1

18 0 0
                                    

PATAGO.

Second year high school ako noong magkaroon ako ng unang bisitang lalaki sa bahay. Weekend noon at nasa bahay lang ako habang nag i-intermet nang bigla nalang tumawag sa akin si Gab. Nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko ay agad akong napatayo sa gulat.

Kung paano niya nakuha number ko? Isang malaking misteryo.

"Maxie kasama ko si Johanna, papunta kami ngayon sa bahay niyo." Wow. Alam pala niya pangalan ko? Johanna? Ano namang gagawin nila dito? Napalunok ako at agad na lumabas ng kwarto.

"H-huh? N-nasaan na kayo?" Mautal-utal kong sambit habang nagmamadali akong lumabas ng bahay. Nagpaikot-ikot ako sa garahe habang hinihintay sina Gab na ang sabi ay mga limang minuto pa at narito na sila. Ang bilis naman yata.

Bakit ba napaka urgent yata?

Gab. Nasa grade school palang kami ay di na maikakaila ang pagtingin ko sa kanya. Naging magkaklase kami noong grade three at magpasangayon. Magmula grade five ay nanatili akong tahimik at hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasabi na gusto ko siya. Walang ibang sino man ang nakakaalam na gusto ko siya maliban lang sa anino ko. Wala talaga. Paano ko sasabihin kay Gab, he's too out of my league. Kaya naiintindihan niyo naman siguro ako kung bakit sobrang gulat ako ngayong sinabi niya sa aking pupunta siya dito sa bahy, dahil sa tagal na naming magkakilala ay ngayon lang siya nagkainteres na pumunta dito.

Mas lalo pa akong kinabahan dahil wala sila mommy ngayon dito sa bahay. Umalis sila ni daddy para bumili ng piyesa ng nasirang sasakyan. Kapag nalaman kasi nila na may umaaligid o pumuporma sa akin ay paniguradong may gagawin na naman sila. Dati nga nahuli nilang may katext akong lalaki ay agad na nilang cinonfiscate yung phone ko, ano pa kaya kung makikita nila na may ibang lalaki dito sa bahay, di ba?

Okay. I understand why they confiscated my phone before. Elementary palang kasi ako noon. Pero duh, bakla yung katext ko noon at pinag-usapan lang naman namin yung surprise na ginawa namin para sa kaibigan ko noon. I didn't mind explaining dahil okay lang sa akin na mawalan ng phone dati.

So back to the story, naririnig ko na mula labas ang sasakyan. Siguro kay Gab yun kaya naman ngayon ay sinusubukan ko ng pakalmahin ang sarili ko.

Kalma, Maxie. Si Gab lang yan. Whooo!

Umasta akong cool lang ako sa mga nangyayari nang narinig ko ang pagkatok ni Gab sa gate. Dali-dali kong pinuntahan yun at agad na bumungad ang gwapong pagmumukha ni Gab. Nasa likod niya si Johanna na nakangisi.

Si Johanna ang boyish friend niya. Minsan, mas maangas pa yatang kumilos si Johanna kaysa sa mga lalaki niyang kaibigan eh.

Nakangiti siyang nakaharap sa akin.

GRABE. BAKIT GANITO? IS THIS A TRAP? ANONG IBIG SABIHIN NG MGA NGITI NIYA?  Pinalikod ko ang mga kamay ko and then I fidgeted my fingers. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ko siya.

Pinapasok ko siya sa loob at sumunod naman sa kanya si Johanna. Nakahanap ako ng upuan at doon ko sila pinaupo. Sakto na,ang naglabas ang kasama namin ng Juice.

"Hey uhh.. Maxie hindi ba tayo papasok?" Nabulunan ako sa iniinom kong juice dahil sa sinabi niyang yan. Gaga.

"Uy okay ka lang?" Nakangisi niyang tanong. I nodded while patting my chest. Oo nga kasi, bakit dito ko sila pinatuloy sa labas ng bahay. Ugh.

Tumango ako atsaka ko sila pinapasok. Okay. Siguro naman maiintindihan na nila mommy kapag naabutan nila si Gab dito, di ba? I think I'm old enough para mang entertain ng bisitang lalaki dito sa bahay.

Umupo ako sa couch and I gestured them to take a seat. Umupo si Gab sa tabi ko na naging dahilan ng pagtigil ng paghinga ko, I suddenly felt uncomfortable. "So Maxie, kumusta ka naman?" I blinked numerously dahil sa tanong niyang yan. Mangangamusta lang siya kaya siya pumunta dito? Siguro nga ganoon na talaga kapag sobrang gwapo at sa simpleng pangangamusta e para na akong nauubusan ng hininga.

TOTOO BA TO!!?

No. I smell something fishy here.

"I'm doing well. Yes, I am." I nodded and it seems like I'm just convincing myself. He glided himself para mas mapalapit sa kinauupuan ko. Hinawi niya ang buhok ko saka niya marahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. My eyes widened. "A-anong ginagawa mo?" I pulled myself bago pa maglapit ang mukha namin. Meanwhile, I can see Johanna in the corner of my eyes, pansin ko na pati siya ay gulat na gulat sa mga nangyayari. May narinig ako mula sa kanya. Hindi ko alam kung dahil natawa siya o dahil lang sa gulat yung nagawa niyang sound.

Agad-agad? Alam kong gusto ko si Gab pero napakabilis ng mga pangyayari. Like duh? Sino ba ang hindi magugulat sa ganitong sitwasyon? Pumunta lang naman crush mo sa bahay niyo para subuking halikan ka. What the hell? Buhay pa ba talaga ako?

May mali eh.

Kumunot ang noo ni Gab. Tumayo ako at lumipat ng upuan samantalang nagring naman ang phone ni Johanna na agad niyang sinagot. "Oh Gustin... Oo, kasama ko siya... Where? Sige. Hahabol kami. Bye."

"Gab tumawag si Gustin. Ang sabi--"

"Yeah, sure. Pupunta tayo." He rolled his eyes atsaka siya tumingin sa akin. Tinitignan niya lang ako pero wala siyang sinasabi. I take that as my cue. "Sure, sure. Basta you can drop by anytime you guys want." Okay, I lied. Tss.

Crazier ThingsWhere stories live. Discover now