"OMG. Galing niya talaga. Go Carlo ! "-Tili ko.
"Ano ka ba naman Leslie, tumigil ka nga. Imbes na ang section natin ang icheer mo, dun ka sa kalaban nag-chi-cheer."
"Yaan mo sila. Kaya na nila ang buhay nila."sagot ko, habang titig na titig kay Carlo habang naglalaro.
May laro kasi ang section namin ng basketball at nagkataon namang sila Carlo ang kalaban. Tulad ng sinabi ni Cathy kanina, imbes daw na ang mga classmate ko ang iCheer ko ay yung kalaban pa. Magagawa ko? si Carlo ang nasa kabilang team. Kung hindi siguro siya kasali, baka mga classmate ko ang iCheer ko, Pero wala eh, Andun siya. Kaya kahit mapaos ako. Kieber? Babalik din naman sa dati ang boses ko, basta maiCheer ko lang si Carlo :)
"Bahala ka nga diyan."-Cathy
"Hehe, cheer mo nalang yung section natin."-ako
"Leslie, gusto mo sumali ng clan?"napatingin naman ako sa classmate kung nagsalita. Si Michael.
"Bakit naman ako sasali?"-tanong ko.
"Ano ka ba, madaming Cute ang kasali dun.Tapos active pa. Kaya hindi boring."-alam kasi ng mga classmate ko na mahilig ako sa mga cute.
"Talaga?"
"Oo. Tapos mga taga dito lang school, Ano Sali ka?"
"Hmp. Sige na nga. Forward mo saakin yung form."
"Sige. Kaw Cathy gusto mo sumali?"
"Sige sasali ako, basta bigyan mo ko ng Cellphone."-sagot ni Cathy sa classmate ko.
"Hahaha. Taray mo talaga."-Michael.
"Kdot."-Cathy
"Ano andyan na ba yung form?"-tanong ni Michael.
"Yup. Thanks."-ako
"Fill-up-an mo agad ha."
"Oo maya na pag may load na ko."
"Ok."at umalis na siya.
"Sasali ka talaga ng Clan?"-tanong ni Cathy.
"Yup. Para naman mas marami rin akong makilala sa school."
"Bahala ka nga diyan."
"Hahaha. Sungit mo, dumating lang si Michael eh."
"Michael ka dyan."-siya
"Sus, Crush mo si Michael eh, dinadaan mo lang sa pagtataray.Hahahaha"-pang-aasar ko sakanya.
"Ewan ko sayo."- Hahaha pikon talaga ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionWhat if may Crush ka? Tapos yung Crush mo Hindi ikaw ang gusto. or What if mayroong may crush sayo, pero hindi mo naman crush ? :D