Act 1

13 1 0
                                    

"when we grow up,  I will find you!" ngumiti lang ito kahit na iyak na ako ng iyak.

Bigla niyang isinuot ang singsing sa daliri ko. Gold ito tapos sa loob ay may parang nakadikit na singsing na silver simple lang ito pero elegante tignan may parang square ito sa gitna na parang design upang hindi magkahiwalay yung singsing na Gold at Silver at may nakaukit na 'G' sa gitna ng square.

"Para madali kitang mahanap" hinalikan niya ko sa pisngi at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang index finger.

5 years old ako ng nagkaron ako ng first love well Much better kung tatawagin nating puppy Love. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya basta ang tawag ko sakanya ay si Super Guy.

My 'Super Guy' dahil napaka talented nito.  Magaling siyang tumugtog ng piano at ng gitara.  Magaling din itong kumanta. Kahit bata pa lang kami ay buong buo na ang boses nito. Ginagamot niya ang sugat ko tuwing nadadapa ako dahil lampa ako.  Nang minsang sumampid yung saranggola sa puno ng mangga habang pinapalipad namin ito ay inakyat niya ang puno para kuhanin ito at dahil matanda na ang puno ay nahulog si Super Guy.

Takot na takot ako, nagkaron siya ng bali dahilan kung bakit di siya makalakad at sinabi ng doctor na kailangang patignan sa isang espesyalista sa maynila dahil sa aming probinsiya sa Isabela ay kulang kulang ng gamit.

Pagkatapos ng araw na nagpaalam siya ay hindi na ulit bumalik ang kanilang pamilya sa probinsiya. Araw-araw akong naghintay sakanya hanggang sa makatapos ako ng highschool at nag desisyon na ngang mag aral sa maynila. Hindi lang para hanapin si Super Guy kundi para makapagtapos din sa isang magandang unibersidad.

Napaniginipan ko nanaman siya,  yung bata na nakilala ko sa probinsiya namin. Hindi ko na masyadong matandaan ang kanyang itsura ang alam ko lang nangako ako sakanyang hahanapin ko siya at dahil sa pangakong yun kaya ako napadpad dito sa Maynila.

First day be like!  Ang daming pasosyal,  naglipana ang mga jejemon,  swagger at kung ano-ano pa.  Ganyan ang kadalasang makikita tuwing first day of school. 

“Hello? “

“Yes,  Ma.  Andito na po ako sa may gate.  Yes po”

Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng aking balikat at taenga dahil wala akong earphone.  Kaya heto at mukha akong tanga. dagdagan pa ng salamin ko sa mata.

Dare-darecho lang ako ng lakad at panay parin ang halungkat sa jansport kong bagpack. Hindi ko makita yung wallet ko SHIT!

“AW” sobrang lakas ng pagkakaumpog ko kaya naman napahawak ako sa aking uluhan. nalaglag ang salamin sa aking mata kaya naman blurred na ang paningin ko ngayon.

“BULAG KA BA?” sigaw ko sa hindi ko masyadong maaninag ng lalaki na aking nakabungguan dahil  bukod sa wala iyong salamin ko ay nakayuko ito at mukhang nauntog ata ang noo ko sakanyang ilong.

“S-Sorry Miss, ouch!” Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil nakita kong gwapo ang lalaking nakabangga ko,  kundi dahil nagdudugo ang kanyang ilong. Kitang kita ko ang kulay pula sa kanyang ilong kahit medyo malabo ay alam kong dugo iyon.

“Du-Du-DU-gooo” hindi ko pa maidarecho ang sinasabi ko at naging mahina ang pagkakasabi ko ng GO sa dulo ng DUGO dahil nahimatay na ko. 

Nagising na lang ako ng may humaplos sa aking noo. Pagdilat ko ay puro puti ang nakikita ko. Bumalikwas ako at naramdaman ko ang pagkahilo at pagkakasakit ng aking ulo.

“Nasa langit naba ko?” tanong ko ng wala sa sarili.  Narinig kong may nagpipigil ng tawa sa aking gilid yung tipong natatawa na pero sobrang pinipigilan lang. pero hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil iniinda ko padin ang sakit ng ulo ko at dagdagan pa ng sobrang labong mga mata.

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now