Game #3

4 0 0
                                    

Hello guys! :) Kung atat na atat na kayo sa horror scene, malapit na siya. Sa Game #6  umpisa na ng kanilang paglalakbay sa Mansion ng mga Grangers. Makatakas kaya sila sa Game of Death?
And also, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! :* sana sabihin niyo din sa mga kakilala nyo na nagwawattpad na basahin 'to. Thankyou! Mwaah. 💋

~~~
Habang nasa sasakyan ako ni Cam, wala akong ginawa kundi umiyak. Habang siya naman sabi ng sabi sakin na patawarin ko na sila.

Paano? Paano ko sila mapapatawad kung nilihim nila ang lahat sakin? Feeling ko pinagtaksilan ako e. Siguro mapapatawad ko sila sa tamang panahon.

"Ruff, kanina ka pa iyak ng iyak diyan! Baka madehydrate ka." sabi niya sabay tapon ng tingin sakin at tingin uli sa daan.

Di ko na lang siya pinansin.

"Bes, promise. Nag-aalala na ko sayo. Tumahan ka na okay? Malapit na tayo sa bahay namin. Baka makita ka nila Ti-- ay nevermind." sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.

"Baka makita ako nila Ti?? Who's ti?" tanong ko. Ti? Hays.

"Ah eh. Wala wala yon. Sige na, tuloy mo na yung pagdadrama mo." sabi niya sabay kamot ng ulo.

Hays. Yamo na nga. Tumigil na ko sa kakaiyak. Na labas ko naman na lahat. Reklamo nga ng reklamo tong si Cam dahil naubos ko na daw yung tissue niya.

"Bes, dito na tayo."

Pinunasan ko yung mga luha ko sa pisngi ko gamit ang natitirang tissue ni Cam. Tumingin ako sa window ng car niya at nandito na nga kame sa kanila.

Naunang bumaba si Cam at sumunod na din ako.

Ayoko namang maiwan dito sa kotse. Sawa na kong iwan. Iwan ng mga taong minahal ko ng buong buo. Iwan ng mga taong mahalaga sakin.

"Bes, pasok ka na sa loob. May tatawagan lang ako." sabi ni Cam.

"Wala ba sila Tito at Tita?" pagtatanong ko sa kanya.

Nakakahiya kasing pumasok. Kahit na, anak na din ang turing sakin ng Mom and Dad ni Cam.

"Don't worry. Wala sila. Si Mom, may seminar sa Baguio. Si Dad, nasa company."
sabi niya.

"Sige." tugon ko. At pumasok na sa bahay nila.

Nakakamiss yung bahay nila Cam. Ang huli ko yatang punta ko dito nung birthday ni Tita Noreen -mommy ni Cam. Nilibot ko muna yung sala nila at tumingin tingin sa picture frames.

Pero may isang pumukaw ng attention ko, isang sticky note na nasa picture ni Cam nung nasa Cavite kami.

Kinuha ko 'to at binasa.

Handa ka na ba sa kamatayan mo?
-GoD
Mabilis ko itong nabitawan. Dahil sa nabasa ko.

Kamatayan? GoD?

What is the meaning of this? Muli kong kinuha yung sulat. Ngayon ko lang napansin na dugo ang ginamit sa pagsulat dito.

Ohmygod! Totoo kaya 'to? Anong gagawin ko? Di pa naman ako sure e. Sasabihin ko ba kay Cam?

"Stay calm, Ruffa. Prank lang siguro 'to." pagsasalita ko sa sarili ko.

"Ruffa! Nasan ka?" boses ni Cam.

Mabilis kong tiniklop yung papel at sinuksok sa bulsa ko.

"Nandyan ka lang pala! Tss." sabi uli ni Cam at punas ng pawis niya sa noo niya.

"Uhm, bakit?" sabi ko. Mukha kasing kinakabahan yung itsura ni Cam e.

"Wala, tara muna't umupo." sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game Of DeathWhere stories live. Discover now