Itigil na

2 0 0
                                    

Tumigil, itigil, tigil tigilan mo na,
Tama na ang pag papaka tanga.
Tangapin mo na ang realidad na hindi ka na niya mamahalin pa,
Kung kaya't umusad kana.

Hindi na siya katulad nang pagkaka kilala mo sa kanya,
Wala na ang ningning sa kanyang mga mata.
Unti unti na siyang nanlalamig diba?
Ipinaparamdam na niya sayong hindi kana mahalaga.

Tama na ang pag asa sa mga "baka",
Baka sakaling babalik pa ang dating siya,
Baka napagod lang siya't nag papahinga,
Baka marami lang siyang ginagawa't nagiging hadlang ka,
Baka kaylangan nya lang ng oras para sa sarili niya,
At ang pinaka huli'y baka pag tapos ng lahat ng baka sakaling iyon ay matagpuan niya ang daan pabalik sayo at matauhan pa.

Ngunit paano kung wala na talaga?
Aasa ka pa rin ba kahit ang sakit sakit na?
Magkano ba ang sweldo sa pagiging tanga?
Nagiging masaya ka pa ba?
Tanungin mo ang iyong sarili't mag nilay-nilay ka.
At kung alam mo na ang sagot sa mga ito'y gumising kana,
Tumigil, itigil, tigil tigilan mo na ang pag mamahal sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"NOBODY'S COMPILATION"Where stories live. Discover now