LAMPOREBER's Day
February 14, Oo Valentine's Day ngayon at dahil sa wala kaming pasok heto ako ngayon mag-isa dito sa mall. At dahil sa bitter ako nagsuot ako ng kulay itim na t-shirt na may print na LAMPOREBER sa unahan. Nagsuot din ako ng black ripped jeans at black na high cut. Nagdala rin ako ng mga kandila at lighter na nasa loob naman ng black ko ding string bag na may print din na LAMPOREBER. Hindi naman ako masyadong bitter ano?
Oh well, uumpisahan ko na ang kalokohan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nagsimulang maghanap ng couples. Agad namang nagkislapan ang aking mga mata ng makatagpo ako ng couple na nakaupo sa isang bench at naglalandian.
Linapitan ko sila at agad na sinimulan ang kalokohan "Magandang araw po sa inyo. Nawa'y pahintulutan niyo akong basbasan ang inyong pag-iibigan ng sa gayo'y magtagal kayo hanggang sa katapusan" nakangiting saad ko sa mag-jowa. Nagtinginan pa sila bago ngumiti ng kaunti sa akin "Ah sige"
Sinindihan ko na ang aking kandila at inumpisahan ang ritual keme. "Mula sa kapangyarihan ni puribir nawa'y hindi kayo maghiwalay sa araw na ito bagkus ay sa 23 na lamang" nakangising saad ko. Agad namang napakunot-noo ang babae. At nang akma na siyang tatayo ay agad akong tumakbo palayo.
"Shet Astraea napakaangas mo talaga" saad ko sa aking sarili at ng paghakbang ko sa likod ay bigla akong may nakabangga.
"Naku! Sorry po kuya! Bitter lang ako pero hindi ko talaga sinasadyang makabanggaan ka. Sorry po" pagpapaumanhin ko.
Agad akong napatigil ng mapagtanto kung gaano kaganda ang nilalang na nasa harap ko. My goodness! He is the real definition of perfection. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya and WHAT!? naka all-black din siya kagaya ko. At hindi ko maintintindihan kung bakit siya napangiti. Oo na kuyang pogi mukha na akong black lady, Tsk.
"Are you Astraea Achelois?" literal na nanlaki at napanganga ako dahil sa sinabi niya. Bakit niya ako kilala?
YOU ARE READING
Lovestory Ng Bitter
Teen FictionKaya siguro ang bitter ng Ampalaya kasi nagPALAYA siya.