Ano na nga bang pipiliin ko? Ang umatras o dumertsyo sa kinaroroonan mo?
Hindi ko maitatanging natatakot ako,
Baka kasi sa oras na sumunod ako'y hindi na ako ang laman ng puso mo.Aatras na nga lang ba ako?
Pipiliing umalis nalamang sa buhay mo.
Iiwasang masaktan ang puso ko, At hahayaang ika'y makahanap ng bago.O, didiretsyo ako sa kinaroroonan mo,
At sasabihing ganoon rin ang nararamdaman ko.
Susugal at walang ideya kung mananalo o matatalo,
Basta malaman mo lang na ikaw din ay mahal ko.Ang isip ko'y gulong-gulo,
Tatahakin ba ang kalsadang ito?
O uuwi nalamang ba ako?Ano na nga bang pipiliin ko?
Dahil parang wala namang kasiguraduhan ito.Sanay malaman mo,
Kahit mag panggap man ako.
Kahit hindi man ako tumingin sa mga mata mo.
Kahit hindi man ako magsalita sa harapan mo.
Kahit ano pang gawin at pagtatago.
At kahit bali-baliktarin man ang mundo.
Ikaw parin ang iniisip at nilalalaman ng traydor kong puso.(Poet's note: Hi! Thank you for reading my not so good poem. Hehez! Votes and Comments are highly appreaciated.)
YOU ARE READING
"NOBODY'S COMPILATION"
PoetryMga katagang galing sa malilikot na imahinasyon, Ang iila'y galing sa mga pag subok ng panginoon. At ang iba'y sadyang pinag tipon-tipon, Upang maka-buo ng piyesang pwedeng gawing inspirasyon. --- Hello! I hope the poetry lovers will appreaciate an...