Napatakip ako ng tainga nang marinig ang malakas na kulog. Kasunod nito ay ang pagguhit ng matatalim na mga kidlat sa langit. Napapikit ako. Naramdaman kong inakbayan ako ng katabi ko kaya kahit papaano ay kumalma ako.
Ilang metro ang layo mula sa pwesto namin, natanaw namin ang isang malaki ngunit may kalumaang bahay. Ito na siguro ang sinasabing lodging house ng campsite. Tumakbo kaming lahat papunta dito dahil nagsisimula ng umambon.
Welcome to Hellstone Campsite, basa ko sa karatulang nasa daan. Bigla akong kinilabutan. Siguro dahil sa pinagsamang lamig dahil sa malakas na ihip ng hangin at sa kaba na unti-unting namumuo sa dibdib ko. Nakarating na nga kami.
Pero, ano kayang mangyayari sa'min dito?
Pagkaakyat sa may hagdan papuntang main entrance ng lodging house, agad na ibinaba nila Keiichi ang mga katawan ng mga namatay naming kasamahan. Si Keiichi at Cyril ang nagtulong sa pagbubuhat sa may kalakihang katawan ni sir Marlo habang si Aaron at Edison naman sa katawan ni Wayne. Si Phi at si ma'am Jyn naman ang nagtulong sa pagbuhat sa katawan ni Steffi. Agad na pumunta sa pintuan si ma'am Jyn at kumatok. Napahalukipkip ako nang umihip ang malakas na hangin. Bigla ko tuloy naalala yung pagpunta namin sa Camp Chiatri.
"Mukhang walang tao ah?" nakapameywang na sabi ni Cyril.
"Pwersahin na natin! Ang ginaw na dito! Humahapyas pa yung ulan!" suhestiyon ni Edison na medyo nababasa na ng ulan.
"Eh hindi naman pala nakalock!" sabi ni Aaron nang subukan nitong pihitin ang door knob. Nagtataka man, pumasok na lang kami sa loob. Tahimik. Mukhang walang katau-tao dito.
"Nakakapagtaka naman, tinawagan namin kagabi yung caretaker dito at ang sabi'y nandito na daw sila mula pa kahapon ng umaga," sabi ni ma'am Jyn.
Nakakapagtaka nga.
Teka... hindi kaya...
"Ma'am Jyn, ano pong gagawin natin sa katawan nila sir?" tanong ni Keiichi dito.
"Magoccupy na lang siguro kayo ng isang room na paglalagyan natin sa kanila para hindi kumalat yung amoy sa buong bahay," sagot ni ma'am Jyn. Sa tingin ko, hindi magandang ideya yun.
"Hindi pwede sa loob ng bahay ang mga bangkay nila ma'am," seryosong sabi dito ni Phi.
"May isasuggest ka ba?" tanong ni Edison.
"Ilibing natin," gulat kaming napatingin kay Noemi na seryosong nakatingin sa katawan ng mga namatay naming kasamahan. Binalutan namin ang mga ito kanina ng mga kumot na dala namin.
"Tama siya. Mas makakabuti kung pansamantala muna natin silang ililibing," sang-ayon ni Phi dito. Tiningnan ko maigi si Noemi at ang kaliwang braso nito. Gusto kong balikan sa isip kung paano ito posibleng nalagyan ng dugo na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin nito napapansin.
Siya kaya ang may gawa ng mga pagpatay?
Tiningnan ko ang mga bagaheng dala nito. Tulad ko, backpack lang din ang dala nito at isang maliit na hand bag. Kung iisipin ko ang mga gamit na kinailangan ng killer kanina... oo, tama. Sapat na nga ang isang backpack para paglagyan ng baril, kutsilyo, lubid at isang container for sleeping gas.
Hindi. Mukhang imposible pala! Ang alam ko, nagbabasa siya kanina ng libro... kung ang laman ng bags na dala niya ay ang mga gamit na ginamit kanina sa mga krimen, saan niya ilalagay yung mga damit na pamalit niya? At isa pa, posibleng iinspect ang mga bagahe once may mag-initiate para makagather ng clues kaya wala ng lusot kung sakaling doon lang sa bag niya nilalagay ang lahat ng related as murder weapons.
Argh! Sumasakit ang ulo ko!
Bumalik ako sa realidad nang makitang papunta na sa may back door yung limang lalaki kasama si ma'am Jyn.
BINABASA MO ANG
Hour of Death
Mystery / ThrillerWhen Percy received a call informing that her brother went missing after participating in a camp, she told herself that she'll do everything to find him. Once she arrived at Elite's Academy, she was surprised to know that everyone in the camp was fo...