Jeffrey Woods

18 2 2
                                    

Nakatingin si Jeffrey Woods sa bago nilang nilipatan na bahay, maganda, malaki. Ayan ang nasa isip nya. Mukang magiging masaya sila ng kapatid nyang si Liu. Unang araw palang nila sa nilipatang bahay at may nag anyaya agad sa kanila na makicelebrate ng party.

Agad iyon sinangayunan ng mga magulang nya pero ayaw nya dahil hindi naman sya palakaibigan. Si Liu na mas matanda sa kanya ng isang taon ay ang syang pinaka close nya.

Sa birthday party na napuntahan nila nakilala ni Jeff sina Bryan, Troy at Keith. Si Bryan ang may birthday at sobrang angas nya.

Nakipagkaibigan si Liu sa tatlo pero binully lang sya kaya naman.. nagalit si Jeff at sinugod ang tatlo. Hinihinto ni Liu ang away nila pero hindi nagpapatalo si Jeff hanggang sa puntong mabugbog nya ang birthday celebrant.

Agad nasumbong ang kaawa awang si Jeffrey Woods.. pero si Liu ang nagpadakip dahil sa awa sa kapatid. Nag request naman ang mga magulang ni Jeff na magsorry sya kay Bryan sa pananakit nito.

Nang makapunta sa bahay nina Bryan ay di alam ni Jeff ang panganib na kakahantungan nya. Pinagtulungan syang muli nina Troy, Bryan at Keith. Sipa, bugbog, suntok ang inabot nya.

"Jeff napakaweak mo!"
"Pano mo ipagtatanggol si Liu? Napaka weak mo!!"

Agad nag-init ang ulo ni Jeff. Ayaw na ayaw nyang pati si Liu ay awayin ng mga ito. Hindi na sya nagpatalo at agad bumangon.

Nakadampot sya ng isang matalim na kutsilyo at pinagsasaksak si Keith, Nagtakbuhan sina troy at bryan pero agad nahuli ni Jeff si Troy at inundayan ng saksak hanggang sa bawian ng hininga. Hinanap nya si Bryan..

Napadpad sya sa cr ng bahay at nakita si Bryan na nagtatago. Sasaksakin nya sana ito pero nadulas sya at tumapon sa kanya ang bleach sa may lababo. Nasaksak nya si Bryan, pero kapalit nun ay nasunog sya dahil bigla syang nagliyab.

Nacomatose si Jeffrey woods at matapos ang ilang buwan sa ospital ay nagising sya..

tinanggal ang benda nya sa mukha at nakita nila ang pinakabagong itsura ni Jeffrey woods. Ang dating brown na buhok ay naging itim at ang kanyang kulay ay naging puti na parang papel.

Pinakita ito ng kanyang magulang kahit ang inaasahan nila ay magagalit si Jeff pero hindi. Natuwa pa nga sya dahil sa bago nyang itsura. Mukha daw syang perfect. Mukha daw syang maganda.

Ilang araw pa at pinayagan ng umuwi si Jeffrey sa bahay nila. Kinagabihan narinig nalang ng mama nya ang ilang iyak na nanggagaling sa may cr.

"Nak bakit ka umiiyak?" Napakunot sya ng nuo ng makita ang bakas ng dugo sa may cr.

Humarap si Jeffrey na may nakakatakot na ngiti sa mukha. Ang mga talukap sa mata nya ay nawala at ang kanyang pisngi ay hiniwa.

"Ma, sinunog ko yung talukap ko.. para makita ko kung gaano ako kaganda." Pagpapaliwanag ni Jeffrey. "At nilagyan ko ng ngiti ang mga labi ko.. para habang buhay akong nakangiti" Sabi pa nya.

"A-Anak ang ganda mo lalo.." Ninenerbyos ang kanyang ina. Alam nito na wala na sa tamang pag iisip si Jeffrey. "S-Sasabihan ko ang papa mo. Sasabihin kong maganda ka." Agad umalis ang kanyang ina sa takot pero sinundan sya ni Jeffrey.

"Pa! Gumising ka! Hanapin mo yung baril mo dahil papatayin tayo ng anak mo!" Natatakot na sabi ng ina ni jeff.

"Sinungaling." Malamig na tongong sabi ni jeffrey mula sa likod.

"Anak.."

"Sinungaling ka mama!!" Agad nyang pinagsasaksak ang kanyang ina at ama. Duguan syang lumabas sa kwarto ng mga ito na para bang walang nangyari.

Napadaan si Jeff sa kwarto ni Liu at sinilip nya ito para pagmasdan ang nakatatanda nyang kapatid. Nakita nito na nagising ang kanyang kuya at kukusot kusot pa ng mata.

"Anong ingay yun?" Tanong ni Liu sa sarili pero Agad syang inundayan ng saksak ni Jeffrey.

"Just.. Go to sleep." Bulong ni Jeffrey at lumabas sa kwarto paskil ang nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha.

---
A/N

Yo karamihan dito nakuha ko sa creepy pasta maliban sa mga pangalan nung tatlong bata. Medyo di ko kasi kilala pero ganyan naman pagkakaintindi ko 😂😂

Sorry sa mga typo at wrong grammar

Jeff the Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon