Chapter 3

948 7 0
                                    

"Aray ko naman. Wag mo kong sigawan ang sakit sa tenga" sabi niya

"Eh paano ka naman nakakasiguro na siya nga yun, may pruweba ka ba?"

"Kung ayaw mong maniwala edi tanungin mo siya. Sigurado akong siya yung kasama mo buong gabi" nagtaas lang ako ng kilay kahit hindi niya ako nakikita

"At baka nga ikaw pa ang gumahasa sakanya kagabi" napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nitong babaeng ito.

"Hindi naman siguro. Wala talaga akong maalala sa mga sumunod na nangyari nang sumuka ka sa bar"

"Dahil dun ay umuwi na ako at iniwan na kita dun. Pero bago ako umalis ay tinawag ko muna si D.O dahil lasing ka na din"

"Whaat? Sige na bye na pupuntahan ko nalang siya, kailangan ko siyang makausap" pagkatapos nun ay pinatay ko na yung tawag

Inayos ko ang aking sarili, Nakakahiya naman kung hindi ako mag-aayos. Konting make-up lang ang nilagay ko at okay na.

Habang nagsusuklay ako napansin kong may isang bagay na nakapatong sa aking mesa.

"Wrist watch? Kanino naman ito" tanong ko sa sarili ko

GOSH! kay KYUNGSOO ito. Naaalala ko na. Pinatuloy ko siya kagabi sa aking condo unit kasi pinapa-renovate pa ang kanyang condo.

KAILANGAN KO TALAGA SIYANG MAKAUSAP!

That Perverted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon