"Miss!" sigaw na huling narinig ko bago kainin ng dilim ang kamalayan ko.
Nagmulat ako na hindi na naman pamilyar kung anong lugar ang kinaroroonan ko. Hindi naman maliwanag ngunit hindi rin madilim. Nakita ko ang lampshade sa gilid nitong hinihigaan ko na nakapatong sa isang lamesitang may drawer sa ilalim na may upuang nakalulon.
Sarado ang pinto at ramdam kong wala akong kasama kaya bumangon ako kaagad para umalis na pero na alala kong wala nga pala akong idea kung saan ako pupunta kaya hindi ko magagamit ang Hasaf. Hindi ko alam ang anyo sa labas ng kinaroroonan ko.
Halong inis at prustrasyon ang naramdaman ko nang maalalang hindi ko rin iyon magagamit pa-uwi ng Lesbon.
"Kung paanong hiwalay ang mundo natin sa mundo ng mga tao, ganoon din ang hangganan ng kapangyarihan ng isang Wiz. Hindi ka maaaring tumawid patungo sa mundo ng mga tao kung magmumula ka sa Neberes Sasay Lesbon gamit ang kahit anong uri ng kapangyarihan. Tayo ay nahahati sa dalawang bahagi, ang ating mundo ay kasalungat ng mundo ng mga tao, kaya't hanggang doon lamang ang abot ng kapangyarihan natin kung nasaang mundo tayo," sabi ng matandang Guro namin noong nasa ikalawang antas palang ako. Hindi ko malilimutan ang sinabi niya lalo na sa mga panahong ito.
Biglang bumukas ang pinto ilang hakbang sa gawing gilid ko sa kanan. Nakatayo kasi ako sa gilid ng kama at nakaharap sa lamesa. Hindi ko alam na sa ganoong posisyon ako mahuhulog sa malalim na pag-iisip. Lumingon ako doon at nakitang niluwa ng pinto ang lalakeng may nakaka-akit na mukha.
"Nalaman kong gising ka na kaya dinalhan kita ng pagkain." Nakita ko ang dala nitong tray na may laman ngang mga makakain ngunit hindi ko kilala ang mga lutong ganoon. Kaka-iba pati na ang amoy. Nakangiti itong lumapit sa akin at para bang gusto kong matulala. Ang guwapo ng mukha niya. Naiiba ang dating noon at kapagtumingin ka sa mga mata niya, para bang kinakausap ka nito at hinihigop patungo kung saan.
"Maraming salamat pero hindi mo na dapat ginawa iyan. Aalis na rin naman ako at masyado na akong nakaka-abala sa 'yo." Naglakad ako patungo sa pinto kasalungat ng direksiyon niya. Mabilis itong kumilos at nilapag ang dalang pagkain sa lamesita na naroon. Naramdaman ko na lang ang init ng kanyang palad sa braso ko.
"Ilang oras ka nang natutulog. Wala ka pang kinakain na kahit ano kaya paki-usap, kumain ka muna." Nanindig ang balahibo ko. Bakit napakabait niya sa akin? Sino ba siya at bakit ganito siya sa akin? Ngayon lang ako nakakilala ng gaya niya.
Napipilan ako sa ginawi niya kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Nakakahiya kung tatanggihan ko siya ganoong malaki ang utang na loob ko sa kanya.
"Ano nga pala ang pangalan mo Miss?" tanong niya sa kalagitnaan ng tahimik na pagsasalo naming dalawa.
Masasarap ang mga nakahaying pagkain. Hindi ko man alam kung ano ang kinakain ko, kumain parin ako dahil hindi naman masama ang lasa. Masarap naman. At isa pa, gutom na gutom na kasi ako.
"Leaf, Leaf ang pangalan ko," sagot ko sabay subo muli ng pagkain. Kulay puti at walang lasa iyon na sinasamahan ng uri ng karne na kinakain din namin sa Lesbon pero iba ang luto.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko sorry. Nasabi mo na nga pala kanina 'yan," natatawang napapakamot siya sa batok niya. Leaf, ang ganda ng pangalan mo. Kakaiba. Dahon 'yun sa filipino grammar 'di ba?" sabi niya. Tumango na lang ako. Iniisip ko, hindi kaya may tao na nanirahan sa Lesbon at nagturo ng lahat ng meron sa human world? Halos lahat ng meron dito ay meron din doon. Nakakamangha.
"Ako si South, South Hades Alcantara." Tinaas niya sa ibabaw ng mesa at nilahad ang palad sa akin. Nakikipagkamay siya. "Nice meeting you Ms. Leaf."
Para akong pinako sa kina-uupuan ko. Hindi ko malaman kung tatanggapin ko ang kamay niya pero sa huli ay tinanggap ko na na lang. Nakakahiya sa kanya kung hindi—isa pa, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Sa pagpapatuloy niya sa akin. Nagdaop ang palad namin.
Oo nga naman. Ngayon ko lang na-isip na kanina pa kami magkasama, ngayon lang kami naka-isip na magtanong ng pangalan ng isa't isa.
.....
"Sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi ko siya agad sinagot at umilang hakbang pa bago huminto at hinarap siya.
"Makakalimutan nila ang nangyari kapag ginamitan ko na sila ng majic. Kilala mo naman kung sino sila hindi ba?" Sinagot niya ako ng mahinang boses at isang tango at patuloy kamong naglakad. Patungo kami sa tanggapan ng doktor. Strange. Ang kulay kasi ng suot ng doktor sa Lesbon ay kulay itim. Pero dito sa Mundo ng mga tao, kulay puti. Sa bagay, siguro tunay ang mga kuwento ng aming mundo. May mga tao nga siguro na nakakarating sa mundo namin sa the other side at itinuro ang lahat ng mga meron dito. Sabi sa history, mga taong napapangasawa ng mga Wiz o kaya ng Vampire at ang iba ay aksidenteng natagpuan ang Havok kaya nakarating sa 'The Other Side" at hindi na nakabalik pa dito kaya doon na namuhay at sinalin ang lahat ng alam niya sa mundo namin kaya mistulang planetang Earth ang The Other Side. Ang Lesbon, Alabaya at Bansa ng mga Engkantado ay iisa ng wika. Gamit namin ang sa Pilipinas at sa Estados Unidos kaya nakakaintindi kami ay dahil may mga itinuturo sa paaralan sa mundo ng mga tao na itinuturo din sa mga paaralan sa Lesbon.
"Ang galing mo kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na totoong may Wizard." Sumipsip ito ng kanyang inumin saka kumagat muli sa kanyang tinapay.
"Madali lang naman 'yun." Biglang may sumagi sa isip ko kaya hindi ko dinugtong ang mga susunod ko sanang sasabihin sa halip ay iba ang sinabi ko. "Paano mo nga pala ako natagpuan? Ang ibig kong sabihin, saan at anong nangyari? Paano mo ako nakita?" tanong ko.
Natahimik siya. Parang inaalala kung ano ba ang nangyari noon.
"Ang totoo niyan..."
........
His P.O.V.
Paglabas ko ng Hospital matapos ang operasyon na ginawa ko kanina sa isang Cardio patient ay nagtungo agad ako sa katapat na department store. Bumili lang ako ng instant coffee in a cup. Gusto kong ma-relax. Ang tagal ko nang Doktor pero hanggang ngayon ay ninenerbiyos parin ako kapag may inooperahan ako. Natatakot na kasi ako na ma-ulit ang bagay na 'yon.
Nakakita ako nang nagtitinda ng minty Lolipop at agad na lumapit doon saka bumili ng dalawa. Ang isa ay binulsa ko para mamaya habang ang isa ay binalatan ko na at sinubo saka uminom ng kape. I know my taste bud is weird as fuck but damn, I like the taste of coffee mix mint realy affing much.
Naglakad ako patungo sa parking lot para mag-relax sandali. Na alala kong may binili nga pala akong unan kanina. Kukunin ko na lang at dadalhin sa opisina ko para doon muna ma-idlip. Inaantok talaga ako. Mukhang wala na naman akong planong talaban ng kape.
"Hades..." A familiar high pitch voice from behind suddenly speak. Nagulat pa ako. Damn. ang dilim dito malamang nakakagulat kapagbiglang may magsasalita ng ganoon tapos galing pa sa likuran. Napahinto ako at saglit na nag-isip kung sino nga ba ang may ganoong boses.
"Ayan ka na naman, hindi sumasagot kapagtinatawag," she said aproaching. Si Therella.
"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na naman ako. Wala ako sa mood para sabayan ang pagiging clingy niya dahil pagod ako at stress sa trabaho. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Visiting you baby. Miss na kita." Hersheys said. Ugh. Fuck.
.......
BINABASA MO ANG
FOREVER I STAND
General FictionShe's not human and she came from the other side. She doesn't know what love is untill she met Hades. A handsome ordinary man from human world. What will happen if their world met? Will she ever learned the most powerful elements of all called 'Love...