-One-

2.2K 52 10
                                    

Luhan's POV

---- 10 Years Ago ---

Nandito ko sa may Playground, hinihintay ko si Clarisse eh, sabi niya maglalaro kami ng basketball.

"Lulu!" Oh? Andyan na pala si Clarisse eh.

Tumakbo siya papalapit sakin. Eh bat parang umiiyak to? 

"Oh? Bat ka umiiyak?" sabi ko nung makalapit na siya sakin. Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Ano bang problema neto? 

"Lulu! Waaaaaaaaaaaaahh! Huhuhuhuhu!" 

May nang-away nanaman ba dito? Di na talaga nadala yung mga nambubully dito. Bakit nabubully? Ang Payat kasi eh tas lampa pa . Ramdam ko rin na basang basa na yung balikat ko dahil sa luha niya,

"Shhh.. Wag ka na umiyak Clarisse. Lagot sakin yang mga nambubully sayo! Kaya wag ka na umiyak," pagpapatahan ko sakanya.

 "Lu..Luhan. Aalis na kami pupunta kaming Korea." Ano? Aalis? Papuntang korea?

 Nagbibiro ata to e. Jo..Joke time ba? Hinarap ko siya sakin. Di naman siya seryoso diba?

"Ha-Ha-Ha-Haha!" pilit kong tawa

"Nababaliw ka nanaman? Alam kong pangarap mo yan kasi, nandun yung mga idol mong mga bakla! " Di niya ko iiwan. Nagbibiro lang siya.

"Lulu naman! Di joke time to! Seryoso ako. *sniff* aalis na kami. I..Iwan na kita. *sobs*" Napatulala ako. Seryoso nga siya. Unti unting pumatak yung luha ko. 

"Di pwede Clarisse. Sasama ko sayo! " Di ako papayag! Di ko pa nga naaamin na crush ko siya e! 

"Di mo ko masusundan dun Luhan. Wa..wala kang *sniff* pera. " Tama siya. Wala akong pera kasi mahirap lang kami.

Yung nanay ko tindera ng Isda yung tatay ko naman Driver lang ng Jeep, tas ako lang ang nag-iisa nilang anak. Haay, Imposible talagang masundan ko siya. Pero, papayag na lang ba ko na iwan niya ko? Wala na bang ibang paraan? 

"E..Edi pagkasyahin mo ko sa maleta mo! Wag mo kong iwan Clarisse." Ano ba tong sinasabi ko? Pero gagawin ko talaga lahat, wag lang niya kong iwan. 

"Luhan, di ka kasya dun! Ang tangkad mo kaya!" 

"Gusto mo naman ata talaga kong iwan eh." sabi ko sabay talikod ko sakanya. Ts. 

"Lu..Luhan, di naman sa ganun. Gustong gusto kitang isama kaso bawal. Alam mo namang a.." 

"Oo, alam ko ayaw sakin ng pamilya mo. Kasi kayo mayaman, kami mahirap lang. Langit at lupa ang pagitan natin pagdating diyan! Bakit kasi pinanganak akong mahirap e!" Napaupo na lang ako sa damuhan. Kasi alam kong wala akong magagawa para pigilan siya.

Yung paglalaro namin ni Clarisse, patago lang. Kasi ayaw daw nila ng kagaya kong mahirap para sa anak nila. Yan ang mahirap sa mayayaman e.

 Oo mahirap lang ako, pero gwapo naman. 

"Kelan kayo babalik ?" tanong ko sakanya

"Di ko alam Lulu.*Sniff* *Sniff* Waaaaaaaaaah! Huhuhuhu! Luhan tanan mo na lang ako! " Seryoso ba siya? Parang tanga talaga to. 

"Araaay! Bat mo ko binatukan ! " Kung ano ano talaga iniisip neto ni Clarisse. Mukha bang may future siya sakin! Ano papakain ko dito ! Tsaka 10 years old palang kami! Ay siya pala 9 palang.Di din naman siya sanay sa hirap! 

"Ehhh! Ayoko sumama sakanila! Gusto ko kasama ka din!" Hayy, sana pinanganak na lang ako na mayaman. Babalik naman siguro siya diba ? Bakit nga ba siya aalis? 

The Childhood Promise [One shot BS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon