CHAPTER 4

26 1 2
                                    

Sinamahan nga nya ako pumunta ng locker room para kumuha ng uniform.

Hinintay nya rin ako sa labas ng CR.

"Hey! Salamat ah.."

Teka hindi ko pa pala alam pangalan nitong lalaking 'to.

"Oy ano nga pala pangalan mo?"

"Riley Liam Rochefort"

"Ahh.. Ok"

*awkward silence*

"Sa tingin mo, sino ang maglalakas loob na gumawa nito sakin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa classroom.

"bakit ako tinatanong mo? tss."

ayos din 'tong lalaking 'to eh 'noh.

yabang talaga eh.

"eto naman oh. Aish"

"Mind your own business"

Ayos talaga 'tong lalaking 'to eh.

Binilisan nya ang lakad nya at hindi na ako hinintay. Bwisit

Pero sa totoo lang..

iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya.

Parang..

matagal ko na syang kilala.

"Good morning ma'am"

Bati ko sa teacher namin pagpasok ko sa classroom.

"Good morning Ms. Ashanta, you may now take your seat."

Umupo na ako sa upuan ko at dinaldal kagad ako ng aking dalawang kaibigan.

"hoy Ash, bakit ang tagal nyo ni Riley?" -Stacia

"Oo nga Ash. Tsaka bakit hindi kayo magkasabay bumalik?" -Gen

"So?" yan lang sagot ko sa kanila.

"sungit neto" sabay nilang sabi.

natulog nalang ako.

---

pagkagising ko, ako nalang ang tao sa room. Uwian na pala

may sticky note na nakadikit sa desk ko.

"hey sleepy head, akyat ka sa rooftop. I'll wait for you"

Sino naman kaya naglagay nito dito?

Tumayo ako at sinuklay ang buhok ko.

Paglabas ko ng classroom,

may mga studyante na may hawak na Pink roses.

So anung meron? Valentine's Day na ba? Hindi pa naman eh.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng biglang may nag-abot sa kin ng Isang pink na rose.

may note na nakasabit at ang nakalagay ay,

"hey"

tapos may sumunod ulit na nagbigay, may note na naman.

"babaeng maldita"

alam ko na kung sino ang may pakana nito.

"may sasabihin ako sa'yo"

"pero bago yan, akyat ka muna dito sa rooftop"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Officially InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon