"Leslie, may problema ka ba?"tanong saakin ni Cathy na Bestfriend ko/ Classmate.
"Hah? Bakit?"biglang tanong ko.
"Eh kasi naman Tulala ka kaya. Tapos hindi ka pa namamansin. Kanina pa kaya ako nagkukwento dito. "-siya
"Hahaha, Sorry. May iniisip lang ako."
"Ano naman yun?"
"Naalala mo si Carlo?"-ako
"Hmmm. Sinong Carlo?"
"Ano ka ba. Si Carlo Garcia. Yung taga kabilang section."
"Ah. Yung medyo chinito?"
"Oo."
"Oh ano meron sakanya?"-siya
"Crush ko na siya."sabi ko na naka ngiti.
"Ahh."
"Nge? Ahh lang reaksyon mo?"-ako
"Kasi kasi naman lahat nalang Crush mo. Wala ng bago dun."
"Sabagay. Hahahaha"
"Baliw ka talaga."-siya na naka nguso.
"Pero, Alam mo kaya ko siya naging crush, hindi lang dahil Cute siya."
"Ano naman ang iba mo pang rason at naging crush mo siya.Aber?"
"Kasi kanina nung nakatambay ako sa labas ng room. Lumapit siya saakin para magtanong kung pede manghiram ng Walis at bunot. Tapos nung binigay ko na sakanya. Ngumiti siya saakin tapos nag thank you."
"Gaga ka talaga. Malamang magPapasalamat siya kasi pinahiram mo."
"Ano ka ba naman Cathy. Hindi mo ba nakikita. Ang bait niya kaya. Hindi siya mukhang mayabang."-ako
"WHATEVER!"-siya. At tumayo na.
"San ka naman pupunta?"-tanong ko.
"Baka uuwi na?"-siya
"Mamaya ka na umuwi."
"Ano ka ba Leslie, baka mamaya magulat nalang tayo andito na sa bahay niyo ang mga gamit ko. At hinatid na ni mama."-siya.
"Hahaha ayaw mo nun,Para dito ka na nakatira."
"Sira ka talaga."sabay batok saakin, bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionWhat if may Crush ka? Tapos yung Crush mo Hindi ikaw ang gusto. or What if mayroong may crush sayo, pero hindi mo naman crush ? :D