Chapter 1

86 6 1
                                    

Chapter 1

"... you need to multiply the first variable here to the first variable here. Then the second variable to second variable. The answer now is ab plus ab..."

Nagpatuloy ako sa pagtuturo ng factoring kay Kris, pamangkin ni Mr. Zarate, kahit na alam kong nakatitig lang siya. Nakakailang pero kaya pa naman pagtyagaan.

"Ah, ma'am?" Tawag sa'kin ni Kris habang nagkakamot ng ulo.

"Yes?" Nakangiting sagot ko. Ngumuso siya at tinuro ang no. 5 sa seatwork na pinasasagutan ko sa kanya.

5. (x+5)(x-3)

"Paano po 'to? Tinuro niyo lang po yung parehong addition." Sabi niya kaya natawa ako ng mahina. Tinuruan ko siya kung paano iyon gawin.

"I-multiply mo muna ang dalawang x tulad ng kanina, tapos five times negative three is negative fifteen. Then, x times negative 3 is?" Tinanong ko muna siya bago magpatuloy para malaman kong may naintindihan siya sa ibang pinag-aralan namin.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya na parang nag-iisip. Humahaba din ang nguso niya sa matinding pag-iisip. Napatitig lang ako dahil kamukha niya si Christian. Eart to Ley! Gumising ka! Nasa trabaho ka!

"Negative 3x, Ma'am!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Kris. Napansin niya iyon kaya bigla siyang nagpeace sign. Natawa na lang ako.

"Tama, negative 3x tapos five times x?" Tanong ko ulit. Ngumiti nang matamis si Kris.

"5x!" Masayang sagot niya. Tumango-tango ulit ako at nagkunwaring akong maayos kahit na nakita kong papalapit na si Christian.

"Uh-huh. Then add 3x and 5x equals 8x. So ang magiging sagot niya ay?"

"x²+8x-15!" Sinulat ni Kris ang sagot niya kasabay ng maupo si Christian sa tabi namin.

"Kris, it's already 5pm. Miss Laetitia needs to go home." Oh? Ala-sinco na pala? Hindi ko napansin ang oras.

"Pero Tito, hanggang seven pa 'tong sasagutan ko." Sagot ni Kris. Napatingin naman sa'kin si Christian na parang humihingi ng tulong.

Ngumiti ako kay Kris, "assignment mo na lang ang number 6 at 7. Kumuha ka din naman ng notes kaya masasagutan mo naman diba? Madali lang naman 'yan."

Nagpout siya pero tumango din, "bye, Ma'am Ley."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Tsaka ako tumingin kay Mr. Zarate. Automatic na tumambol ang puso ko nang makita ko siyang nakatingin sa'kin. Seryoso ang mga mata niya pero kaakit-akit pa rin.

"Hatid na kita." Sabi niya pero agad akong umiling.

"'Wag na. May susundo naman sa'kin tsaka nakakahiya." Sagot ko at matipid na ngumiti. Tumango-tango naman siya.

"Okay." Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin at halikan ako sa pisngi, "take care."

Natahimik ako at walang nagawa kundi tumango na lang. Tumalikod na ko at lumabas na ng mansion. Bumuntong hininga ako. C'mon, Ley! It's just a kiss! A friendly kiss! 'Wag kang umasa d'yan! Sinapo ko ang noo ko nang makalabas ako ng gate, ni hindi ko napansin ang asul na Chevy nakaparada sa tabi ko.

"Ley..." Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Si Ash. Ngumiti ako sa kanya.

"Halika na? Naghihintay na si Shane sa apartment niyo." Nakangiting saad niya at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok agad ako at nag-seatbelt. Nagsimula nang umandar ang kotse niya at tahimik kami hanggang sa makarating sa apartment.

--

Pinarada na ni Asher ang kotse niya sa tapat ng apartment niya. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at handa ng lumabas nang pigilan ako ni Ash. Napatingin ako sa kanya and his eyes were pleading.

Bumuntong hininga ako, "Ash, hindi na magbabago isip ko."

"Wala na ba akong magagawa?" Pagmamakaawa niya. Umiling ako.

"Ash, you know I like somebody else and besides nililigawan mo na si Shane." Sagot ko. I think that's why I'm awkward with him.

He sighed, "right. Forgot what I've said."

Nginitian ko lang siya ng malungkot at lumabas na ng kotse niya. Narinig ko din ang pagbukas-sara ng pintuan sa may gawi niya. Hinarap ko siya.

"Gusto mo bang pumasok sa loob? Matutuwa si Shane kapag nakita ka." Nakangiting aya ko sa kanya. He politely shake his head.

"No need. Kailangan ko pa din naman na ayusin ang lesson plan ko bukas." Sagot niya kaya tumango ako.

"Okay. Mag-ingat ka." Sabi ko at ngumiti siya sa'kin bago pumasok ulit sa kanyang Chevy at umalis na.

I was about to go inside when my phone rang. And I can't help but to feel nervous when I saw the caller's ID. I swallowed the lump on my throat before answering the call.

"Hello?"

"Laetitia..." Malamig na boses ang sumalubong sa akin sa kabilang linya. Boses na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"I'm inviting you tomorrow in our house..."

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm in love with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon