Chapter 3 - First day

36 1 0
                                    

TOK~ TOK~

"Mahal naming Prinsesa gising na." Sabi nong pinto este!! Ng kumakatok. Umungol lang ako bilang sagot. Bakit nanaman bato nang gigising? Eh wala namang lakad ngayon tsss.

"Emman!!! Wake up. Malelate ako dahil sayo." Ahhh. Si Kaulder pala naka assign sakin ngayon, sinagot ko siya na nababagot.

"Absent ako ngayon, mauna kana." Sagot ko at nag talukbong ulit ng kumot.

"No. Dad said you should go to school, dahil first day ngayon kaya bumangon kana." Diterminadong sabi niya.

I stand up lazily and walk directly to my bathroom. Pagkarating ko sa dining area, naka arrange na ang mga kapatid ko sa mga upuan nila at dalawang upuan nalang ang walang naka upo. Tsss. Maaga nanamang umalis si Daddy.

Umupo na ako at mag sisimula na sanang kumain ng mag salita si Klaus. "Kaulder? Sakin sasakay si Emman buong linggo, the schedule is change. Me and Dad will assign who will be her ride for a week." Sabi ni Klaus. Tumango naman ang mga kapatid ko at kumain na, nag taka naman ako.

"Kuya? Why sudden change?" Tanong ko habang sumusubo ng bacon sa bibig ko.

"Well, sabi kasi ni Dad eh. Pag iba-iba daw mag hahatid sayo eh baka malate ka. So, pag isa lang mag hahatid at sundo sayo walang presure." Sagot niya sakin, napa tango naman ako at nag patuloy ng kumain.

***************

Pagkababa ko sa sasakyan ay napaka sama ng tingin ng ibang mga babae sakin. Tss. Ang o-OA eh. Alam naman nilang kapatid ko lahat yung pinag papantasyahan nila.

Hindi ko nalang yun pinansin at mag lalakad na sana ng matulin ng akbayan ako ni Klaus. Bakit ba kasi naging mga kapatid ko pa tong mga to? Tssss.

"Wag kangang mag madali." Sabi niya, tatanggalin kona sana ang braso ng may tumawag sakanya na naka pag patigil sakin.

"Klaus!!!!" Haaaaaist. Bakit andito to? Please sabihin niyo sakin hindi to dito mag aaral. Lumingon ako sakanya at pinagsisihan ko yun. Naka v-neck white shirt lang siya kagaya ko, naka ripped jeans at vans na itim. Ang HOOOOOT hoooo!!! Naka titig na pala ako sakanya kaya ng smirk siya ng maka lapit at nag salita.

"Just take a picture, it will last long." Sabi niya sakin at naging sing pula ng kamatis naman ang mukha ko, humigpit naman ang pag hawak ni Klaus sa braso ko kaya napatingin ako sakanya. Ang sama ng tingin niya kay Atom, ng mapansin ni Atom ang mga tingin ni Klaus ay tumikhim siya sabay kamot sa batok.

"Ahhmm... Itatanong ko lang sana kung asan silang Kit? I didn't see them following in you two." Sabi niya, bumalik na sa pagka badboy ang aura niya. Sasagot na sana si Klaus ng may tumawag sa likuran namin.

"Atom!! Dude!!!" Tsss. Kahit dito talaga napaka ingay ni King, hindi man lang nahiya eh. Sumisigaw dito sa hallway tsss. Inirapan ko siya dahil sa dakila niyang bunganga. Nang maka rating na sila sa harapan namin, nag shake hands silang lima kasama si Kit, King, Kaulder at Kreed.

"Ano first subject mo?" Tanong ni King kay Atom, naging interesado naman ang lahat pati yung mga babaeng nag dadaanan eh pasulyap sulyap kay Atom para malaman ang sagot tsss.

"Ahhmmm.. Haha.. I told you already right? Im still a senior student, hindi pa ako college dude." Sagot niya kay King, kumunot naman ang ulo ko. Kasing edad lang naman sila nilang King ah? Bakit kaya.

"Oppps. Sorry nakalimutan ko kasi eh. So, may posibilidad na magka-klase kayo ni Emman?" Tanong ni King. Chismoso din talaga nito minsan, parang babae tsss.

Mahal Kita, Kaya Mag Salita Kana.Where stories live. Discover now