3

24 0 0
                                    

The last thing on earth that I'd like to happen ay makatuluyan ang isang nilalang na hindi ko kakilala at hindi ko naman gusto.

"B-but mo--"

"Just it a try, Hija. Give Gustin a chance." Pagsusumbat ng mommy ni Johanna. Pagkarinig ko niyan ay bigla akong nagkaroon ng goosebumps.

Wala naman kaming malaking kumpanya para ipagkasundo ako nila mommy kay Gustin--whoever that is. Ganun na ba talaga kalapit ang parents namin na kahit pati kaming mga anak ay dapat magkatuluyan? Tsss.

Pagkatapos ng usapan kagabi ay sinubukan kong kausapin si Johanna pero mabilis ang mga galaw niya kaya naman hindi na ako nabigyan ng chance para lapitan siya. Talk about chances. Tss.

Nasa school na ako at sariwa parin sa akin ang mga nangyari kagabi. Umaasa akong haharapin na ako ni Johanna. Habang may klase ay nililingon ko si Johanna at binibigyan siya ng meaningful looks. Nang magring ang bell ay minadali kong puntahan si Johanna. Pero papalapit palang ako sa kanya ay agad na siyang tumakbo.

What the? Ano ba talaga ang tingin ng babaeng to, na nakikipaglaro ako? Pero dahil naiinis na ako ay hinabol ko na rin siya. Kahapon ay pinalampas ko ang pagkakataon para makausap siya. Pero ang takbuhan ako? I think there is something I need to know.

Ano, mga bata parin ba kami?

"Athea!" Nakita ko kasi si Athea sa dulo ng corridor. As usual, may dala nanaman siyang mga libro na mukhang nagsisilbing salbabida niya. Paano ba naman kasi, mukha na siyang nalulunod at tanging mga libro lang ang kinakapitan niya.

I motioned her to catch Johanna. Or maybe not. Basta gusto kong maharang niya si Johanna. So ganun na nga ang ginawa ni Athea. Hinarang niya si Johanna kaso nga lang hindi iyon naging successful dahil naitulak siya ni Johanna.

Nalaglag ang mga libro sa kamay ni Athea. Mukha namang hindi yun sinasadya ni Johanna pero matapos niyang titigan si Athea ay tumakbo ulit siya. Wow, I didn't expect that.

Tumakbo agad ako papunta kay Athea para tulungan siya. "Guys please. Alam niyo kahapon niyo pa ako pinepeste ha! Kung may mga problema kayo, please don't get me involved!" Iritable siya na inayos ang mga libro sa harap niya at tinulungan ko naman siya.

Natawa lang ako dahil sa mga sinabi niya. Bakit kasi siya magpapapeste, diba? Pero nagpapasalamat na rin ako dahil pinipili parin niyang gawin ang kung ano ang sinasabi sa kanya. Napakabait na bata.

Ugh, crud.

At ayun nga, sa halip na makatulong si Athea ay naging distraction pa siya para mahabol at makausap ko si Johanna.

Tumayo ako at pagkatayo ko ay naramdaman ko ang isang katawan na nabangga ko. "Sshhhiiit!" Wala na atang mas lulutong pa sa mura ng isang to. Hinarap ko kung sino man ang nabangga ko.

"G-Gab?" Natigilan ako dahil sa nakita ko. Umatras ako ng bahagya para palakihin ang distansya sa aming dalawa. Siya naman ay abala sa pagpipisil-pisil ng ilong niya na mukha ng na-dislocate pero hindi naman ito dumugo.

"Anong ginagawa mo dito?" Inayos ko kunwari ang uniform ko. "Because I saw you here at tutulungan sana kita kaso...." Kunot ang kanyang noo samantalang ang isang niyang kamay ay nakahawak sa bag niya at ang isa naman ay nasa loob na ng bulsa niya. Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya at tanging mga psh tsh pft lang ang naririnig ko. He's cursing.

"Just... Just forget it." Pagdaragdag niya. Umalis siya na parang tinahi na ang mga kilay niya at magkadikit ito. So yeah, naiwan lang ako doon na parang tanga. Pero syempre hindi ko pinahalata na shocked ako sa nangyari.

"Ito ba ang first time niyong mag-usap?" Athea just ruined the moment. Umiling lang ako. Pangalawa na to. Sa tagal naming magkaklase ni Gab, pangalawang beses palang niya akong kinausap, if you even consider it.

"Seryoso?! Ni ako nga hindi pa kinausap ng isang Gabino Samson kahit isang tanong man lang about physics or chemistry or calculus tapos ikaw... Maxie he almost helped me, I mean us!" Mukhang nao-overjoy na si Athea dahil sa weird gestures niya.

"Wait. Nagda-date ba kayo ni Gab?!" Hinarap ako ni Athea sa kanya habang hawak niya ang magkabilang braso ko. Tatango na sana ako kaso narealize ko na hindi ako nananaginip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crazier ThingsWhere stories live. Discover now