Hanggang Tanaw [One Shot]

1K 37 20
                                    

Hanggang Tanaw

Date: Nov. 29, 2013

Date Posted: Nov. 30, 2013 

Dedicated to Ms. Lean for inspiring me to make a one shot story. Hi! I admire your works! 

----------

Ayan ka na naman. Napapaligiran ng mga babae. Kakaiba ka kasi sa mga lalaki dyan sa paligid. Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla, "Nasayo na ang lahat." Pero kulang pa 'rin e. Ako. 

Sobrang talino mo. Nasa section 1 ka. Player ka ng varsity ng school natin, journalist ka rin, magaling kang kumuha ng pictures, mahilig kang magbasa ng libro tulad ko, yung mga paborito kong kanta paborito rin. Sino ba namang hindi makakahalata na marami tayong similarities? E halos lahat ng gusto ko, gusto mo rin. Pero 'dyan tayo nagkakaiba e. Gusto kita, iba gusto mo. 

Iiyak na ba ako? Maglalaslas? Magpapakamatay? O lulunurin ko nalang sarili ko? Wala akong mapili. Ang alam ko lang, ang mahalin ka. Pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. 

Kasalanan ko ba kung hindi pa ako handa? Kasalanan ko ba kung sadyang atat ka lang? Yan tayo e. Aminin ko man, gusto ko pero sabi ng utak ko, huwag. Sana naging tayo. Sana..

Magkaklase tayo 'nun. Nasa gilid kita. Sa sobrang closeness natin, lagi tayong inaasar ng mga kaklase natin. 

"Naku! May nabubuong pag-ibig!"

"Iba na yan guys, ha!" 

"Magkaibigan o magka-ibigan?" 

Lagi silang ganyan. Ikaw naman, naiiling na natatawa. Ako, eto, nagpipigil ng kilig. "Tss! Ayan na naman kayo! Hindi a!" Sabi ko sa mga kaklase ko.

"Hala namumula na si Marriane!" Sigaw ng kaklase ko.

"Oy! Wag niyong aasarin 'tong kaibigan ko!" Bigla naman akong inakbayan nitong si Lloyd. 

"Ayieeeee!" Tili ng mga kaklase ko. 

Naku naman. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa balikat ko at inirapan siya. 

"Oy Marriane! Ayan ka na naman e!" Habol niya saken. 

"Alam mo Lloyd, naiinis na ko. Hindi lang sa kanila pati na 'rin sa'yo." 

"Bakit naman?" Halatang wala talaga siya alam tungkol sa pagtingin ko sa kanya.

"Ewan ko sayo." Tinalikuran ko siya at pumasok na ko sa classroom namin. Hmp. 

Inabot tayo ng dalawang linggo na walang pansinan. Hanggang sa niyaya mo ko sa canteen para sabay tayong kumain. 

Hanggang Tanaw [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon