Introduction

40 4 2
                                    

GENERAL POV
Sa isang kwarto sa dulong pasilyo ng maliit na gusali ng paaralan, bandang alas-dos ng hapon, mauulinigan ang samu't saring kaguluhan na nililikha ng mga estudyanteng nasa ika-siyam na baitang, palibhasa ay wala ang gurong dapat tagasubaysabay ng klaseng ito nang mga oras na iyon kaya't malayang nagkakaingay ang section Parker ng grade 9.

May makikitang nagse-cellphone, nagsa-sountrip, kumakain, nagbabasa, natutulog at meron pa ngang nagbabatukan. Tipikal na kaganapan sa isang silid ng paaralan.

Maya-maya pa ay may isang guro, katamtaman ang laki at itsura, at halata ang pagiging bagong karanasan sa larangan ng pagtuturo, ang kumakatok sa nakabukas na pinto sa gilid. Pansin ang bahagyang pagkairita sa maamo nitong mukha dulot ng komosyong nanggagaling sa kwartong kinakatok nya ngayon.

"Mga anak, pwede bang pakihinaan ang mga boses nyo? May nagka-klase sa kabila eh. Nakakaistorbo kayo sa klase namin." Pakiusap ng guro na bahagyang nakasilip sa bungad ng pinto.

"HOY! MAGSITAHIMIK DAW KAYO OH!" pahiyaw na bawal ni Rickmar.

"Oo nga may nagka klase eh." Segunda naman ni Raymond. Ang dalawa sa pinakamagulo sa klase.

Saglit na tatahimik at may sisibalik sa kanya-kanyang upuan ang bawat isa. Tahimik na nagtitinginan na pawang nag-uusap sa pamamagitan ng mata.

Pagkaalis ng guro. Makaraan ang dalawang minuto, nagkanya-kanya na naman at balik sa pinagkaka-abalahanan. Nagkakaingay na naman sila.

==============================

"Hoy p*******mo Balat! suntukan daw kayo ni Rasco!"  malakas na sabi ni Vinn.

=============================

"Oy Giovanni, may gusto daw sayo si Allyson yung sa section 1. Uy maganda yun ah, ligawan mo na" tukso ni Josh.

"Oo nga. Dami pa lang binasted nun para lang sayo. Uyyyyy!" Pakikisali naman ni M.A(Michael Angelo) sa usapan.

•Oo mga tsismoso sila -_-•

"Study first muna ako." Sagot naman ni Giovanni

===============================

"Alam mo ba yung pak ganern? Laro nga tayo." Pag-aaya ni James Marvin sa mga kaibigan nyang sina Jamie at Jessa.

"Hu! Ayoko nakakahiya." Sagot naman ng mahinhing si Jessa.

"Napaka mo naman friend! Dali na kearte-arte" hinaltak naman ni Jamie si Jessa kaya nahulog ito sa armchair.

==============================

"I want you to stay,never go away from me...stay foreveeeeer!!" Mala-concert naman na kanta ni Angeline. Todo palakpak naman ang mga ka "squad" nito. Si Alyssa,Jian at Karylle.

"Ang galing!!! Pwede ka nang maging dancer bes!!!" Pumapalakpak pang sigaw ni Karylle. May pagka sarcasm nyang sabi.

"Hahaha okie na okie na!!!" Suporta ni Jian.

"Mas mainam sumayaw ka na lang Angeline." Pang-ookray naman ni Alyssa.

==============================

Sa bungad naman ng pinto makikita ang dalawang naghahatakan.

"Dali na samahan mo na akong bumili sa canteen." Paghahatak ni Danica kay Alyanna.

"Ayoko mainit saka malayo! Nakakatamad maglakad" pagtanggi naman ng huli.

"Libre kita." Labag sa loob na aya muli ni Nica.

*kroo kroo*

"Saang canteen ka nga ulit bibili?" Biglang bawi ni Alyanna. At nauna pa itong lumabas sa pinto.

=============================

Sa isang sulok ng kwarto. Nakangiting nagmamasid ang taong iyon. Tila ba may naiisip na konkretong plano.

"Ganyan nga magpakasaya pa kayo. Tingan ko lang kung magawa nyo pa yan bukas..." mababanaag ang kasiyahan sa tono nito at isinalpak nang muli ang earphones sa kanyang tenga.

Kinabukasan...

Maaga pa'y tambay na sa canteen ang magkakaibigang. Jessa, Fatima, Alyssa, Jamie, Christine, Jian, Lody, Angeline, Danica, Alyanna, Karylle.  magkakakaibigan silang lahat dahil silang onse lang naman ang babae sa 36 na magkakaklase.

"Guys may assignment ba tayo ngayon?" JAMIE.

"Meron yung sa A.Pan natin. Yung supply chuchu ba yun." sagot naman ni Jian habang kumakain ng cheese stick na nalulunod sa ketchup.

Sabay-sabay namang nagreact si Fatima, Lody, Alyanna sa narinig.

"Ay oo nga pala. Nica pahiram nga nung notebook mo. Pakopya ako ah."FATIMA

"Ako rin hahaha"LODY at ALYANNA.

"Oh ayan na. 7:30 pa lang naman. May isang oras pa kayo para magsulat." DANICA

"Oh Ine. Hindi ka rin ba manghihiram?" Tanong ni Angeline kay Christine.

"Mamaya na. 1pm pa naman yung klase natin dun eh." Sagot ng huli.

"Late ka ata ngayon?" Baling ni Jian sa bagong dating na si James Marvin.

"Naglakad lang kasi ako teh. Penge ah" sabay kuha sa cheese stick ni Jian.
"Ano to sinigang?! Grabe sa ketchup ah"

"Arte tss"
"Oh andyan ka pala? Aray!" Baling naman sa katabing si Alyssa. Sinapak naman ito ng huli. Mag bestfriend kasi ang dalawa. Kaya "normal" na ang magbarahan at magpisikalan sa dalawa.

================================

Samantala sa isang canteen,katapat mismo ng canteen kung saan tambay ang mga kababaihan,ay pawang grupo naman ng mga kalalakihan ang nag-uusap usap.

"Ang dapat dyan brad, hinihiwalayan na. Tingnan mo nga, di ka nire-replyan kahit naka-online naman sya. Gaano katindi di'ba?"  Payo ni Jhuco sa kaibigan nyang si MA (Michael Angelo) Dahil namomroblema na naman ito sa girlfriend nya.

"Naku oo nga. Ke lalaki mong tao, babae pa nagpapaiyak sayo."segunda pa ni Kevin.

"Ang tunay na lalaking nagmamahal, iniiyakan ang girlfriend. Palibhasa mga playboy kayo kaya di nyo na alam ang tunay na pagmamahal." Tanggol naman ni MA sa sarili.

"Hindi naman kami aabot sa ganito kung hindi nila kami niloko sa umpisa eh. Laruan lang sila para satin. At ganun din tayo sa kanila,mga prince charming na dapat lahat ng ideal at #RelationshipGoals lang ang habol nila satin. Fairytales doesn't exist neither do happy endings! Walang Forever." Bitter na pagkakasabi ni Jasper. Gwapo pero laging bigo sa pag-ibig.

"#HUGOOOT!!!"  sabay-sabay na wika ng ibang kalalakihan maliban kay MA at Jasper.  "Tag ko na ba bes?" Gatol naman ni Sherwin.

"Guys punta lang ako sa quarters namin saglit ah." Paalam ni Carlo sa mga kaibigan.


===============================

Sa quarters ng Volleyball boys ...

Pasipol-sipol pa na dumating si Carlo papunta sa kanyang locker para kuhanin ang kanyang supporter dahil hindi pa ganap na magaling ang injury nya sa kanang bahagi ng paa.

"Hindi pa ba ayos yung paa mo? Ilang araw na yan ah" 

"Nagbasketball pa kasi kami nung isang araw kaya nabinat. Bakit ka nga pala di sumali nun? Eh sayang  nakalaban pa naman namin yung mga SPA." sagot naman ni Carlo sa kausap habang hinahalungkat ang mga gamit sa loob ng locker. "Aishh saan ko ba nailagay yun supporter ko?"

"May inasikaso lang kasi ako nung araw na iyon. May pinaghahandaan kasi akong laro."

"Eh matagal pa naman yung Division Meet ah. Anong laro ba yan?"Tanong nya bago isara ang locker. At humarap sa kausap. Naalala nya kasi na pinahiram nya kay Andrei ang supporter nya.

"Ako mismo ang gumawa. Simple lang naman ang mechanics. Bawal pumikit dahil baka hindi ka na makadilat pa." Nakangising sagot nito.

"Galing mo tol. Bilib na talaga ako sayo. Anong laro nga yan?"

"Laro ng...











...kamatayan."

SECTION PARKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon