22nd HOUR: Deductions

2K 90 7
                                    

PHILLIPSE’S POV

“Walang D.I.D si Percy, baka nagkakamali ka lang?” nakakunot ang noong sabi ko sa kanya. “All these times, I’ve been looking after her kaya kung may kakaiba man sa kanya, ako dapat ang unang makakapansin!”

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nagpunta ito sa may pintuan at saka idinikit ang tainga dito. Maya-maya pa, humarap na ulit ito sa’kin.

“Tama ka. Hindi si Percy ang may D.I.D.”

“What? Teka, don’t tell me…”

“Sinadya kong iparinig kay Percy yung sinabi ko kanina para magsimula na siyang magduda,” mahina nitong sabi habang nakapamulsang lumapit sa’kin.

“Anong ibig mong sabihin?”

Nephilim. It was written in the manifesto right? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng killer sa paggamit niya ng salitang yun?” may paghahamon niyang tanong.

“Nephilim is a word that used to describe a creature na bunga ng isang angel at isang tao. Since ginamit siya ng killer na pangdescribe sa sarili niya, I assume na tungkol yun sa parents niya. Posibleng bunga siya ng isang saint-like human at isang criminal,” sagot ko.

“Bravo! Hindi nga nagkamali si Euclid sa pagkuha niya sa’yo as apprentice!” nakangiting sabi nito sabay palakpak. “Pero may isa pang dahilan kung bakit niya ginamit ang salitang yun at yun ay dahil sa pagkatao niya.”

“So our killer here has the dual personality disorder?”

“Oo may tendency siyang maging kapareho ng mom niyang parang saint at ng biological father niyang isang psychopathic murderer.”

“At paano mo naman nalaman ang mga bagay na iyan?” may pagdududa ko siyang tiningnan.

“The black book,” sagot niya. “Nang araw na pumunta kayo sa Camp Chiatri, nandoon din ako’t nag-iimbestiga. Yun nga lang, naunahan niyo ako sa black book kaya kinailangan ko pa tuloy pumasok mismo sa room niyo at tingnan ang notebook!”

“Pumasok ka sa room namin?” gulat kong tanong sa kanya.

Kaya pala nasa ibabaw lang ng table yung book nang makita ko, hindi niya siguro naalalang ibalik sa pinagkuhanan niya, tsk!

“Yeah. Don’t underestimate FBI’s skill bro! Nangalap muna ako ng information about the pictures and I’ve got some interesting facts!”

“Like what?”

Kinuha muna nito yung black book sa mesa at saka binuklat ang first page.

“Alam mo na ibig sabihin ng cover page di ba? Matsugo(末期), pinagsamang matsu (末) na ang ibig sabihin ay end at go or ki (期) na ang ibig sabihin ay period or time. Same meaning siya ng shi no jikan(死の時間)—“

“Na kapag tinranslate sa English ay ‘Hour of Death’!” pagtatapos ko sa gusto niyang sabihin. Napasimangot ito.

“Ano ba yan! Nageexplain pa ko oh!” parang batang reaksyon nito.

“Explain mo na kasi yung mga nakalap mo sa first 5 pictures!” inis kong sabi sa kanya. Bigla itong tumahimik at saka nakiramdam. Napakunot naman ang noo ko. Nasagot ang tanong sa isip ko nang may maramdamang mahinang mga yabag. Sinenyasan ko si Nicolai na magtago muna. Gumawi ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si Yvonne na papunta sa direksyon ko.

“Mabuti naman at hindi ko na kailangang kumatok. Bumaba ka muna at may pag-uusapan daw tayo!” sabi nito sabay lampas sa’kin. Dumiretso ito sa kabilang kwarto ilang metro ang layo mula sa kwarto namin. Siniguro ko munang nakalock ang room namin bago ako lumabas at dumiretso pababa ng hagdan. Naabutan ko sa living room ang lahat na seryosong naghihintay. Tiningnan ko si Percy na nakaupo katabi ni Elize habang tahimik na umiinom ng gatas. Lumapit ako sa pwesto nila at tumayo sa likod niya. Pasimple niya naman akong nilingon.

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon