chapter 2

9.7K 162 2
                                    

Edited

Samantha's  POV


Wala sa oras akong napahawak sa labi ko. Bakit ganoon? Iba yung pakiramdam ko. Shit. 

Napatingin ako sa sa pintuan ng silid aralan namin. Mabuti nga at wala pa yung Prof. namin. Kung hindi? Patay. Late kasi ako eh.

"Tanga." Napatingin ako bigla sa katabi ko na sinabihan ako ng walang kwentang salita.Siya si Princess Cindy Salvador. Best friend ko yan! 

"Sino?" Painosente ko pang tanong. Pero alam ko namang ako yun. Para naman maisip niya na walang kwenta yung sinabi niya.

"Late ka na naman." Bigla naman akong nainis sa sinabi nya. Tiningnan ko ito ng masama, pero bigla kong naalala yung driver. Jusko.

" As always" Out of blue nakita ko si Prince Cean Salvador. Kahit sino naman malalaman na kambal sila sa pangalan pa lang eh. Tinalo yung kutsara at tinidor. Walang connect? Wala kasi akong kwenta. Talagang maganda lang. *Flips hair*

Kambal sila! Kakasabi ko lang eh.


" Attention students!" Sigaw ng bagong dating na Prof. namin at pumalakpak pa para makakuha ng atensyon. 

" Student teachers have arrived now in any moment darating na yung naka-assign sa inyo. Magiging teacher niyo sila hanggang 2nd grading. Are we okay?" Tinanong mo pa sir. Kahit ano namang gawin namin eh magiging teacher namin yan eh.


"ano?"


" Siguraduhin lang nilang gwapo yun ha. Kasing gwapo ni mr. Sy!'' Yung dati naming student teacher. 

Aasahan mo talaga yan sa mga kabataan ngayon. Masarap makinig pag gwapo yung nasa harap eh. Di lang sa tenga masarap sa mata pa!



" Lets welcome...





" Mr. Vincent Gold Perez" Lahat ng classmates ko nagpalakpakan. Panigurado gwapo nga. Nagsayang ng effort sa pagpapalakpak eh. 

Ako?

Wala akong pakialam busy kasi ako kakahanap ng notebook ko para sa 1st subject yung math.


Asan na ba kasi yun? Sayang oras eh. Tss.



" nice meeting you all...




And especially to you Miss Bayad mo" Narinig ko pa ang munting tawa nito. Wow ha. Grabe si sir. Di ko man makita pero feel ko bata pa to. Sa tawa pa lang eh. Nakakaakit na.

 paki ko ako ba dun? 


Naramadaman ko na lang yung pagsiko ni Cindy sakin. Sumagot naman ako "Ano?!" pero sigurado akong kami lang naman ang nakakarinig  nun. 


"sam..." Narinig ko pang bulong niya. May hinahanap pa ako eh. 

"Hmm?" Sagot ko dito pero abala pa rin sa paghahanap ng notebook ko. Tsk! Sinasabi ko na nga ba naiwan ko siguro kagabi. Shet!

THE DEAL WITH THE MAFIA BOSS (SANDFORD SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon