Ruffa's POV
"Ruffa! Gising naaaaaa!!" ugh! Boses ni mommy. Ano ba naman yan. Antok na antok pa ko.
"5 minutes!" sigaw ko. Nakakapagod yung trip namin kagabi. Shems. Hiking dito, punta sa Vigan. Punta sa Cavite. Hys.
Ang haba ng vacation. Nakakamiss na ding pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase ko, yung lessons, profs. Char! Hahaha.
Ayan di na ko nakatulog. No choice babangon na ko.
Tumayo na ko sa higaan ko at kinuha yung phone ko. At tama nga ako, may mga texts ang tropa.
From: Meg
Its so nice to see you again guys. Sa uulitin!
///Goodmorning. Jwu. Text text text? g-xxVacation<3Kakagising lang din niya? Nyahaha. Pero enjoy talaga 2 days vacation sa Vigan at Cavite. Sana may susunod na!! Ahihihi. Nang maka move on na ko kay -- ay may text din pala si Cel.
From: Celline
Red for now <3 Geez nuts. I love that bloody red *heart eyes*
-
Good morning! Hallo! Shopping shopping shopping! Yiiie. Off. G./butlovinghimwasREDAng fashionistang si Cel naman o. Ang aga aga mag shopping. Wait! Anong oras na ba?
10:30 am
"Ahhhhhh!!"
"Oh bakit baby! Anong problema?" sabi ni Mama.
"Ay wala po 10:30 na pala hehe."
"Tss. Kala ko napano ka na e. Sus. Manuod ka na ng Doraemon!" eto talagang si Mama. Hys. Hahaha. Sorry napatili ako hehe. Kasi e, doraemon na. Fav cartoon ko yun!
Binilisan ko na yung pagbaba ko sa baba. Alam mo namang sa taas ako bababa diba? Jongkis. ^_^
Di kase nakacable yung tv ko sa kwarto e. Yung nasa sala lang. Alam mo na? PoorKid.
"Oy! Panget! Wag mo ngang ilipat! Nanunuod ako oh?" kapatid ko. Hay. Lagi nalang. Routine na yata namin to eh.
Ang panget kaya ng basketball, Tss. Pagpapasapahan yung bola, tapos ano pag malapit ng ma-outside. Wala nang kukuha. Pag ka nasaktan na, walang aamin, magtuturuturuan pa. Tss.
"Doraemon naaa! Panget panget niyan eh. Kasing panget mo!" sabi ko sabay kuha ng remote sa kapatid kong si KingKong. Este Jaycee.
"Akin na yang remote!" pilit niyang kinukuha sakin. Tumakbo ako sa kusina at naghabulan kami.
"Hahaha! Belat. Di ako mahabol!" pang-aalaska ko kay Jaycee.
"Kala mo ha? Ayan nako!" sabi niya at binilisan ang lakad.
Namiss ko 'tong kapatid ko na 'to sobra! Minsan nalang kase siya nauwi sa bahay e. Lagi siyang nasa condo niya. Btw, 16 years old na nga pala siya. Lalaki sya. Trying hard to be independent ang peg niya nyahaha.
"Hahaha! Ang bagal bagal mo Jay--"
"Ahhh! Your so clumsy, Ruffa!" sigaw ni grandma. Dahil nabunggo ko siya at tumapon yung kape niya sa damit niya.
"O-oh." singit ni Jaycee sabay ngiting nakakaloko sakin. Pumunta siya sa gawi ko at kinuha yung remote na hawak ko.
"Sis, lasapin mo ang sermon ni Grandma. Haha." bulong niya sakin. Ugh!
Papagalitan na naman ako. Lagot ka sakin, Jaycee!
"I'm sorry grandma. I don't mean it." sabi ko sabay yuko.
"You don't mean it? Wow! Ruffa! You're turning 20 this coming October! Act your age please?!" sabi niya.
Lagi nalang. Laging ako nalang ang mali. Ano bang nagawa ko sa kanya? Natapunan ng kape, obviuosly. Pero lagi siyang ganyan e. Laging ganyan yung pakikitungo niya sakin. Ayaw ba niya sakin?

YOU ARE READING
Game Of Death
HorrorAng kwento na 'to ay kwento ng mag totropang kung tawagin ay 'Leviosa Team' na binubuo nila Celline, Xyrus, Meg, Roxy, Elton, Louise, Kassy, Gregor, Avery, Cam, Ruffa, Erwin at Leanne. Mga adventorous silang lahat. Yung tipong kahit kasuluksulukan...