Kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan,
Ay ang iyong tuluyang pag lisan.
Ako ngayo'y iyong tinalikuran,
At iniwang umiiyak sa kawalan.Kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan ay ang pag agos ng aking mga luha,
Kasama ang mga pangako'ng puro lamang salita.
Tunay nga'ng magaling ka lamang sa simula,
At kapag napalagay na'y iiwan nalamang bigla.
Kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan ay ang pag bitaw na sinta,
Hindi na muli pang aasa.
Ayaw ko nang masaktan pa,
Kung kaya't ang mainam ay palayain ka na.Kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan ay ang pag tangap na wala ka na,
At hinding hindi na babalik pa.Kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan ang pangako'ng puso'y iingatan na,
Sapagkat ayoko ng muling mabuhay at mamatay pa sa mga matatamis lamang na salita.
![](https://img.wattpad.com/cover/84664922-288-k949803.jpg)
YOU ARE READING
"NOBODY'S COMPILATION"
PoesíaMga katagang galing sa malilikot na imahinasyon, Ang iila'y galing sa mga pag subok ng panginoon. At ang iba'y sadyang pinag tipon-tipon, Upang maka-buo ng piyesang pwedeng gawing inspirasyon. --- Hello! I hope the poetry lovers will appreaciate an...