Louise's POV
At san mo nakuha ang pogilicious na papable na si Chris?" At yun agad ang tanong ng baklang herbert na to pag pasok nya ng dance troupe room
"Dyan lang sa tabi tabi"
" seryoso ba kayo? Yung baduy na mongoloid na yun ang papalit sakin! GROSS!" Si dylan habang hinihithit ang sigarilyo nya
"Hoy yung baduy na sunasabi mo, mas magaling pa sayo! Tanggapin mo na kasin X ka na sa bayang sinilangan!" Sabi ng bakla
Napatayo bigla ng pikong si Dylan "masasapak na kitang bakla ka eh!
Umawat naman ako agad "tama na yan"
"Pustahan 2 libo, di magtatagumpay yang show!"
Kahit kelan talaga napaka yabang ng putakteng 'to
"Kung wala kang sasabihing maganda Dylan, mas mabuting manahimik ka nalang" sabi ko
Nakakagulat lang ! Hindi mo aakalaing yung nerd nerd na si Chris, magaling palang sumayaw! Nakakakilig lang na sakin sya nakatingin habang sumasayaw sya! Assumera kang babae ka!
Well cute naman kasi si Dylan, medyo may pagkapayatot lang, pero matangkad at grabe ang lambot ng katawan, ang galing mala- Vhong navarro ang dating!
Lumabas ako ng Dance troupe Room At saktong pagbukas ko ng pinto ay may natamaan.
"Oh my gosh" hinawaka ko agad ang ulo nya at "Chris?"
"A-ah" gulat din sya at parang medyo nasaktan nga
"Bakit ba naman kasi nakaharang ka sa pinto?"
"Ha? Ah...." Tumuro sya bandang dulo kung san wala namang ibang room kundi yung room namin na nasa dulo na
"Wala ng room dyan Chris ano ba? May kailangan ka ba?" Sabihin mong may kailangan ka, gooooo!
"WALA!" Anak ng....... Bakit wala? Charot!
"Ah okay!" Akmang aalis na ko ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
Putangina ang lambot! "Yes?" Tanong ko
Nakatitig lang sya sakin. Mukha nga syang tanga eh! Megeeed! Brown eyes!"Yung sabi mo may gusto ko sayo? Oo! Meron!"
-.-
-0-
0O0"Mukang natahimik ka yata?" Nahimasmasan na ko sa sinabi nya
"Ene yen elet?"
Putangina ang ganda ng ngiti bes! Pantay na mapuputi ang ngipin!"Wala. Ganda mo sana bingi ka lang" sige na babye" nagwave sya sakin at payakbong umalis
Ako ? Ayun parang kinuryente ! Kilig kiligan lang!
"MALANDI KA" sabay batok ng baklang herbert!
"Masakit bakla gago ka talaga!"
"May gusto daw sayo si Nerdy"
Oh yes! Because im so maganda eh ikaw? Dumiret!"Chismosa!"
"Kati"
"Inggit"
Dirediretso na kong umalis .
Napagod din ako , at siguradong napagod din ng sobra ang bakla.
"Ano ba talaga ang oras ng uwian nyo ha?" Tanong ni Papa
"Kahit anong oras pa!"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo yang pagsayaw sayaw na yan, walang maitutulong sa pag aaral mo!"
" Pa, " niyakap ko sya "pinapagalitan nyo nanaman ako, kayo naman? Di ba kayo sumasayaw dati? "
Sumingit si Mama Sa usapan namin ni papa " sus? Tinanong mo payang Papa mo, sobrang galing nya noon"
"Talaga ba Ma?"
"Oo anak ! Kaya nga ko nainlove sa Papa mo eh"
"Oo at hanggang ngayon hanga ka padin sakin" kinuha ni Mama ang kamay ni papa
"Sige nga isayaw mo ulit ako"
Habang pinagmamasdan ko sila, nagwiwish ako na sana pag dating ng araw, ganyan din kami ng lalaking makakasama ko habang buhay! Yung hindi ako iiwan, hindi ako sasaktan, yung magpapalakas sakin, at yung papalakasin ko! Katulad Ng Mama at Papa ko.
"Ma, Pa.... Tulog na ko"
Di na ko pinansin ng mga 'to... Sobrang sweet kasi nila eh, dumiretso na ko sa kwarto ko!
"Hmp? Ano to?" Bulong sa sarili ko pagkakita sa isang USB. Sinaksak ko agad iyon sa Loptop
"Take My Hand
Ill teach you to dance
Im sppinning arround
We'll take it fall down🎶"Ang .... Ganda!
Napatulala lang ako sa pinapanuod ko, wow! Ang galing nila sumayaw! Ito yun eh, bago, di katulad ng sinasayaw namin ni Dylan, ang sweet at damang dama yung dalawang magpartner na sumasayaw!
Parang nagkaroon na ko ng idea para sa show! Tama! Ito nga ang gagawin ko, gagawin namin ni Dylan! Bagay samin ito.
Medyo mahirap lang yung step, may part kasi na bubuhatin yung babae tapos, may pag tumbling yung lalaki, teka?...... Sino ang nagiwan ng USB na ito dito? Hmmmm!
"Kuyaaaaaaaaaaaa!"
Dali dali akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kwarto ni kuya Louie na nasa harap ng ng kwarto ko, bago ko pa buksan ang kwarto nya ay bumukas na ito,
"Ingay mo naman Lulu , baliw ka ba?"
"Kuya.... Ikaw ba nagiwan ng USB na ito sa kama ko?" Sabay ipinakita ko sakanya ang hawak kong USB.
"Hmmm. May nagbigay saking lalaki sa labas, kaibigan mo daw sya, sabi nya ibigay ko sayo!" Shirtless lang si kuya at parang kababangon lang sa pagkatulog, tsk... Ano bang alam gawin nito? TAMARIND oooeeem!
"Anong itsura?" Tanong ko.
"Hmmp! Payat na maputi na....... Parang may sira"
Hays! Kuya talaga oh! Cute kaya yun! Oo nahuhulaan nyo din ba? Parang si Chris yun."Ah okay kuya, tulog ka na ulit!"
Tinalikuran ko na si kuya para pumasok ulit sa kwarto ko. "Teka Lulu" lumingon ulit ako."Bakit?" Tanong ko.
"Timpla moko Juice tapos... Gawa moko sandwich! Bilisan mo!" Sabay sara ng pinto! Aba't..... Naku! Kapallllll!
YOU ARE READING
All about us
RomanceHow can you be the source of strength to the one who give you strength? Magulo ba? Sige basahin nyo nalang