Alex's POV.
*Kringgg!!... kringgg!!!.....*
Ang ingay!! Nagising ako bigla nung nag-ring yung alarm clock ko. 6:00 AM na. Kailangan nang bumangon para maghanda. Pagbangon ko, medyo sumakit yung ulo ko pero nawala rin naman agad. Ginawa ko na yung Morning Routine ko. Yung lagi kong ginagawa tuwing umaga.Mga 7:00 Am, nakaready na ako. Nasa labas ako ng bahay kasama si Mommy, Daddy, at kung hindi niyo natatanong, meron akong maliit na kapatid na lalaki, si Aaron. Kasama ko din syempre si Jenny. Hinihintay namin si Matthew para sunduin kami. Mga ilang minuto lang, nakarating narin siya.
"Hello po." bati niya kila Mom at Dad. "Hello din sa inyo." dagdag niya para batiin kami.
"O sige na. Sumakay na kayo sa kotse." Sabi ni Dad tapos sumakay na kaming dalawa ni Jenny.
"Mag-iingat kayo ha?" sabi ni Mommy samin.
"Opo Mommy." sagot ko sakanya.
"O Matthew, dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha." Sabi ni Dad kay Matthew.
"Opo tito." sagot naman ni Matthew.Nagpaalam na kami sa kanila at nagtungo sa MusicDubs Academy. Unang araw sa paaralang iyon kaya paniguradong maninibago kami. Pero ayus lang yun, sigurado namang magiging masaya ang araw na ito.
Nung nasa school na kami, medyo nahihiya at kinakabahan kami, siyempre 1st day ng school at new student kaming tatlo, wala kaming kilala, kaya kaming tatlo walang iwanan. HAHA.
*Kriiinggg!... * *kringgg!...*
Gosh! nagring na yung bell! Ibig sabihin non Flag Ceremony na! Hindi namin alam kung saan kami pipila, at naligaw pa nga kami eh! Kaya pinalipat nalang kami. (Epic! HAHA!)After 30 minutes...
Umakyat na kami sa classroom namin, at buti nalang mababait ang tao doon, naka-hanap din kami ng bagong kaibigan, sina: Allison, Coleen,Andrew,Celine at Diana.
Lahat kami ay magkaklase, lahat kami ay close walang awayan, lahat kami magka-kaibigan. Grabe! Halos 30 minutes kaming nag-usap, getting to know each other, kasi antagal ng teacher namin.
"Good morning class!" sabi ng aming teacher. Wt!? Nagulat kaming lahat, dumating na pala ang teacher namin wala kaming ka-alam alam. Hahaha
"A-ahhmm!... Good morning po ma'am!" sagot naming lahat.
"Kanina pa po ba kayo Ma'am!?" tanong ni Allison sa aming teacher.
"Ahmm... medyo lang naman, basta, wag niyo nalang uulitin ha!?"
"Opo! Ma'am! Sorry po!" sagot namin.Wooh! Shems! Akala namin papagalitan kami, buti nalang mabait teacher namin, di kami pinagalitan, akala namin unang araw palang ng klase umagang sermon ang aabutin namin! HAHA.
After 1 hour ng discussion ni Ma'am, Finally break time na! Paborito naming subject. HAHA.
Author's POV.
"Yey! Break time na! Tara guys kain tayo!" sabi ni Matthew sa mga kaklase niya.
"Sige! tara!" sagot naman nila.After nilang kumain, may narinig silang kumakanta, malapit lang sa kanilang pinagkakainan.
"Uy guys! Narinig niyo ba iyon?" tanong ni Alex sa kanyang mga kaklase.
"Oo! tara puntahan natin!" sagot ni Jenny.Sinundan nila ang magandang boses at napahanga sa kumakanta.
"Wow! Ang galing niya!" sabi ni Alex. Di na nakatiis ang lahat napa-sabay narin.
Narinig ang kanilang boses ng nagtuturo sa kumakanta, at sinabing, "Uy! Ang gagaling niyong kumanta ah!?"
"Ah! Salamat po!"
"Gusto niyo bang mag-audition?"
"Ahmm... para saan naman po?"
"Ah, magkakaroon kasi tayo ng event, MusicDubs the musical. Ano? Gusto niyo?"
"Guys? Sama tayo?" sabi ni Alex.
"Osige! sige!" sagot ng lahat.