Nakatingin lamang ako sa anak ko habang tahimik siyang nakapila. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pananabik na makarating sa unahan upang makatanggap ng munting regalo.
"Ito ang para sa iyo, hijo."
"Salamat po!" Tuwang-tuwa na sabi ng anak ko nang iniabot sa kanya ang dalawang pares ng tsinelas. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin.
"Nay, may tsinelas na po akong bago. Mapapalitan ko na rin itong suot ko!"
Ngiting-ngiti pa si Juan nang ipakita niya sa akin ang natanggap na tsinelas at ang suot niyang ang isa ay may butas sa talampakan, at ang isa naman ay may nakataling alambre sa pagitan ng daliri para hindi tuluyang maputol.
Napabuntong-hininga ako nang makita iyon. Sapat lamang ang kinikita ko sa paglalaba upang makakain kami ng dalawang beses sa isang araw o kung minsan nga ay isang beses lang. Idinadaan na lang namin sa pag-inom ng tubig ang gutom.
"Nay, ito raw po ang sa inyo sabi ni Kapitan." Iniabot sa akin ni Juan ang isang pares ng tsinelas.
Hindi ko sana iyon tatanggapin. Kaya lang naputol na ang suot kong tsinelas nang magtangka akong umalis.
"Nay, suotin mo na po ito... Tingnan ninyo, sira na po ang tsinelas mo. Siguro po, naramdaman niyang may kapalit na siya, kaya sumuko," sabi ni Juan. Umupo siya at inihanda sa paanan ko ang susuoting tsinelas.
'Kung alam mo lang, anak... Kung alam mo lang na ito ang unang beses na binigyan tayo ng Tatay mo. Sa loob ng pitong taon, tsinelas lang ang naibigay niya.'
![](https://img.wattpad.com/cover/84741900-288-k192634.jpg)
BINABASA MO ANG
Tsinelas
القصة القصيرةSoon to be publish under Read Between The Lines Publishing House