PROLOGUE

40 2 0
                                    

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung masakit na pangyayaring naranasan ko." sabi ni Alex, na hindi pa rin maka-move on sa ginawa ni Matthew sakanya. si Matthew na naging kasintahan niya sa mahigit dalawang taon na ngunit ipinagpalit lamang siya sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Ang kanyang best friend --- Jenny Clarkson.

Si Alex Delevingne, isang dalagang may mataas na pangarap kasama niyang nangangarap ang kanyang matalik na kaibigan, si Jenny pati na rin ang kanyang kasintahan na si Matthew. Pare-pareho silang marunong kumanta kaya't sinubukan nilang mag-audition para makapag-aral sa MusicDubs Academy, Isa ito sa pinakakilalang Music School sa kanilang bansa sa Amerika. At swerte nilang natanggap sila.

Ngunit may isang pangyayari na hindi parin makalimutan ni Alex -------

Pero dahil sa pangyayaring ito, mas naging matatag siya. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pangarap at nakilala niya ang taong mas kaya siyang pahalagahan.

Sino nga ba ang taong ito?

The Power of MusicWhere stories live. Discover now