Kumulo na ang tubig at kinuha ni Elaine ang takuri. Inilagay sa isang mug. Tinimplahan ng kape at sinundan ng asukal. Wala nang natirang gatas. Pinagtiisian na lang ang purong kape.
Naisip niya ang malaking kakapusan sa budget. Saan siya kukuha ng pangtakip sa nahugot na apat na libong ibinayad niya sa doktor. Pumikit saka huminga ng malalim. Umusal ng dalangin. Biglang naisip si Aling Julia. yung nagpapautang ng 5-6 sa may kanto. Matagal na siyang inaalok ng matanda. Good vibes silang dalawa. Panay naman ang tanggi niya. Nagbtiw ng salita, naalala niya si Aling Julia: "Sa oras na kailanganin mo, Elaine, takbo ka lang sa Aling Julia mo."
Naghilamos lang si Elaine at nag toothbrush. Lumabas na ng bahay at nagsadya kay Aling Julia.
"Ikaw naman Elaine, matagal ko na sa iyong sinasabi, basta me kailangan ka, magsabi ka lang."
Binigyan siya ng matanda. Eksaktong sampung libo. Tumanggi siya.
"Malaki po ito, four thousand lang po kailangan ko." Tumitig ang lang ang matanda at ngumiti.
"Huwag kang mag-alala anak. Di kita patutubuan."
Binilang ni Elaine ang pera. Sampung pirasong tig-iisang libong buo. Bumilang ng lima at ibinalik kay Aling Julia ang kalahati.
"IKaw ang bahala." Sambit ng matanda.
Nagtungo sa bangko at idineposito ang pera. Nang palabas na ng bangko, namataan niya ang sang lalaki sa hindi kalayuan. Nakatitig sa kanya. Sumigaw ang lalaki.
"Elaine?"
Hindi siya makakibo. Pinilit niyang kilalanin ang lalaki. Napakamot siya ng ulo.
"Nhel?"
"Oo naman, klasmeyt mo nu'ng grade six."
"Ah, oo. Sorry, medyo makakalimutin na ako. Nagkaka edad na." Pabiro niya.
"Tara muna sa Jollibee." Paunlak ng lalaki. Hindi na nakatanggi si Elaine.
"Wala ba tayong reunion man lang?" Tanong ni Elaine nang makapasok na sila sa loob ng fast food chain.
"Wala akong balita." Hinagod ni Nhel ng tingin ang dating ka-klase.
"Maganda ka pa rin. Hindi ka kumukupas." Napayuko si Elaine, hiyang hiya.
"Natatandaan mo si Rudolf?"
Tumango si Elaine, medyo namula ang mukha.
"Me crush sa 'yo noon siya." Banggit ng lalaki. Lalong pumula ang mukha ni Elaine.
"Ako rin." Dugtong ng lalaki.
"Ano'ng ikaw rin?"
"Crush din kita noon, alam mo ba?" Hindi nakakibo si Elaine. Natatandaan niya. Naniniwala siya sa sinabi ng kaharap.
"Akala ko noon magiging artista ka."
Napabulanghit ng tawa si Elaine. Ngayon lang siya nakatawa nang ganoon kalakas. Pakiramdam niya nagluwag ang masikip na kaloobang dinadala. Ngayon lang siya nakatawa nang ganoon kalakas.
"IKaw, sigurado, me asawa ka na." Tanong niya sa lalaki.
"Hiwalay na kami ng napangasawa ko. Simula nang mag abroad, lumamig na pagsasama namin."
"Eh ang mga anak niyo?"
"Wala kaming naging anak". Malungkot ang sagot ni Nhel.
Lumungkot ang mukha sa sinabi ng dating ka-klase.
"Libre na ako ulit, kaso wala akong makita para sa akin." Malungkot na tugon ng lalaki.
Humaba ng mahigit isang oras ang pag uusap. Nag-alala si Elaine na walang kasama si Dexter at binilhan na rin niya ng makakain sa food chain.
BINABASA MO ANG
Pamaskong Limos ng Batang Pulubi... Raf Echanova
Short StoryKung puputungan ng korona kung sino ang pinaka-mapagmahal na asawa at mabuting ina ng kanyang mga anak saan mang sulok ng Maynila, tiyak, si Elaine ang tamang kandidata. Ano pa at sa kabila ng kagandahang loob, luha at hinagpis ang isinukli ng tadha...