"Kuyaaaaa!" naabutan kong hawak na ni kuya yung basurahan ko. "Teka laaaang! " lumapit agad ako at kinuha yung basurahan.
"Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Ang bilis mo namang nakabalik"
"Hindi pa ako nakakabili kuya hehe kailangan ko lang talaga tong basurahan ngayon" nagtaka naman siya sa sinabi ko. Buti nalang at hindi na niya ako tinanong kung bakit at lumabas nalang siya ng kwarto, yun ang maganda kapag lumaki kang may kuya, hindi sila matanong at maintriga.
Agad-agad kong kinuha lahat ng nakatiklop na papel sa basurahan. Ano kaya yun? Mga letter?
Nang matapos na ako ay tinignan ko ulit yung basurahan kung may papel pang natira pero wala na kaya nilagay ko na lahat sa wallet yung mga papel at tinabi muna. Umalis na ulit ako para bumili.
"Kuya, patapon nalang nung basura. Alis na ulit ako" nagmadali na akong lumabas para hindi na magtanong pa si kuya.
Bumili ako ng mga kailangan namin sa bahay sinimulan kong kumuha ng sabon, shampoo, hanggang sa mga pagkain at mga pambaon at ngayon ay naglalakad na ako papuntang sakayan.
"TABI!" Napaurong ako ng biglang may bumangga saking nagmamadaling lalaki. Nakajacket, nakasumbrero, at nakashades pa siya. Ang bilis niya tumakbo kaya ang lakas din ng impact ng pagkakabunggo niya sa akin.
"MAGNANAKAW!" Sigaw nung babae na may edad na. Tumatakbo din siya sa gawi nung lalake. Andami na talagang masasamang tao ngayon. Parang walang mga pamilya!
Pagkauwi ko ay iniayos ko na ang mga pinamili ko. Wala pa din pala si kuya.
Kriiing kriing
Hello kuya? Nasan kana?
Ai bukas na ako makakauwi ah, mag iingat ka diyan.
Bakit hindi ka uuwi?
Madaming inaasikaso sa trabaho, kumain kana diyan.
Sige kuya, ikaw din.
Binaba niya na, pagod na naman si kuya. Habang nag-uusap kami, may naririnig akong parang grupo ng mga lalaking maingay.
Sinarado ko na ang pinto at naghanda na ng makakain. Ako lang mag isa sa bahay kaya tahimik. Paiba-iba oras ng trabaho ni kuya at minsan hindi siya umuuwi, minsan nga ilang araw pa at kapag umuuwi na siya ay parang hinang hina siya. Pagkatapos ko kumain ay umupo ako para manuod ng tv. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid. Hindi ako palakaibigan, siguro dahil na din sa nangyare sa mga magulang ko. Parang ang hirap magbigay basta basta ng tiwala sa isang tao, kaya yung kuya ko lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Naisip ko bigla yung mga letter kaya kinuha ko agad at binuksan lahat. Bawat letter ay may nakalagay na petsa kung kelan ito sinulat. Hindi manlang nilagyan ng pangalan. Binuksan ko lahat at pinagsunod sunod ang mga papel ayon sa buwan at araw na sinulat ito.
"Grabe ang kapal neto" ano kayang mga nakasulat dito? Iniayos ko at sinubukan kong hanapin ang pinakaunang sulat.
August 03, 2016
Wala akong magawa kaya napagdesisyunan ko na lahat ng gagawin ko isusulat ko nalang dito. Balang araw tatanda ako at mamamatay pero etong sulat na to ay mananatiling buhay at magpapapaalala na eto ang aking kwento. Masyadong malalim ang mga tagalog ko, para tuloy ang tanda ko na haha, nakaupo ako ngayon dito sa lamesa.