Chapter 2: Transferring [1]

43 3 0
                                    

Gusto ni papa na matulog ako kaso ayoko pa. Ang ganda kasi ng cartoons na pinapanood ko eh.

"Matulog ka na" medyo malumanay nyang sabi pero bakas ang tono na parang na-iinis? Ay.ewan.

"nanood pa po ako, ayoko pa po matulog" medyo nagmamaka-awa kong sabi.

"Osige.pag balik ko dapat tulog ka ha?" sabi nya. saan naman kaya sya pupunta? Siguro mag lalaro na naman sila ng ka-tropa nya. yung may bayaran? "opo" sagot ko bago sya umalis.

Nahiga ako sa couch dito sa sala habang nanonood.Ayaw ko talaga matulog. Hindi naman ako inaantok eh.

After 20 minutes..

Gising pa din ako.. hindi talaga ako makatulog.

*booooogsh* bumukas yung pinto!

shems. andito na agad-agad si papa? pinikit ko agad mata ko para kunyari tulog ako pero..

D___________________O

"wag ka na magtulog tulugan jan, anong sabi ko sayo? diba MATULOG KA" hanla. medyo tumataas yung boses ni papa. nakakatakot. Ano kayang nangyari?bakit ang init na naman ng ulo nya? Natatakot na talaga ako. Mas ipinikit ko pa yung mata ko tapos pinipilit ko yung sarili ko na matulog. Natatakot talaga ako. Sana hindi nya ako saktan.

"HOY BUMANGON KA NGA DYAN" sigaw nya. Help me. kinakabahan na talaga ako. Hindi parin ako gumalaw.

but, hinila ni papa yung kamay ko dahilan para mapatayo at mapaluha ako ng tuluyan.

"Anong sabi ko sayo? diba sabi ko matulog ka na? pu********a naman oh. Ayaw mo ba talaga ako sundin ha? kung ayaw mo lumayas ka dito!" Gash. Kinder lang ako KINDER. ganyan na agad sya saakin? Hindi ba nya naiisip na nasasaktan ako? Ang sakit kaya ng pagkaka hawak nya sa kamay ko.

Kasunod ng mga salitang iyon ay ang pag bitaw nya sa akin at siya ay kumuha ng damit,

(O.O)

Damit?

Teka, damit ko yun ah? at may bag pa!

Sumunod ako sa kanya habang umiiyak ako.

"P-p-pa *hik*"

"Ayaw mo kong sundin diba? lumayas ka dito" sigaw nya. "Pa..*hik* tutulog na ako pa.." iyak lang ako ng iyak hanggang sa matapos sya sa pag lalagay ng damit sa bag.Kinuha nya yung wallet nya tapos hinagisan nya ako ng pera.

Ganito ba talaga ang isang ama? o sadyang sya lang ang ganyan? hindi ko na ata kaya. feeling ko mahihimatay na ako.sarili kong ama, pinapalayas ako. at ang masaklap hindi sa kanya ang bahay na ito, bahay ito ng mama ko! hindi nya bahay to!

Nagulat nalang ako ng bigla nya ako hinila. Di ko namalayan na napulot nya na pala yung mga perang hinagis nya saakin. naka lagay na din ito sa bag ko.

Ang sakit lang talaga isipin na sarili kong ama, sinasaktan at pinapalayas ako.

"diba ayaw mong sumunod!? umalis ka dito, kung hindi kakaladkarin kita palabas!" singhal nya.

Parang gusto ko syang sagutin nung mga oras na yon. ganito na ba talaga sya kahit noong bata sya.

I stayed. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. he can't resist me. I know that. Anak nya ako.

but, bakit ganon? kinaladkad nya ako palabas ng bahay. Tinutulak nya ako papuntang gate, nung malapit na ako sa gate binitawan nya na ako at pumasok sa bahay.

Ouch.

hindi. hindi ako aalis. bata pa ako. Wala pa akong alam sa mundo. Sa mga bagay bagay. Hindi. Hindi ako aalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Past [ O N H O L D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon