you remember the song You are my sunshine Ingrid? Well honebaby, you really are my sunshine, please don't leave me, i don't want my skies to be grey and dull."

Kinurot ko ito sa tagiliran kaya napahalakhak ito saka nito hinalikan ang likod ng palad ko.

"Ang corny mo!" Pangiinis ko dito saka siya hinalikan sa pisnge

At ngayon at nagkatitigan kami

Hindi nita na maitatago sakin ngayon ang pulang pulang pisnge niya kasi magkaharap na kami at titig na titig sa isa't isa

"Namumula ka?" Pangiinis ko dito

Sumimangot ito, at saka muling hinalikan ang likod ng palad ko

"My sunshine, stop teasing me! Ikaw din" Ngumise pa ito

"Napakadami mo namang tawag sakin"

"Atleast madami lang tawag, hindi madaming babae" Matigas na tagalog nito saka ako sinubuan ng pagkain

"Hoy nambibigla ka naman!" Tumawa ito at kinurot ako sa pisnge saka hinalakan ang labi kong nakanguso dahil sa pagkurot niya.

"Stop being cute my sunshine, minamahal kita lalo" Kumindat pa ito saka uminom ng tubig at muling hinawakan ang palad ko

"Baliw!" Wala na akong masabi, pero hindi ako kinikilig ha! Hindi ah. Hindi yata? Basta masaya ako sa piling ng mahal ko, alam niyo na yon.

-

Kasalukuyan kong nilalagay ang bulaklak mula kay Seb sa paso na nakita ko dito sa kwarto

"Wow, it looks more beautiful now" Nakalagay na ito sa puting mataas na vase sa tabi bg bukas na bintana ng kwarto namin

"But you are way more beautiful than the sunflowers my sunshine!" Kindat nito sabay pasok sa kwarto

Habang unti unting lumalapit sakin at niyakap ako mula sa likod habang patuloy naming pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"Ang mga lalaki talaga magaling sa pambobola"

"Who?! Sinong mga lalaki yun?!" Gold ang mga mata nito senyales na si Greg na ang kausap ko

"Magpaliwanag ka nga ng maayos Ingrid! Kung ano ano kasing sinasabi mo hindi ka nag-iisip. Kahit mababaw lang napapalaki mo nalang lagi." Gigil na bigkas at pagkainis ni Aphril sakin.

"Wala yun lahat Seb, Greg! Ano ba kayo! Walang ibang lalaki sa buhay ko. Ang ibig ko lang sabihin karamihan sa lalaki ganon, pero hindi lahat ha, hindi ko naman kilala lahat, saka hindi ga pwedeng mula lang din yun sa internet? sa social media, at karamihan ng babae yun ang mga line, joke na ng lahat yun, kaya nakasanayan ko na din na isipin na ganon. Pero wala namang personal na batayan yon no!"

Napahilot ito sa noo

"Dapat lang Ingrid" Matigas na bigkas nito

"My sunshine, you should know this, mula noon pa nga dapat. I'm possessive, alright? You are just mine, no touch, no laughing or smiling, and no hanging around with someone i don't allow you to hangout with, or talk to and whatsoever,"

Lumipit isa sakin at kinagat ang tenga ko saka bumulong

"Akin ka lang"

Sa tatlong salita na yon, ay nangilabot ang buong katawan ko, naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa buong sistema ko

At gusto ko yun...

gustong gusto

---

Corny yung chap sorry! sana nagustuhan niyo parin ❤️

Alpha Mate (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon