Lumipas na ang dalawang taon at hindi ako pinapansin ni Gab sa school. Okay, no biggie. Hindi naman talaga niya ako pinapansin noon pa. Hindi ko lang alam kung ano ang pumasok sa isipan niya dati at pumunta siya sa bahay.
Napagtripan siguro ako.
"Maxie thank goodness I found you here!" Naglakad papalapit sa akin si Athea dala ang napakaraming folders na mukha ng mahuhulog mula sa kamay niya dahil sa dami nito. Fourth year na kami at mukhang pursigido siyang maging class valedictorian kahit na alam naman ng lahat na kanyang-kanya lang ang trono.
"Kunin mo yung envelope na nasa pinakatuktok. Pinapabigay yan ni Johanna." Kinuha ko iyon at nagpasalamat kay Athea. Nakita ko ang isang malaking To Maxie sa cover ng envelope. My brows automatically furrowed. Napalingon naman ako kay Athea na mukhang nakikiusisa sa kung ano ang laman ng envelope.
She met my gaze at agad siyang tumingin sa iba. She cleared her throat. "Uhh see you around, Maxie." Mailang-ilang niyang sambit. Nginitian ko siya at tumango lang ako sa mga sinabi niya. Pumunta ako sa botanical garden at pinili kong umupo sa bakanteng bench doon.
Binuksan ko ang envelope.
Once it evolves, it is almost never lost.
What does it mean? At bakit kay Johanna pa ito nanggaling? My curiosity rose up at hindi ko namalayang naglalakad na pala ako para hanapin si Johanna. Pumunta ako sa classroom pero hindi ko siya nakita doon, wala ng tao nang makarating ako doon. Panigurado akong kasama na naman niya ang mga kaibigan niyang lalaki.
Bumaba at lumabas ako ng building. Naglakad ako pero this time, hindi ko na intensyong hanapin pa si Johanna kundi gusto ko nalang umuwi. Papunta na ako sa may gate nang biglang madaanan ng tingin ko si Johanna. I turned to her twice as if mirage lang niya ang nakikita ko.
Bakit ganon, kung kailan hindi mo na hinahanap ang isang bagay e saka naman ito sumusulpot.
"Johanna!" Kumaway atsaka ako naglakad papunta sa kanya. Siya naman ay umasta na parang hindi niya ako nakita atsaka siya lumiko. There must be something, I thought. Dahil sa ginawa niyang yun ay napatigil ako sa paglalakad.
Really? Akala niya hahabulin ko siya? Well, nagkakamali siya.
Kung ayaw niya akong kausapin, then fine. Tutal, marami pa namang araw para i-confront ko siya patungkol sa pinaabot niya kay Athea.
Tumuloy na ako palabas ng school nang biglang magring ang phone ko. Si mommy pala.
Mommy: Maxie? Nasan ka?
Me: School pa po, pero pauwi na ako.
Mommy: Good. Bilisan mo anak, 'wag kang magpapagabi.
Me: Okay po.As for mommy and daddy, for the past two years, hindi parin nagbago ang pagiging protective nila sa akin. Pero I think ramdam nila na tumatanda na ako. Hindi na nila ako nililimitahan tulad ng dati. In fact, sinabi nila sa akin noon na okay lang kung magkakaroon ako ng manliligaw, basta raw kilalanin ko ito at 'wag daw ako magpadalos-dalos sa mga desisyon ko.
Pagkarating ko sa bahay ay may nakita akong nakapark na sasakyan sa tapat ng bahay. Hindi naman ako informed na may bibisita pala sa amin ngayon. Nang mai- abot ko ang bayad ko sa taxi, bumaba na agad ako.
Nakita ko sa loob ang isang babae at isang lalaki na mukhang mag-asawa kasama si Johanna. Wait. What? Agad akong tumungo sa sala at pagkakita palang sa akin nila mommy ay agad na nila akong sinalubong.
"Narito na pala siya." Masayang bati ni mommy. Niyakap niya ako saka niya hinalikan ang forehead ko. Niyakap ko siya pabalik at pagkatapos ay ngumiti ako. Pinaupo ako nila mommy sa tabi nila at katapat namin ay ang parents ni Johanna.
Nang magmeet ang mga tingin namin ni Johanna ay bigla siyang ngumisi na agad ding nawala. What was that for? Really? "Napakagandang bata." Ani ng mommy ni Johanna. Biglang nag-init ang pisngi ko at napangiti nalang ako sa hiya.
"Alam mo ba kung bakit nandito ang ninang mo, Maxie?" Ninang? Bakit sa 16 years na pamumuhay ko e hindi man lang ako nakatanggap ng regalo galing sa kanila?
I shook my head. "Oh. Nandito sila dahil napagkasunduan namin na alam mo na, since matagal na kaming magkakilala nitong ninang mo, we've decided na kayo nalang na mga anak namin ang magkatuluyan."
"What? You mean Johanna?!" Nanlaki ang aking mga mata at napatayo ako, di ko rin namalayang naituro ko na pala si Johanna. Tumawa lang ang parents niya samantalang she just rolled her eyes. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Si Johanna ba talaga ang inirereto nila mommy sa akin?
"No, hija. I have a son. Johanna has a brother, si Gustin." Gustin? Familiar ang pangalan niya pero hindi ko na matandaan kung saan ko iyon narinig.
Nilingon ko sila mommy with another confusing look at nagawa lang nila akong ngitian. Somebody slap me! Nananaginip lang ata ako. "Yeah. Makikilala mo din siya soon." Mahinahong sabi ni mommy. NO WAY. AYAW KO.
YOU ARE READING
Crazier Things
Short StoryBaka naman binaliwala niyo lang ang mga senyales? Napansin niyo ang mga ito pero dahil hindi niyo kayang paniwalaan ay ipinaubaya niyo nalang sa tadhana kung paano matatapos ang istorya niyo.