Prologue

10 0 0
                                    

Nagmamadaling pumasok ng bahay si kuya. Pawis na pawis ang buong katawan niya lalo na ang mukha niya at hinihingal pa siya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

"Ai ikuha mo nga ako ng haaaaa ng tubi-g"  agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at kinuha siya ng tubig.

"Bakit hingal na hingal ka kuya? Ayos ka lang ba? Atsaka bakit andami yata ng gamit mo ngayon? " sunod-sunod na tanong ko sakanya,  uminom muna siya at nawala na ang kanyang pagkahingal.

"Binili ko yan para sayoayan mamili ka na ng bag na gusto mo" ang dami naman atang binili na bag ni kuya? Nung isang linggo, humiling ako sakanya ng cellphone at may pinakita siya saking limang magagandang cellphone at mamili daw ako ng gusto ko. Sa tuwing tinatanong ko naman kung anong trabaho niya,  Ang lagi niya lang sinasabi sa akin ay mag-aaral ako ng mabuti para makapagtapos at makapaghanap ng magandang trabaho.

Kaming dalawa lang ni kuya ang nandito sa inuupahan naming apartment. Wala na kaming mga magulang kaya si kuya nalang ang nagpapaaral sakin. Pinili niya nalang magtrabaho agad pagkatapos niyang mag highschool para makapagtapos ako sa pag-aaral. Mapayat, matangkad, at malaki ang boses ni kuya kaya naman rinig na rinig ko ang boses niya kapag nakauwi na siya sa bahay.

Namili ako ng isang bag. Kinuha ko yung lightblue na bag kase sobrang maganda at paborito ko yung kulay.

"Kuya, eto na yung napili kong bag. Salamatnakangiting sabi ko kay kuya, habang si kuya naman nakangiti lang sakin at tumango. Papasok na ako sa kwarto kaya lang parang may isang bag na kumukuha ng atensyon ko. Yung isang maroon na backpack, simple lang siya at parang pang lalake pa. Pumasok na ako sa kwarto ko habang tinitignan ko yung bag na napili ko, sobrang ganda neto para sakin. Sira na kase yung bag ko na ilang taon ko na ding ginagamit.

Iniwan kong nakabukas yung pinto kaya nakikita ko pa din yung mga bag sa sahig, lumabas si kuya at may kinakausap sa cellphone niya. 

Napapatingin pa din ako sa backpack na bag,  kakatingin ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ai kakain na" pagkamulat ko gabi na pala "bumangon kana at malilipasan ka ng gutom" narinig ko ang boses ni kuya kaya bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko,  nakita kong wala na yung mga bag sa sahig.

"KuyaAsan na yung mga bag? " tanong ko habang kumukuha ng mga plato at mga kubyertos

"Tinabi ko na, ibibigay ko sa mga nasalanta bukas" bumaha kase nung nakaraan sa lugar namin,  buti hindi kami inabot.

"Ah ganun ba"

"Bakit?"

"Wala naman" yun nalang ang nasabi ko at kumain nalang.

Ano ba kasing meron sa bag na yun,  hindi naman ganun kaganda pero bakit parang gusto kong kunin? Ang ganda ganda naman ng napili kong shoulder bag. Okay na nga eto.

Ai Stole Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon