Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Unknown number ang nakalagay kaya sinagot ko."Hello?" Walang sumasagot galing sa kabilang linya , tiningnan ko muna kung nandun pa yung tawag. Nandun pa naman pero walang sumasagot kaya nag salita ako ulit
"Hello? Who's this?"
"Open the door. Bilisan mo"
"Ha--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naputol na agad ang linya. Kilala ko ang boses na yun at sigurado akong si D.O. yun, napaka demanding talaga ng lalakeng yun . Tumayo na ako at pinag buksan siya ng pinto
"Anong ginagawa m-" Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Hinila na niya ako bigla, ay hindi pala hila. Kinaladkad niya na ako papuntang elevator
"Saan tayo pupunta?" Hindi siya sumagot
"Hoy Saan tayo pupunta!" Hindi parin siya sumasagot kaya tumigil ako. Tiningnan niya lang ako at kinaladkad na ulit palabas ng elevator
Nakarating kame sa parking lot ng building, pinatunog niya ang sasakyan niya at ipinasok ako sa Passenger seat at umikot siya sa driver seat.
"Saan tayo pupunta?" Hindi siya umimik, nakatingin lang siya sa kalsada
"D.O! Saan tayo pupunta!?" Tumingin siya at nag salita
"Basta" tipid niyang sagot.
Wala na akong nagawa kaya tumingin nalang ako sa labas. Di ko napansin na nakatulog pala ako, nagising nalang ako ng wala na siya sa tabi ko. Lumingon lingon ako para hanapin siya, nakita kong lumalakad siya papasok . Ano nanaman kayang gusto nitong lalakeng ito.
Lumabas ako ng kotse at hinabol siya
"Anong lugar ito?" Pagtatanong ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Tiningnan niya ako at nag salita
"La Vista" tipid niyang sagot
"Anong ginagawa natin dito?" Hindi siya sumagot, dumiretso lang siya papasok. Narinig kong sabi niya sa tao sa may front desk .
"Excuse me miss. One cottage"
"Okay po sir, Mag oovernight po ba kayo?" sabi ng babae
"Yes.."
Tiningnan ako ng babae, at ngumiti kay D.O.
Hinila niya nanaman ako papunta sa may dagat. Wala akong dalang damit pati na rin siya.
"Wala tayong dalang damit" sabi ko sakanya pero tiningnan niya lang ako sabay hila saakin
"Saan nanaman tayo pupunta?"
Kinaladkad niya ako papuntang dalampasigan. Papalubog na ang araw, naghahalf run na ako dahil sa patuloy niyang pag hila saakin. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin kaya nagpatianod nalang ako sakanya. Bahala nga siya!
Mag aalas sais na ng nakarating kame sa kung saang lupalop man ako dinala ni D.O. wala akong kaalam alam kung nasaan kame basta ang alam ko malayo ito sa cottage namin, malayo sa mga tao.
May nakita akong telang nakalatag sa buhangin papalapit dun si D.O. Tiningnan niya ako at kumunot ang kanyang noo. Hindi ko alam kung nairita ba siya o ano.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Lapit" utas niya
Dahan dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya. Tinitingnan niya lang ako habang ginagawa ko yun. I feel uncomfortable dahil sa mga titig niya saakin. Tiningnan ko siya at napagtantong ang gwapo pala talaga niya. His Eyes, nose, Lips. Damn! Kinagat niya ang labi niya kaya napatingin ako dun. His tempting me. Shit! Agad akong nag iwas ng tingin sakanya, ganun din siya. Naging awkward kame sa isa't isa wala akong maisip na topic para sakanya. Blanko ang utak ko dahil kanina. Paano niya napaghandaan ito? Eh Magkasama kame dumating dito.
"Kim.." napatingin ako sa kanya. Mukhang may gusto siyang sabihin saakin pero mukhang pinipigilan niya ito.
"Hmm?" Sabi ko nalang. Dahil awkward pa rin ang paligid
"A-ah.. I have something to tell you"
"H-huh?.. A-ano...yun?" Utal kong sabi
Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngayon. May sakit ata ako o kaya ninenerbyos. Pero bakit nga ba ako nenerbyosin. Ano ba naman yan Kim. Put yourself together. Okay? Umiling iling ako. 'Di ko namalayan na andiyan nga pala si D.O sa tabi ko . Bigla naman siyang nag salita kaya napalingon ako
"I...think.." Huminto siya at huminga ng malalim.
Biglang nag ring ang phone niya. Kumunot agad ang kanyang noo at kinuha ang phone niya sa kanyang bulsa. Tumayo siya at lumayo para sagutin ang tawag. Ano kaya yung sasabihin niya dapat saakin? Bakit parang kinakabahan siya.
"Hindi, Hindi. Ano bang iniisip mo kim huh? Baka gusto niya lang makipag ano.. Ang assumera mo talaga" sabi ko sa sarili ko habang umiiling.
"Hey.."
Napatalon ako sa gulat , bigla bigla nalang kasi mag sasalita.
"Ano?" Sabi ko
"Let's Go"
Di man lang kame umabot ng isang oras dito. Alis na agad.
Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ay hinila na niya agad ako kaya bahagya akong natumba, mabilisan naman niya akong dinaluhan at tinulungan tumayo. Nakakunot ang noo niya pero kita ko naman sa mata niya na nag aalala siya. Minsan ang gulo niya, hindi lang pala minsan madalas. Minsan mabait, madalas naman masungit at walang pakealam. Bipolar nga talaga.
"Are you okay?.." nagulat ako sa sinabi niya, napansin niya ata yun dahil mas kumunot pa ang kanyang noo.
"O-oo"
Pagkasabi ko nun ay agad niya akong binitawan. Tingnan mo 'tong lalakeng ito kani-kanina lang eh ang bait-bait ngayon naman masama na.
"Aray naman" nakakunot noo kong sinabi sakanya
Naglalakad na kame pabalik sa cottage na kinuha ni D.O. Nasa likuran niya ako at pa engka engka kung maglakad. Sumakit yung paa ko dahil siguro sa pag kakatumba. Nilingon ako ni D.O. at mas binilisan pa ang kanyang pag lakad. Walang hiyang lalake. Nakita na nga niya na ganito ako mag lakad. Imbes na tulungan e tiningnan lang. Kala ko pa naman Gentleman di naman pala.
Nakarating na kame sa cottage, agad niya akong hinila at pinaupo sa sofa. Nagulat ako ng may kinuha siya sa isang drawer dun at kinuha ang paa ko. Ginagamutan niya. Anjan nanaman siya bumabait nanaman pero mamaya yan sasama na din.
Pinabayaan ko nalang siyang gamutin yung paa ko. Hinihilot-hilot niya ito.
"Ouch" nasaktan ako nung inikot niya ng dahan dahan yung paa ko.
"Sorry.." aniya.
Nag sorry siya? Wow! Ha. May himala atang nang yayari dito sa loob. Tapos na niyang hilutin ito at nilagyan na niya ng Bandage ang paa ko.
"Matulog ka na, alam kong pagod ka" Aniya
"Matulog ka na rin. Mas pagod ka saakin" sabi ko.
Tumango lang siya at lumabas .. Kakasabi ko lang na matulog na siya pero lumabas parin. Yung totoo? Nakakaintindi ba siya o hindi?
Ilang sandali lang ay nararamdaman ko na, na nahuhulog na unti unti ang mga mata ko. Humikab ako at nakita ko si D.O na papasok at nakatingin saakin bago ako tuluyan ng makatulog.
BINABASA MO ANG
That Perverted Guy
RomanceHanda ka bang makipag-sabayan sa isang napaka horny na nilalang? Halinat tunghayan natin ang kwento nila Park Kim Eun at Do Kyungsoo.