*The next day*
"Ash ang ganda mo ngayon ah!"
"Psh. Dati pa noh!"
"Wow Blooming!"
"Tse! Tigilan nyo 'ko!"
Trip ako ng dalawang kaibigan kong 'to ah.
"Ash, una ka na sa room. Bibili lang kami ng pagkain sa canteen."
"Okay"
Naglalakad ako sa hallway nang biglang..
"Ouch! wth?!"
Nadulas lang naman ako sa hallway.
Bakit ang dulas dito? Parang sinadya na lagyan ng mantika eh.
Ouch. My butt hurts like hell!
And now I think I know na kung sino ang gumawa nito. Sya lang naman ang may lakas loob na kalabanin ako sa school na 'to eh.
I hate that guy so much!
Tumayo ako at sa ibang way dumaan. Kainis talagaaaa -__-
Naglalakad ako sa ground at biglang may bumagsak na tubig galing sa itaas. Tapos sinundan pa ng harina.
Aaarrrggghh! Bwiset!
Bwisit ka talagang Mayabang na Lalaki ka! Humanda ka sakin!
umakyat ako sa classroom na ganito ang itsura ko.
Padabog kong binuksan ang pintuan ng classroom namin.
"omg! Ash, what happened to you?"
tanong ni Stacia at Gen.
Dire-diretso lang akong pumasok at lumapit sa upuan ni Yabang.
Hinila ko sya sa buhok patayo.
"aray! aray! anu ba! wag mo hawakan buhok ko!" pagrereklamo nya.
"Bwisit kang lalaki ka! Punong-puno na ko sayo ah! Arrgghh! I hate you!"
"Bitawan mo nga ako! aray! wala akong alam sa sinasabi mo"
"Ikaw gumawa sakin nito bwisit ka!"
"anuba! aww. hindi nga sabi!"
"Ikaw! Wag ka na mag-deny!"
Nagulat ako sa ginawa nya at hindi na nakaimik.
Kasi...
Niyakap nya ako.
Nag-sigawan ang mga kaklase ko at tinutukso kami. Ang ingay.
Hinubad nya yung coat nya tapos nilagay nya sa likod ko.
"Sinabi ko naman kasi sayo, hindi nga ako ang gumawa nyan."
Sabi nya ng mahinahon.
nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at binulong na..
"bakat Bra mo Edeline"
"You! Pervert!"
"Halika na samahan na kita sa locker room"
Bago pa ako makapag-salita ay hinawakan na nya ang kamay ko at hinila palabas.
Bakit...
Ang lakas ng tibok ng puso ko?
Tsaka bakit parang umiinit yata mukha ko?
Sh*t bakit ganito? may sakit yata ako?
BINABASA MO ANG
Officially Inlove
Teen FictionHigh School Life Ayan na siguro ang pinaka-masaya sa lahat. Dahil dyan tayo nakakagawa ng iba't- ibang kalokohan kasama ng ating mga kaibigan. Ashanta Edeline Villarama. Magulo, maingay, pasaway, walang galang, bully. Ganyan sya kung ilarawan ng mga...