Double Kill

16 1 0
                                    

Chapter Two: Double Kill

GENERAL POV

Matapos nga na matagpuang walang buhay ang katawan ni Carlo ay napagdesisyunan ng Faculty members at maging Principal na gawing lihim upang hindi madungisan ang pangalan ng paaralan. Dahil nga isa sa top schools ang J.Liwag Highschool, hangga't maaari ay ayaw masira ng principal ang impression dito.

Samantala, tila dinaanan ng masamang hangin ang silid kung saan naroon ang Section Parker. Mga tahimik ito at tila ba'y may iniisip na malalim. Gaya ng nakasanayan, wala ang guro nila sa nasabing klase dahil may meeting na naman ito.

"Tingin nyo, sino gumawa nun kay Carlo?" basag sa katahimikan ni Angel.

"Hindi ko alam,wala akong alam na kagalit yun kahit g*go yun."ani ni Russel.

"Maalala ko lang, nung isang araw, may natanggap na message si Carlo sa fb nya."sabi ni Andrei.

"HA?! EH BAT NGAYON MO LANG SINABI!?" medyo OA na reaction ni Lody.

"EH NGAYON KO LANG NAALALA EH!"balik na sigaw naman ni Andrei. Irap naman ang isinagot ng huli.

"Tama na nga yan! Tanda nyo na eh" pagbabawal naman ni Jhonray sa dalawang nagsusukatan ng tingin.

"Eh Andrei, ano sabi?"usisa ni Giovanni.

"Ganito kasi yun,naglalaro kasi ako ng NBA sa cp nya, tapos may biglang nag pop-up sa messenger, nakalimutan ko na yung pangalan eh, tas yung wala namang picture. Teka ang sabi ata "GO TO SLEEP. DON'T EVER WAKE UP" Akala ko nantri-trip lang kaya inalis ko na." mahabang lintaya ni Andrei.

"Teka nakalimutan mo yung pangalan, pero yung message naalala mo?"kunot noong tanong ni MA.

"Uto ka ba? Syempre basta text o message naaalala ko pero yung pangalan mabilis kong makalimutan."sagot naman ni Andrei.

Nagkatinginan naman ang lahat at namayani ang katahimikan ng ilang minuto. Hangga't pinutol ni Angeline ang katahimikan.

"Tumigil na nga kayo dyan. Malay nyo ginantihan lang yun. Imposible namang serial killer ang pumatay sa kanya."

"Pero may punto si Angge eh! SLEEP. Sleep ang nabasa nyo sa message at sa nakadikit sa locker. Pero bakit sleep?"sabi naman ni Aivan.

"Yung parang kay Jeff the Killer? Ano nga ba yun...ah Go to sleep!"sali naman ni Jian sa usapan matapos malowbat ang kanyang cp kakasoundtrip.

"Jeff the Killer nyong kautuan. Napapala nyo kakanood ng serial killing movies eh. Hindi magiging serial killing yan kung isa pa lang ang pinapatay."seryosong wika ni John Carlos na nakaupo sa isang tabi at muling ipinasak ang earphones sa kanyang tenga.

"ANONG PINAPATAY!? Go back to your own seats! Now! Kababata nyo pa eh, panay krimen na agad nasa isip nyo."

Saktong dating ng kanilang terror  na A.P teacher. Pero kahit gaano ka terror ito,walang itong talab sa kaingayan nila.

Someone's POV

Mag-isa akong naglalakad ang nililibot ang kabuuan ng open gym. Ala-una pa lang ng hapon kaya wala pang masyadong tao dito.

Minsan ay masarap din namang magliwaliw pa minsan-minsan. Nagsilbing celebration ko na rin ito matapos ang ginawa ko kahapon.

Nang mapagod na ako ay umakyat na ako sa pinaka itaas na bahagi ng open gym. May mga bleachers kasi doon at pwede akong humiga at tumambay.

Pumwesto ako sa may lilim ng puno. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang ang canteen kung saan naroroon ang mga kaklase ko. Hmmm. Anong oras ko kaya sisimulan?

*london bridge is falling down, falling down~*

Agad kong sinagot ang tawag matapos kong mabasa kung sino ito.

"Ano? Meron ka na ba?"

"Uhmm yeah, actually nandito na sya sa apartment ko. Kakukuha ko pa lang kahapon sa dealer, medyo nagkaaberya pa nga eh dahil mainit sa mata ng mga pulis yun. Pero nothing to worry about. Basta kapag ako gumawa,siguradong walang hindi malulutas." Maasahan talaga ito.

"Great. I-deliver mo na lang sa locker ko mamaya. I know you have your own ways kaya alam kong madali ka na lang makakapasok dito."

"Syempre naman ako pa...oh by the way, nagi-start na ba si Mr. X? Hahaha"

"Of course...One down,more to go. Sige thanks brad. Maasahan ka talaga."

Patikim pa lang yung kahapon,now that I've got my own things, the real game has just began.

GENERAL POV

Time Check  4:00 pm

Sa mga oras na ito,nasa kanya-kanyang field na ang players ng Section Parker. At kasalukuyan ngang nagdi drill sila Sherwin, Ian, Jayvee kasama pa ang mga kapwa Badminton players sa iba't ibang year level. Ang mga girls ay nasa malayong bahagi ng court dahil may meeting sila kaugnay sa nalalapit na division meet.

"Guys!...tara water break muna tayo." wika ni Jayvee sa kanyang mga kasama. Agad namang nagsitayuan ang iba at nagtungo sa kanilang lockers.

"Half day lang bukas, tara dota tayo."pagaaya ni Ian.

"Geh, sa inyo ba Sherwin?"pag-sang ayon ni Jayvee.

"Bahala kayo. Basta kanya-kanyang pagkain ah. Wala akong ipakakain sa inyo."sagot ni Sherwin at inilabas ang gatorade nya sa bag.

"Kuripot mo naman! Parang meryenda lang, ipagkakait mo pa"kunwaring nagtatampong wika ni Ian.

"Nadala na ako. Eh halos naubos nyo yung mga pagkain namin sa ref nung huling naglaro tayo dun."Ismid na wika ni Sherwin.

"Painom nga ng Gatorade dali"hingi ni Jayvee. Inabot naman ni Sherwin ang bote na nasa mahigit kalahati pa ang laman.

"CR lang ako guys ah."paalam ni Ian sa mga kasama.

"Sige...hoy Jayvee!! G*go ka! Wag mong ubusin! Wala nang matitira sakin!"wika ni Sherwin na pilit inaagaw yung bote kay Jayvee. Naghahabulan ang dalawa at tawang-tawa naman si Jayvee.

"Bili ka na lang. Hahaha ubos na oh!hahaha"sabay bato ng bote kay Sherwin.

Ian's POV

Medyo may kalayuan ang CR na nilalakad ko papunta sa locker room. Nasa dulong bahagi pa kasi yun ng gym. Katabi ang stock room, sobrang creepy kasi madilim.

Pero walang biro, natatakot na ako habang papasok na ako sa loob ng CR,ito kasi yung tipong napapanood ko sa horror movies tapos mahina pa yung ilaw. Geeeez!

Kahit ayokong pumanta wala na akong magagawa, jebs na jebs na talaga ako. Dala siguro ng mga pagkain na nilibre sakin ni Dan. Wala eh masarap kapag libre.

Pagkatapak ko sa pinto, diretso na agad ako sa kubeta. Hangdilim naman dito! nasa labas kasi yung ilaw.

Teka...

Wait...

Ma-may a-anino!!! Anak ng...

Kitang-kita dito sa ilalim ang anino.
"Sino yan?!"tanong ko.

Walang sumasagot. "Hoy Sherwin! Wag mo nga akong tinatakot"sigaw kong muli.

Minadali kong tapusing gawin yung "business" ko, upang agad kong tiningnan kung sino yun.

General POV

"Oh ikaw lang pala hahaha, nanakot ka kasi bigla eh"gulat na wika ni Ian matapos makita ang kaibigan.

"Hahaha akala ko naman, na flush ka na sa inidoro sa sobrang takot. Bwahahaha."halos mamatay na katatawa si Sherwin. "Sa dinami dami naman ng pwedeng gamitin dito pa sa tagong lugar hahaha"

"Hoy hindi naman ganon kabaho yung akin ano. Eh gusto ko dito eh, paki mo ba?"pagtanggi ni Ian matapos maintindihan ang makahulugang tingin na ipinupukol ni Sherwin.

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng mga kaluskos ng kadena sa labas. Nagkatinginan ang dalawa at tila ba ay nag-uusap sa pamamagitan ng tingin.


To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECTION PARKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon